Siniko ako ni Katie habang nakaupo kami sa semento ng KM Hall.
"Yung crush mo..." bulong niya.
Agad kong hinanap ang tinutukoy niya—
and there... my heartbeat started to pound.
Kasama niya ang mga kaibigan niya.
He was just wearing shorts now, with a gray shirt.
Napaka-manly niyang tignan.
I smiled at him when he took a glance at me—
pero mabilis din niyang iniwas.
"Did you see that?! He looked at me!" kinikilig kong sabi kay Katie.
"Oo... hahaha, kaya lang umiwas agad," humagalpak naman siya ng tawa.
"Kat... do you think it's nice to give him sweets? Like cookies ganun? Ilalagay natin sa locker niya," nakangiti kong sabi.
"Duh. Pag nahuli tayo?" taas-kilay niyang tanong.
"Tanga. Di tayo magpapahuli," sabay bukas ko ng burger to see if there is really cheese inside.
"Ikaw bahala diyan... susuportahan na lang kita."
Napangiti ako at tumango-tango.
---
The next day, maaga akong gumising.
I asked my yaya to help me bake cookies... pero dahil ang tagal kong kumilos, siya na mismo ang nagtuloy sa paggawa.
Nagdala lang ako ng twenty cookies.
Hinati ko lang yung sampu—para kay Kiel... yung isa naman para kay Bonita.
9:30AM na.
Hindi na matao ang area sa lockers.
Mabilis kong tinawag si Bonita. Magaling kasi siya sa mga paghubukas ng pinto—baka pati locker, kaya niya.
"Password oh... paano 'yan?" tanong niya habang hawak ang kandado.
"Manghula ka na lang," saad ko.
Ginawa niya nga iyon... at halos pawisan na kami dahil natatakot kaming may biglang dumating.
"Ano na?" tanong ko.
"Hindi mabuksan!" gigil niyang sabi.
Tumunog pa ang lock nang mabitawan niya.
"Anong birthday niya?" tanong ni Katie.
Napaisip pa ako.
"Ahhh... December 25," sagot ko.
"Ay sus!"
Kinublit niya ako—nakangiti.
Bukas na ang locker niya.
Mabilis kong nilagay sa loob ang cookies.
May isang damit doon... tsaka notebook niya.
Kumaripas kami ng takbo papunta sa taas.
Tama lang din dahil may maagang na-dismiss.
Umupo kami sa gilid malapit sa hagdan nang dumaan ang grupo niya.
"Bro, di na ako sasama sa inyo mamaya. Trabaho pa eh."
Boses niya iyon.
Kaya inangat ko ulit ang tingin ko.
May trabaho siya?
"Iba ka rin, bro. Sige, saan tayo kakain?" tanong nung si Bradyn.
"Fast food?" sabat nung isa.
BINABASA MO ANG
His Brat Wife (Completed)
RomanceSince then the brat Lauren likes Kiel but she was never been noticed by him. She always felt rejected when this mysterious, charismatic and intimidating man. However, that one night made her life into something she never ever expected to. How would...
