Chapter 17

168 5 0
                                    

Nikki's POV

Ano ginagawa namin dito sa amusement park?

"Tara na!" Sigaw ni Marco.

Tss..parang bata!

"Hoy! Hoy! Hoy! Bakit kami nandito ha? Ipaaalala ko lang sa inyo, may pasok tayo. Ano to? Cutting?" Tanong ko.

"Absent na tayo ngayon." -Jordan

"ANO?!" Sabay na sigaw namin ni Sam.

"Hala! Ayoko magka-absent! Bumalik na tayo sa school! Ano ba yan! Wala na! Wala na ang malinis kong record, wala na, wala n--" napatigil si Sam dahil binatukan ko na siya. Tss..nagtatantrams nanaman ehh..

"Aray! Ano ba problema mo ha?!"

"Ehh ang OA mo na ehh! Kumalma ka nga!"

"Ano? Magdadaldalan lang ba kayo dyan? Tara na kaya no? Daming satsat eh." Sabi nung bwiset na Cedric na yun.

Aba't-- whoooo..kalma Nikki! Kalma!

"Ito na nga po kamahalan!" Sabi ko.

Nung una ayoko talaga ng amusement parks kasi nga may mga rides. Eh ayoko nun. Pero pinilit pa rin nila ako, niya ako.

Nagtagal din kami sa amusement park at rides dito, rides doon, lamon dito, lamon doon. At hindi ako nagbibiro, masaya siya!

About nga pala sa dapat naming pag-usapan, nandito kaming lima sa isang restaurant dito. Last na to at uuwi na rin kami. 7 pm na ehh..oo ganun kami katagal nagstay dito. Parang nga friends na kami ehh..

"So, ano nga? Ano nga yung dahilan?" -Cedric

"Sabihin ko na ba Nikki?" Tanong ni Sam saakin. Tumango na lang ako.

"Well, ganito kasi yun..." at nagsimula na nga siyang magkwento. Gulat na ekspresyon ang makikita mo sa mga mukha ng mga lalaking to.

Tapos na magkwento si Sam ng biglang hinampas nung Jordan at Cedric yung lamesa kaya napatingin sa kanila ang iba pang customers.

Humingi naman ako ng paumanhin.

"Hoy, ano ba yan! Kalma nga! Tapos na ok? Wala na tayong magagawa..nangyari na ang dapat mangyari." Sabi ko.

"Pero kahit na no! Muntik ka nang mamatay doon tapos ganun lang yun? Hah! Asa."-Cedric

"Wag na kayong mag-alala. Hindi na nila ako ginugulo. Sino ba yun at pati ako damay?" Sabi ko.

"Kilala ko siya especially Cedric but I didn't know the reason why they are doing this." -Jordan

"Kung yun naman pala ang nangyari, bakit pati kami iniiwasan niyo?" -Marco

Nagkatinginan kami ni Sam at itinuloy na lang namin ang pag-kain.

"Hoy! Ano nga?" -Cedric

"Eh kasi nga..." sabi ko

"Kasi ano?" -Jordan

"Kasi nga, kapag lumapit pa kami sa inyo, di nila titigilan si Nikki. Ngayon, kapag nalaman nila na friends na tayo lahat, manggugulo nanaman sila. Hindi ko nga alam kung ano ang ginawa sa kanila ni Kuya Dan at tumigil sila sa panggugulo nila." -Sam

"Tama. Yun nga ang dahilan"

"Wag kayong mag-alala, hindi namin hahayaan na may manakit ulit sa inyo kahit isa."-Cedric

Nagulat ako sa sinabing yun ni Cedric.

*Lub dub lub dub..*

Ano ba yan para yun lang. Ano bang problema ng pusong to at kanina pa ganito yung tibok niya?

My Sweet Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon