Nikki's POV
Nandito kami ngayon sa room at nakikinig sa boring naming teacher. Ang boring na nga ng subject pati ba naman teacher?
"Any questions?" Tanong ng aming magaling na guro.
"None." Sagot naming lahat.
"Ok kung ganun, get 1/4 sheet of paper. May quiz tayo ngayon."-Ma'am
WHAT?! ano ba naman yan..kung kelan hindi ako nakinig dun pa si ma'am nagpaquiz. Kaasar naman oh!
Lahat kami nagulat at matamlay na kumuha ng 1/4 sheet of paper sa bag namin.
"Nabigla ka no, Bes? Tsk tsk tsk...kasi..naku naku naku. HAHAHA!!" Ehh sino pa ba yan. Edi ang pinakamabait at pinakamatino, si Sam! Psh!
"Ehh..ang boring naman kasi talaga ehh..para tuloy siyang nagsostory telling." Pabulong nausap namin ni Sam. Mamaya marinig pa kami at madetention pa!
Hindi na lang umimik si Sam at pailing-iling pa na parang nagpipigil ng tawa. Naku! Pigilan niyo ako! Masasapak ko to sa mukha kahit bestfriend ko to! Hmpphh!!
Mabilis din naman na tapos ang quiz at nagpaalam na rin ang prof namin.
*kring kring*
"Oh ano bes tara na lunch na tayo?" Tanong ko.
"Tara." -Sam
Palabas na sana kami nang may biglang sumulpot sa harap namin.
"Ay mga demonyo!" Sigaw ni Sam.
Paano ba naman kasi, akala namin ni Sam kami na lang tao sa room at nasa canteen na lahat tas ano biglang may susulpot na elemento dito? Wow ha!
Yup, your right! Eh sino pa ba ang dakilang elemento namin dito? Eh di yung 3 mga itlog!
"Sa gwapo naming to? Demonyo? Wow! Ang gwapo naman naming demonyo." Sabi nung ugok na Cedric sabay ngiti.
*Lub Dub Lub Dub*
Hala bakit ganito yung tibok ng puso ko? Tss. Baka gutom lang toh. Makaalis na nga.
Kinuha ko ang kamay ni Sam at akmang lalabas na kami pero pilit kaming hinaharangan nang mga to.
Sinamaan ko sila ng tingin.
"Mag-usap muna tayong lahat at sabay tayo maglunch." -Marco
"Right!" -Jordan
"Ayaw namin." Walang emosyong sabi ni Sam.
Wow. Ngayon lang nagseryoso yan itong year na to! At ang matinde, sinabi niya yun sa harap mismo ng taong gusto niya *daw*, si Jordan.
×××
Samantha's POV
"Ayaw namin." Walang gana ko na sabi.
Nagulat naman sila or should I say si Jordan.
"Well, it's either you like it or not, wala kayong magagawa kundi sabayan kami kumain." Sabi ni Jordan at hinila ako palabas ng room.
Gayon din ang ginawa ni Cedric kay Nikki.
"Ano ba yan! Sa susunod nga magdadala na rin ako ng babae dito para hindi ako fifth wheel! Tsk!" Sabi nung Marco.
"ANO BA?! BITAWAN NIYO NGA KAMI! PWEDE NAMIN KAYONG KASUHAN NG KIDNAPPING!" Sigaw ko.
Hindi kami sa canteen dinala ng mga ugok na toh! Sa parking lot kami dinala! Oo! Doon nga! Tsk.
BINABASA MO ANG
My Sweet Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionPaano kung may dumating na asungot sa buhay mo? Makakayanan mo ba? O sasabog ka na sa inis? Paano kung di pala inis ang sasabog sayo? Paano kung may something ka na naramdaman? Anong gagawin mo? Hahayaan mo bang mahulog ka sa kanya o titiisin mo n...