It was almost 9 PM when we arrived at the condo. Nakatulog na ako sa kotse kaya ginising na lang ako ni Kiel nung nasa parking lot na kami.
Tumigil ang elevator at pumasok ang dalawang babaeng sexy... naka-stilettos pa.
"I know, Sis... kaya nga gusto ko dito." sabi nung isa, saka sila nagsikohan habang nahihiyang pumapasok.
Napalukot ang mukha ko. Kitang-kita ko kaya sila rito. Nasa harap ako ni Kiel at nakayakap ulit ang kamay niya sa tiyan ko kaya kita ko rin ang mga nakangisi nilang mukha.
Inangat ko ang ulo ko para makita ang mukha niya. Seryoso lang siya... pero tinignan niya rin ako. Ngumuso ako sa kanya. Napangiti naman ako nang halikan niya ang noo ko.
Nauna kaming lumabas. Sinadya kong magpahuli at bago pa tuluyang sumara ang pinto... binelatan ko silang dalawa.
Kiel sighed when he saw what I did.
"Such a baby..." sabi ko, inunahan ko na siya sa lagi niyang sinasabi tungkol sa akin.
Tumawa siya. "Ang selosa..." iiling-iling niyang saad.
"Hindi noh! Pag ikaw ginawan ko ng ganun... tignan natin!" paghahamon ko.
"Don't try it... kung ayaw mong sa presinto ang bagsak ko." he glared.
Kinagat ko ang labi ko.
"Whatever..." halos pabulong kong sabi.
Nauna na akong pumasok. Dumiretso agad ako sa kwarto at naghanap ng pantulog. Magwa-warm bath lang ako... ang lagkit kasi ng skin ko.
Hinubad ko agad ang damit ko at nilagay sa hamper. Pinaragasa ko ang mainit na tubig sa katawan ko at pinabula ang sabon sa balat ko. I always liked the smell of my soap... lavender kasi ang paborito ko.
Natapos din ako at binuksan ang glass door nang mapansing wala ang tuwalya ko.
My gosh!
Binuksan ko nang kaunti ang pinto. Malamig na ang kwarto namin. Nakatayo si Kiel sa harap ng salamin habang hinuhubad ang relo niya.
Ngumiti ako.
"Pwede pakiabot ng tuwalya?"
Bigla siyang umiling sa akin... seryoso.
"Huh? Wala akong tuwalya." sumimangot ako.
"Get it." he said without looking at me.
"Kiel!" sigaw ko.
Tumingin ulit siya sa akin.
"Yung tuwalya please..." masuyo kong sabi.
Umiling ulit siya. Kaya napasimangot ako.
"Do you want me to get out naked?" I hissed.
Humarap siya sa akin.
"Maybe." he seriously said.
"Sige... pag di mo 'yan ginawa, hindi ako lalabas dito!" maktol ko.
He shook his head and pulled up his polo shirt. Lumapit siya kung saan nakahang ang mga tuwalya namin at kinuha iyon. Paglapit niya sa pinto, mabilis kong inagaw sa kanya ang tuwalya at agad isinara ulit ang pinto.
He's making me pissed randomly... such a bipolar.
Lumabas akong suot ang puting satin night gown ko at sinamaan siya ng tingin. Umupo ako sa harap ng salamin at nilagay ang usual night cream routine ko.
Bukas... ano kayang gagawin ko? Hindi ko na alam. Halos yata lahat ng makakapaglibang sa akin, nagawa ko na.
Nakasandal na ang likod ko sa unan habang nagche-check ng Instagram. Wala na kasi akong Facebook simula nung dineactivate ko 'yon three years ago... dahil sa lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
His Brat Wife (Completed)
RomanceSince then the brat Lauren likes Kiel but she was never been noticed by him. She always felt rejected when this mysterious, charismatic and intimidating man. However, that one night made her life into something she never ever expected to. How would...
