8

6.2K 135 4
                                        

"Sino na ang nananalo?" tanong ni Lola Victoria nang makabalik siya dala ang hiwa-hiwang prutas.

"Chumachamba ka lang, Apo..." saad ni Lolo Marcial.

Ngumisi lang si Kiel sa kanya. May dalawang queen siya at iilang pyesa pa... samantalang kay Lolo, tower na lang ang natira. Tumawa si Lola Victoria.

"Marcial... ang sabihin mo, mahina na ang strategies mo." sabay patong ng kamay niya sa balikat ni Lolo.

Ang tagal bago natapos ang laro nila Kiel.

"Talagang ginalingan mo, Apo... halatang ayaw mahiwalay sa Misis." saad ni Lolo.

"Alangan naman, Lo... paano makakabuo?" nakangising saad ni Kiel.

"Tama nga naman..." sang-ayon pa sa kanya ni Lolo.

"Magpahinga muna kayo sa taas. Nakahanda na yung dating kwarto mo, Kiel. Dito na rin kayo maghapunan." saad ni Lola Victoria.

"Sige po... mukhang kulang din ang tulog ng asawa ko." aniya.

Hindi na kami hinatid ni Lola. Pumanhik naman sila sa kanilang kwarto para makapagpahinga.

"Ilang taon na sina Lola?" tanong ko habang paakyat kami sa hagdan. Nasa baba na pala ang kwarto nila.

"Si Lolo, seventy-nine... si Lola naman, seventy-four." sagot niya.

Hinawakan niya ang kamay ko sabay bukas ng pinto.

"Ang laki ng kwarto mo..." saad ko.

"You want our room as big as this?" he asked.

"Sana..." I smiled.

Malamig na ang aircon... gusto ko na tuloy matulog.

"Magpahinga ka muna. May hahanapin lang ako sa storage room." aniya.

"Patulugin mo kaya muna ako... paano kung minulto ako nitong kwarto mo rito?" nakalabi kong sabi.

"Hindi magkakagusto ang multo sa'yo rito." nakangisi niyang saad.

"Sige na..." pagmamakaawa ko.

"Ayan ka na naman sa pagiging brat mo."

Napasimangot ako.

"Stop saying that... nasasaktan ako pag sinasabi mo 'yan." I frowned.

"Hindi ba totoo?" ngumisi siya.

"No!" agaran kong sabi.

"Look how you act now... hindi ba brat tawag diyan?" he smirked.

"It's not... paglalambing tawag doon." I retorted.

Tumawa siya sa sinabi ko.

"If you say so..." he shrugged his shoulders and started walking closer to me.

"You want to cuddle?" he grinned.

"I didn't say that." nakasimangot kong sabi.

"Come on... start being vocal now. I'm your husband... stop denying the things you want."

"Bahala ka!" tumalikod ako at tinakluban ng comforter ang katawan ko.

"I almost got lost on the chess game. Pag natalo ako... isang linggo talaga tayong hindi magkikita." he sighed after saying those words.

"Your grandpa is really serious..." I mumbled.

"Yes. He likes it when I get pissed... dahil hindi ko raw siya pinakitaan ng gano'n. They haven't seen me mad yet."

Humarap ako sa kanya.

"Talaga? Ako, palagi akong nakikitang galit ng grandparents ko... lalo na pag sutil ako." natatawa kong sabi.

His Brat Wife (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon