Like what Kiel said papayagan niya akong magtrabaho. It is monday today. Maaga akong gumising. I just wore another dress and covered my self with a coat.
"Are you alright?" he asked
Nakangiti ako pero ramdam ko ang nerbyos sa kaloob looban ko.
"I think I am" napangiti siya sa sinabi ko.
"Good Morning, Ma'am and Ser!" bati sa amin ng guard.
"Manong Lito si Lauren asawa ko—dito na din siya magtratrabaho!" saad ni Kiel manghang napatingin si manong guard sa amin.
"Ganun po ba, Sir. Welcome po Mam!" aniya at nahihiyang tumawa. "Akala ko Sir nobya mo palang ang bata po eh!" dagdag pa ni manong guard
"Matanda na po ako!" hirit ko pero nakangiti rin
Tumango tango lang siya. Hinatid ako ni Kiel sa second floor. Nahihiya ako ng lingunin ako ng mga babae roon at may iilan ring lalaki. Lumapit sa amin yung si Nathalie pakiramdam ko ito yung tinawagan ng secretary niya.
"Good Morning, Mam Lauren!" she politely said
"I'll tour you on this department but for now sa cubicle niyo po muna" aniya
Tumango ako. I told Kiel to go to his office already ayokong andito siya nahihiya ako ayoko munang ipaalam sa lahat na asawa niya ako.
"Ito po ang cubicle niyo" aniya
May tumayong mga babae sa tabi ng cubicle ko at nagpakilala.
"Hello, ako si Lauren!" saad ko
"Hello, I'm Riza" pakilala ng isa
"Ako si Kath" ani naman ng nasa likod ni Riza.
"Sila ang mga makakasama mo kung may mga tanong ka sa mga document na gagawin matutulungan ka nila" paliwanag sa akin ni Nathalie
Tinour niya ako sa department maliit lang naman ang area di masyadong maraming tao katulad sa 5th floor.
Nagsisimula palang ako mag type ng mga 10am hindi pa naman ako nahihirapan madali lang ang gagawin i checheck ko lang ang mga records ng mga taong nagtratrabaho sa department namin.
"Hi Lauren, malapit na mag lunch sama ka?" si Riza
"Ahm. Sa susunod nalang may kasama kasi ako" saad ko
"Ganun ba. Sige mauna na kami" tumango ako sa kanila.
Eksakto 12 noon ng umalis ako at pumunta sa fifth floor nag text din kasi si Kiel na nagpadeliver na siya ng food para sa amin. Nakaramdam ako ng ginhawa ng hindi matao ang floor. Oo nga naman lunch time!
Mabilis ang lakad ko papunta sa office niya mabilis na kumatok roon. Napangiti ako ng makita siyang hinahanda ang pagkain namin.
"Hey, kamusta?" he asked mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya. I even smelled his scent.
"Don't tell me mag reresign ka na?" he laughed
Umiling ako.
"I'm just happy!" kumalas ako sa yakap niya at umupo sa chair na katapat niya.
I opened the food and there are french lumpia and beef steak. Tinikman ko agad ang pagkain pakiramdam ko nagutom talaga ako dahil tatlong lumpia ang naubos ko.
"Are they friendly to you?" he asked
Tumango ako.
"Oo. Inaya pa nga nila ako. Baka minsan di tayo magsasabay. Okay lang ba?" tanong ko
BINABASA MO ANG
His Brat Wife (Completed)
Storie breviHow would you deal to live with a wife who is brat? Read at your own risk.