Chapter 3

315 9 0
                                    

Nikki's POV

Ano ba yaaaannnn!!! Ayoko talaga ng atensyon. Yup, matapos ung nangyari kanina,aba naging ako ang atensyon nila. Grabe ha? Si Sam kaya ang maganda. Bakit ako lagi ang tinitingnan nila?

Lunch na namin at dumeretso kami ni Sam sa canteen. Kumakain kami at parang tanga tong si Sam at kanina pa kinikilig. Anong problema ng taong to?

"Hoy! Anong ayos mo at parang may epilepsy ka na dyan? Uso huminga try mo minsan. Tingnan mo ohh ang pula mo!" Sabi ko sa kanya. Paano ba naman kasi ehh pulang pula ang pisngi nya na parang nagpipigil ng tili o ng tawa.

"WHAHAHA!!! Omg! Dalaga ka na!! Hahaha!! Sabi ko na nga ba ehh may gusto ka do---" hindi na natuloy ni Sam ang sasabihin nya ng bigla kong takpan ang bibig nya. Ang ingay kasi!

"Hoy babaita!! Para sabihin ko sayo, wala akong gusto doon sa hinayupak at mayabang na lalaki na Cedric na yun!" Sabi ko na may halong panggigigil.

"Hmmm..HMMM!!!" sigaw nya. Ay shunga di na ata makahinga. Nadamay ko pala pati ilong nya. Binitawan ko na at nagpalabas sya ng buntong hininga na parang kinapos sa hangin.

"Bwiset ka bes!! Papatayin mo ba ako ha?! Grabeh di na ako makahinga, pati ilong ko dinamay!" Pagrereklamo niya.

"Ehh ang ingay mo kasi ehh..tsaka wag ka ngang ano dyan! Yung lovelife mo ang problemahin mo. Gusto mo yung Jordan no? Oy para sabihin ko sayo may pagkababaero at alaskador yan sinasabi ko sayo kaya mag tino ka!!" Pangaral ko sa kanya.

"Oo na..pero di pa rin mawawala ang pagkacrush ko kay bebe Jordan!! Wahh!!😍😍" kinikilig sabay hampas saakin ni bes. Paano katabi nya ako. Ganyan talaga yan kapag kinikilig, kung hindi manghahampas, mangungurot naman.

"Aray ko naman bes. Maawa ka sa braso ko utang na loob! Maghaha--" Naputol ung sasabihin ko na biglang nagsitilian ang mga babae. Sa tingin ko, ung mga asungot yan, ung tatlong mga ugok? Yun!

"Hello girls! Ganda ng araw noh? Syempre maganda din kayo 😉😉" sabi nung Marco na babaero. Eww lang talaga. Oo gwapo sila pero ang yabang!! My ghad! Hindi na lang namin sila pinansin.

"Oh, bakit ang tahimik nyo? Don't tell me inlove na kayo sa amin?" Sabi naman nung kapatid nung Marco, si Jordan ata. Ito namang katabi ko kahit kinikilig di rin mawawala sa kanya ang pagkairita. Kanina pa sya naiinis dyan sa Marco na yan. Same kami.

Parang nararamdaman ko na maraming nakatingin saamin kaya bumulong ako kay Sam.
"Sam, pasok na kaya tayo. Ayoko talaga ng atensyon. Kahit matapang at palaban ako may kahihiyan pa naman ako sa katawan no.." bulong ko. Tumango naman si Sam at akmang tatayo na kami at maglalakad ng may dumaan na babae at nabuhos saakin ang juice. Strawberry pa naman ang flavor so that means pula ang kulay nya kaya natapon sa white kong uniform. Bigla akong nakaramdam ng pagkainis.

×××

Samantha's POV

Biglang bumulong saakin si Nikki at sinabing "Sam, pasok na kaya tayo. Ayoko talaga ng atensyon. Kahit matapang at palaban ako may kahihiyan pa naman ako sa katawan no.." sabi nya. Tumango naman ako at tatayo na kami at maglalakad SANA pero biglang may nakasalubong si Nikki at natapon sa kanya ang juice na hawak nung babae. Ewan ko kung namamalikmata ako or what pero parang nakita ko syang nagsmirk. Patay na! Nakita ko si Nikki na parang napipikon na pero nagawa ko syang hilahin papuntang restroom. My ghad! Kailangan kong ihanda ang tenga ko sa restroom.

(Sa Restroom)

"AHHH!!! KAASAR YUNG BABAENG YUN!! PARANG SINADYA NYA!! NAKAKAINIS!! ANONG PROBLEMA NG BITCH NA YUN HA?!" sigaw niya. Sabi sa inyo ehh kaya ayokong ginagalit tong babaeng to ehh.. partida nasa restroom pa kami nyan ahh..syempre nag eecho ung voice namin kapag nag uusap.

"Kumalma ka nga bes. Wala lang magawa sa buhay ung babaeng yun." Sabi ko.

"Tang*na naman kasi bes, dadaan na nga lang tatanga tanga pa. Nakakainis!! Paano na yan? Wala akong extra!" Sabi nya na galit at parang iiyak na, pero hindi. Asa ka pang iiyak yan ehh ang last na iyak nyan nung...nung...niloko sya ng ex nya.

"Tingnan na lang natin sa locker ko baka meron. Tara? Kalma ha? Kalma." Sabi ko sabay alis namin but ang pinagtataka ko bakit may damit na sa labas ng restroom? Sino kaya ang naglagay doon?

"Bes oh. May damit na. Yan na lang kaya gamitin mo. Mukhang walang namamay-ari ehh." Sabi ko kay Nikki.

"Ayoko nga. Mamaya prank nanaman yan ehh.." sabi nya sabay irap sa damit. Ano bang ginawa sa kanya ng damit at iniirapan nya?

"Yan na lang kasi. Choosy ka pa. Tingnan mo na lang kung may punit yan. Kapag wala edi safe yan. Mamaya savior mo pala or admirer mo at nag-aalala sayo. Ayiee.." sabi ko sabay tusok sa tagiliran nya.

"Ugh! Fine! Susuotin ko na yan. Tsaka pwede ba tigil tigilan mo ako sa pagsusundot sa tagiliran ko! Nakakairita kaya! Dyan ka muna at magbibihis muna ako. Hintayin mo ako ahh.." tumango naman ako at papasok sya sa restroom sabay dabog sa pinto.

Hay.. nagiging bitter na ang bes ko. Kailangan may lablife na to.

Naghihintay ako at parang may nakatingin saakin. Pagtingin ko sa taong yun..nagulat ako na mamukhaan ko kung sino yun..ang taong nagpaiyak kay Nikki..

Ang taong nagpalit ng ugali ni Nikki..ang taong nagpabitter kay Nikki.. ang taong naging boyfriend nya at ex nya na ngayon..

...si Jacob.

My Sweet Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon