Pumasok na ako the next morning. Nalaman kasi ni Dad na umabsent ako tapos na nadamay ko pa si Kiel. Kahit mag sinungaling ako sa kanya di niya parin paniniwalaan dahil kilala na niya ako. Panigurado lang daw may ginawa akong kalokohan kaya pati si Kiel napa half day.
Dala dala ko ang papers na pipirmahan ng papa ni Kiel ng makita ko si Azel bago pa magsara ang elevator sa floor ni Kiel. Lintik na hitad nagpakita na naman akala ko wala na yun!
Nalaman kong may meeting pa ang papa ni Kiel kaya bumalik agad ako sa elevator para puntahan si Kiel. Umiinit ang ulo ko ng maisip ko ang damit na naman niyang suot. Bwesit!
"Ma'am, andito po ulit siya!" si Jessica tumango ako sa kanya. "Oo nga lintik na hitad yun!" galit kong sabi.
"Ma'am, may kasama po si Ma'am Azel kasama po yung barkada niya nung college" dagdag ni Jessica kaya napabaling ako sa kanya.
"Ilan sila?" nakaramdam ako ng kaba
"Tatlo, Ma'am. Si Sir Tyson po at Ma'am Kendra!" aniya
Tumango ako.
"Salamat! pero hindi ko na muna siya pupuntahan. Baka may importante silang pag-uusapan!" saad ko at akmang tatalikod na sana ilang distansya lang sa pintuan ng office ni Kiel ng bumukas iyon.
"Yes, I know right! Ang funny diba! Naghabol talaga!" I heard one voice saying it in disgusting way.
Napatigil si Azel sa pagtawa ng makita niya ako at titig na titig naman sa akin si Kendra ang best friend nitong hindi ko makakalimutan dahil siya ang may kasalanan kung bakit napatumba ko ang shelves sa library.
"She's here! The wanna... The lucky wife!" dama ko pa ang sarkasmo sa sinabi ni Azel. Tumawa ang kaibigan nitong kinulang sa height.
Sumunod naman sina Kiel at Tyson. Hindi ko alam kong anong reaksyon ko sa kanila pakiramdam ko nasasaktan ako sa mga titig ng dalawang babaeng nasa harap ko.
"Hey, ano yang dala mo?" Si Kiel ng mapansing walang kibo ako.
"She was just called hey? no endearment?!" tumawa ulit ang dalawa.
"Papapirmahan ko sa Papa mo. Kaso nasa meeting kaya dinala ko nalang ulit!" casual kong sabi. Suminghap ako at tinatagan ang loob hindi dapat akong mag mukhang bata sa paningin nila.
"Tyy, this is my wife... Lauren!" tawag nito sa kaibigan at nagbigay naman ng espasyo ang dalawa para makadaan si Tyson sa gitna nila.
"Hello, Lauren! Nice to meet you!" nag-abot siya ng kamay kaya nakipagkamay ako sa kanya.
"Nice to meet you too!" magaan kong sabi.
"I'm surprised. Hindi ko akalaing pedophile pala ang kaibigan kong ito!" aniya at mahinang tumawa.
Nakitawa na rin ako.
"We're about to go for our lunch. Sumama ka!" anito.
Tumingin ako kay Kiel. He knows I can't go with him today because it's tuesday.
"Ahm..."
"Next time na, Pare. May kasama kasi siyang mag lunch today birthday ng co-worker niya" si Kiel na ang nagpalinawag.
"That's good. I mean..." mahinang tumawa si Azel. "There's always a next time for her to join us... Besides ngayon lang tayo nagkita kita ulit na apat"
Ginalaw galaw ko ang nguso ko.
"Yeah. I don't want to intrude... Mauna na ako sa inyo. Medyo mabigat tong dala ko" pagdadahilan ko at ngumiti sa kanila.
I was suprised when Kiel stop me for a bit and kiss my forehead before I could walk pass him.
"I'll text you" he murmured
BINABASA MO ANG
His Brat Wife (Completed)
Short StoryHow would you deal to live with a wife who is brat? Read at your own risk.