Chapter 29- Amusement Park

134 6 0
                                    

Nikki's POV

Nakarating na kami sa pupuntahan namin. Kahit maliit lang ang amusement park, madami pagpipilian dito.

"Saan mo gusto unang sumakay?" Tanong saakin ni Terrence.

"Uhmm..roller coaster muna!" Sabi ko.

"Ok!" At pumila na kami para makasakay na kami.

Makalaan ang 5 minutes, sa wakas nakasakay na rin kami.

Mabilis din natapos ang ride na yun. Grabeh! Ang bilis! Naiwan ata yung kaluluwa ko dun!

"Oh..ok ka lang hahaha!!" Asar saakin ng bwiset.

"Syempre! Tss."

"Saan naman tayo?"

"Ikaw."

"Ok..sa..horror train naman tayo! Haha!!" Makatawa naman to. Tss. Oo na! Ako na ang takot sa multo,bwiset.

"Bakit namutla ka? Don't tell me..takot ka? Haha!!" Pigilan niyo ko..bibigwasan ko talaga tong taong to.

"Hoy! Sinong may sabi na takot ako..huh?!"

"Ok. Sabi ko nga di ka takot haha. Tara na nga!"

"O-ok."

Ok eto na. Bwiset talaga to..

×××
Cedric's POV

Saan ba nagpupupunta yun? Inikot ko na pwede niyang puntahan, wala talaga siya.

3:00 pm na oh..

Para makapagbigay ako ng update, tinawagan ko na sina Sam.

"Hello?"

[Oh..ano? May balita ka na kay Nikki? Nakita mo na siya?]

"Wala. Pinuntahan ko na ang pwede niyang puntahan kaya lang wala talaga ehh."

[Sige na..magpahinga ka na. Malaki na si Nikki. Wala naman siguro nangyari sa kanyang masama hindi ba? Tatawagan o itetext ko na lang siya.]

"Hindi pwe--"

[Wag ka ng makulet. 2 oras ka na naghahanap sa kanya. Sige na. Bye.]

"Pero--"

*toot toot toot*

Aishh..binabaan ako.

Sana nga walang nangyari sa kanyang masama.

×××
Nikki's POV

Woohh..lintek! Ayoko na!

"HAHAHA!! Nakakatawa ka. Epic ka pala matakot. Hahahaa!!" Tss.

"Ubusin mo muna ang tawa mo ha?"

Paano ba naman kasi..nakita niya ako matakot kanina sa horror train. Simula nung nakita niya akong ganun, wala siyang ginawa kundi tumawa. Asar!

"Sorry huh? Di ko naman kasi kasalanan na takot ako sa multo. Lintek!" After ko sabihin niyan, walk out na! Bahala siya dyan.

"Oy! Joke lang naman! Ito talaga oh. Haha!" Tss. Gaano ba ka-long legged ang taong to at nakahabol?

Di ko siya inimikan

"Haha! Ito naman tampo agad. Kain na nga lang tayo!" Sabi niya at hinigit na ako

Nakarating na kami at naghahanap kami ng mauupuan. Ghad! Puno na!

"Mukhang walang--" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang sumingit si Terrence.

"Ayun oh! May tumayo! Pumunta ka na doon. Dali. Mag-oorder na ako." After niya sabihin yan, umalis na siya.

My Sweet Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon