Nikki's POV
Nagising ako sa isang ospital dito malapit sa school din siguro? Ayaw kasi nina mama na doon ako ipagamot sa clinic ng school dahil kulang daw sa equipments.
Nandito din si Kuya at Mama pati si Sam. Parang galit na galit si Kuya?
"Mama? Kuya? Sam?"tawag ko sa kanila.
"Anak! Naku salamat at gising ka na. Ano? Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?" Sunud-sunod na tanong ni mama.
"Ok na po ako, Ma. Ano ba ang nangyari?" Tanong ko.
"Ako dapat ang nagtatanong sayo nyan. Ano ba ang nangyari?" Tanong ni kuya. Hala bakit parang galit siya?
"Ang last ko na natandaan nung sinabunutan ako ni Stephanie at..." uh oh.. bakit ko sinabi yun? Hala..
"Ahh ano..wala na---" hindi pa natuloy ang sasabihin ko na biglang umalis si kuya sa clinic.
"Ano nangyari kay kuya? Bakit siya nagkaganun?" Tanong ko
"Nung nalaman nila tita ang nangyari sayo, galit na galit na agad si Kuya Dan. Di mo siya masisisi, ayaw niya na may nananakit sa kapatid niya. Siya lang dapat di ba sabi niya?" Paliwanag ni Sam.
"Tama si Samantha, anak. Galit na galit siya. Pero wag kang mag-alala, magiging okay din ang lahat." Sabi ni mama sabay lapit saakin sa tabi ng kama at hinihimas ang likod ko.
"Sana nga po maging okay na ang lahat." Sabi ko.
"O sige na bes. Magpahinga ka na. Gutom ka na ba? Gusto mo bumili kami ni tita ng pagkain sa labas?" -Sam
Umiling naman ako.
"Ok lang ako bes. Don't worry po, Ma. Siguro po magpapahinga na lang po ako."
Tumango naman sila at umalis na.
Ano na kaya ginagawa ni Kuya?
Mamaya, kung ano nanamang gawin ng magaling kong kuya.Makalipas ang 30 minutes bumalik na rin si Sam. Si Sam na lang kasi umuwi na daw si Mama para magpahinga.
"Bes, hanggang kelan ako dito? Gusto ko na kasi pumasok bukas ehh." Tanong ko kay Sam.
"Uhmm..hindi ko pa alam bes ehh.. Si tita at kuya Dan lang ang nakakaalam. Pero don't worry, itatanong ko na lang sa kanila para sayo."
"Ok. Thanks bes ahh..kung hindi ka dumating agad baka hanggang ngayon, nandoon pa rin ako sa room, nakahandusay." Sabi ko sa kanya sabay upo sa kama. "Oww..." sabi ko dahil sumakit bigla ang ulo ko. Oo nga pala, naumpog ako sa blackboard na may kasamang pako. Hay sana, walang tetano doon.
"Oh..bes, dahan-dahan ka lang. Hindi ka pa magaling ehh.." sabi niya sabay alalay sa akin.
"Thanks." Sabi ko.
"Tss. Kanina ka pa nagththank you. Yan naman talaga ang ginagawa ng magkakaibigan ahh.." sabay wink sa akin.
"Buhay ko kasi ang niligtas mo, ano ka ba." Sabi ko na may halong tawa.
"Alam mo bes, wag ka saakin magthank you. Nadala ka ka agad dito dahil may tumulong din sa akin no.." sabi niya sabay upo din sa kama.
"Ay talaga? Sino pa ba ang tumulong sa akin para mapasalamatan ko naman siya, di ba?" Tanong ko na may halong kuryosidad.
"Sina Cedric at yung 2 friends niya, sina Marco at Jordan? Yun."
Sagot niya.Nagulat ako. Sila ang tumulong sa akin? Pero bakit? Akala ko ba magkaaway kami nung tatlong yun? Lalong lalo na sa Cedric na yun? Huh.. weird.
"Anyway, ano ba kasi nangyari? Buong araw ka kaya nakahimlay dyan sa mahiwaga mong kama. Ano na?" Sabi niya.
Yun na nga, kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Hiniling ko rin sa kanya na kung maaari ay wag na muna niya sabihin. Pumayag naman siya.
"ANO?!" reaksyon niya na matapos na akong magkwento.
"GAGA BA SIYA? EH AKO NGANG BESTFRIEND MO DI KO MAGAWA NA SAKTAN KA O SAMPALIN MAN LANG EHH..TAPOS SIYA, GANUN LANG?! ABA! AMP!!" Sabi niya at akmang susugurin yung nanakit sa akin pero napigilan ko.
"Ano ba! Kumalma ka nga! Tapos na ok?! Nangyari na! Saka ka na lang gumanti kapag may plano ka na ok?" Sabi ko sa kanya at hinila siya para makaupo ulit siya sa kama.
"ANO?! NAHIHIBANG KA NA BA?! HALOS BUHAY MO YUNG MAWAWALA TAPOS SASABIHIN MO KUMALMA AKO?! GOD! NIKKI! AYOKO LANG NA MAPAHAMAK KA ULIT!" sigaw niya kaya umeecho sa buong room.
"Wag ka ngang sumigaw! Ok! I'm sorry! Ayoko lang na madamay ka dito. Siguro sundin ko na lang ang gusto niya na lumayo ako kay Cedric na kahit naman siya ang lumalapit. Tss. Isama ko na rin yung 2 niya pang kaibigan."sabi ko kay Sam.
"Mabuti na nga yan. Kahit ako iiwas na rin ako sa gulo para sayo. Pero kapag may nanakit ulit sayo, baka makapatay ako sinasabi ko sayo. Kilala mo ako pag nagalit." Sabi niya na may warning tone.
"Opo.." sabi ko.
"Nga pala, bakit hindi ka lumaban? Alam mo, baligtad din utak mo no? Kapag mga walang kwentang away lang gumaganti ka pero dito, halos buhay mo na kapalit, di ka gumanti. May pagka-gaga ka pala talaga eh no?" Sabi niya sabay kuha ng prutas sa basket. Tss. Akin yun tapos kukuha siya. Ni hindi man lang nagpaalam. Hayaan na nga...
"Alam mo ang sakit mo rin magsalita ano? Ayoko lang naman kasi madamay yung academics ko. Ayoko na kaya lumipat. Mamaya kapag lumipat ako ng school, mas bitch at buwisit pa yung mga estudyante dun ehh.. ayoko rin maapektuhan yung 1st impression saakin ng mga faculties dito. Hindi ka ba masaya? Ginagawa ko na ang wish saakin ni Mama na maging malinis ang records ko. Pati na rin sayo." Paliwanag ko.
"Maiintindihan naman nina tita ehh kasi buhay mo yan. Aisshhh.. bahala ka na nga! Tapos na ehh. Sige na magpahinga ka na dyan. Ako muna magbabantay sayo. Dadating na rin siguro yung doctor mamaya. Itatanong ko na rin kung kelan ka na makakauwi." Sabi niya sabay tayo at tumungo sa sofa malapit lang din sa kama ko. Tumango na lang ako at humiga para makapagpahinga.
Sana maging okay na ang lahat pagkapasok ko ulit sa school.
Ayan ah..mga bitch..iiwasan ko na yang love of your life kuno niyo. Yan naman gusto niyo di ba? Tss..
At after ko mag-isip-isip, nakatulog na rin ako.
Good night,miserable world.
×××
![](https://img.wattpad.com/cover/128748022-288-k556053.jpg)
BINABASA MO ANG
My Sweet Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionPaano kung may dumating na asungot sa buhay mo? Makakayanan mo ba? O sasabog ka na sa inis? Paano kung di pala inis ang sasabog sayo? Paano kung may something ka na naramdaman? Anong gagawin mo? Hahayaan mo bang mahulog ka sa kanya o titiisin mo n...