"Lita, Aida, ilabas na ang mga pagkain," tawag niya sa mga kasambahay.
"It's nice to see you again, Apo..." her gaze was directed at me as she held my hand warmly.
"Kamusta ang pagiging asawa?" she asked as we stopped in front of the chairs.
"Okay lang po, Lola," saad ko.
"Naku... paanong okay lang? Di ka ba inaalagaan ni Kiel?" taas-kilay na siya ngayon.
"Inaalagaan po," agaran kong sagot.
"Kiel!"
Napabaling naman kami sa baritonong boses.
Ang Lolo niya.
"Marcial, halika na at para makakain na ang mga apo natin," tawag ng asawa niya.
Lumapit ako para magmano.
"Ito ba talaga ang asawa mo, Kiel? Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala," nakangising saad niya.
"Ikaw talaga, Marcial..." sita ng asawa niya.
"Napakabata mo kasi, hija. Di ka man lang nag-explore siguro, noh? Itinali ka ba nitong Apo namin kaya wala ka nang kawala?" umiling-iling siya.
"Hindi po," saad ko.
"Siya po yung babaeng sinabuyan ako ng tubig, Lolo," sabat ni Kiel sabay tawa.
Nagkanda-ubo naman ang Lolo niya habang mabilis akong tinignan ng Lola niya.
Di ko mapigilang sipain si Kiel sa ilalim ng mesa.
Balak ba talaga niya akong ipahiya rito?!
"Ikaw yun, hija?" tanong ng Lola niya.
Nahihiya akong tumango.
Humagalpak naman sa tawa ang Lolo niya habang inaabutan ng tubig ng Lola niya.
"Hindi ako makapaniwala..." halos di mawala ang ngisi sa labi nito.
"Pinikot ka ba ng Apo namin, hija? Sabihin mo lang at aaksyunan namin."
Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya.
"Lola..." sita ni Kiel habang sinulyapan ako.
"Tumigil ka. Pinikot mo tong asawa mo kaya ang bata-bata pa nagpakasal na sayo!" sigaw ni Lola.
"Kumalma po kayo. Hindi po ako pinikot ni Kiel," saad kong nakalabi.
"Totoo ba 'yan, hija? Talagang malilintikan tong Apo namin," saad naman ng Lolo niya.
"Opo..." ngumisi ako.
"Jusko, Marcial! Pag nalaman kong nang-pikot tong Apo natin, aatakihin ako," madramang saad ng Lola niya.
"Lola naman... di ko yun gagawin. Baka ako pa nga ang mapikot," nakangising saad ni Kiel at kumindat pa sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kung ganun... kamusta naman sa bahay ng Apo ko? Sino ang nagluluto?" baling sa akin ng Lola niya.
"Si Kiel po... di pa kasi ako marunong magluto," medyo nahihiya kong sabi.
"Ganun ba? Dalas-dalasan niyo ang pagpunta dito, Hijo. Ako ang magtuturo sa asawa mo," maluwag na ang ngiti niya ngayon.
"Naku po, La... wag na. Nakakaabala yun," saad ko habang nahihiyang umiling.
"Ano ka ba? Wala naman akong masyadong ginagawa. I take no for an answer," she smiled.
Ngumiti na lang ako at tumango.
BINABASA MO ANG
His Brat Wife (Completed)
RomanceSince then the brat Lauren likes Kiel but she was never been noticed by him. She always felt rejected when this mysterious, charismatic and intimidating man. However, that one night made her life into something she never ever expected to. How would...
