16

5.5K 118 3
                                    

Tinawagan si Kiel ng mama niya at parang sinesermonan siya hindi lang ako nakikinig kasi ayoko namang sabihin niyang nakikialam ako pero napangiti ako ng sinabi niya sa mommy niya na hindi niya alam napupunta ako.

Tingin koy tungkol iyon sa pagpunta ko roon at maaring nagtanong ang papa niya kung bakit nag locked pa talaga siya ng pinto.

Nagdesisyon kaming mag dinner sa restaurant ngayon. Nagbihis ako ng paborito kong peach na dress na may butas na circle na magpapakita ng konting clevage ko. Nakapagbihis na si Kiel at hinihintay nalang ako.

Lumabas ako ng kwarto at ngumiti ako ng makita siya. He smiled at me. Kinikilig ko!

Sabay kaming lumabas at ng pumasok kami ng elevator gaya ng ginagawa niya pag may kasama kami lagi niya akong hinaharap sa kanya at yayakapin.

Mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya sa ginagawa niya.

Hindi naman kalayuan ang restaurant na pinuntahan namin. Nakakatuwa dahil may reservation na kami roon.

Hinatid kami ng babae at si Kiel na mismo ang humila sa upuan ko.

Binigyan kami ng menu kaya mabilis ko iyong tinignan. Gusto kong tanungin kong ano ang sa kanya ng maiangat ko ang ulo ko at nakita ang nakatayo sa pintuan si Azel pero brownie na ang tawag ko sa kanya dahil yung kulay naman niya ganun. May kasama siyang sugar daddy ay este daddy niya ata ang sexy talaga niyang manamit.

"Who are you looking at?" nabaling ko ang tingin ko kay Kiel at ngumuso.

"Nandyan si brownie!" saad ko

"Who's brownie?" kumunot ang noo niya.

Takte nakita nila kami. Malamang lalapit yun dito!

"Si Azel" mahina kong sabi at umismid.

He sighed but still he remained his eyes on me.

"Mr. Sandejas" an old man stop infront of our table.

Tumayo si Kiel kaya maging ako rin.

"Sir. Albert" tawag niya rito at nagkamayan sila.

Napatingin sa akin si Azel at tinutukuan talaga ako kaya di ko rin siya inurungan nakipagtitigan din ako sa kanya.

"It's nice to see you here. My daughter told me that you're married already hindi ako naniwala but now I'm seeing the truth. You must be the wife?" he directed his gaze at me sabay inabot niya ang kamay niya.

"I'm Albert Imperial..."  he smiled

"Laurena Sandejas po" diniin ko talaga ang Sandejas. Mamatay ka sa inggit bobita ka. Ngumiti sa akin si Mr. Imperial at ngayon naman si Azel nakatutok ang mata kay Kiel pero di siya pinansin nito. Buti nga!

"Nice to mee you, hija. Anak ka ba ni Billy?" he asked

Tumango ako.

"Hindi ko talaga alam na kinasal na kayo. Wala din kasi kaming nababalitaan na may girlfriend  si Kiel" he commented

"Secreto lang ang pagpapakasal namin, Sir!" Kiel politely said

"Pero sa simbahan kayo kinasal? Mr. Imperial asked again

"No, Sir. Civil pa ang wedding namin."

Napa smirk si Azel. Walanghiya sasabunutan ko na 'to!

"Well ang bata mo pang tignan. You look 20!" nakangisi niyang sabi. Bakit ang anak niyo ilang taon na? napangisi ako sa naisip.

"Thank you po!"  taking it as compliment.

Hindi ko na makayanan kanina pa niya tinititigan ng malaswa si Kiel bobitang to. Dukutin ko kaya ang mga mata niya.

His Brat Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon