Chapter 30- hoody jacket

146 4 0
                                    

Cedric's POV

Walang sinabi? Bakit kaya ayaw niyang sabihin?

Tama. Ako dapat nagtatanong ehh..

Wait..

To Nikki

Nasaan ka?

Erase. Ang bastos kausap

Susunduin kita. Nasaan ka?

Erase. Para naman akong boyfriend dito.

Aishh..wag na nga!

Nasa bahay ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali. Kahit sinabi ni Sam na ok lang daw si Nikki.

Anong oras na ba?

Tsk. 5pm na oh..

To Sam

Nasa bahay na ba si Nikki.

Tinext ko na si Sam.

Sumagot naman agad si Sam.

From Sam

Aba malay! Nasa bahay ako ehh.

Sabi ko nga hindi ako makakakuha ng maayos na sagot sa kanya.

Bahala na nga! Tatawagan ko na lang si Nikki.

*ring ring*

(The number you have dialed is not available right now. Please try again later.)

Bakit..busy? Busy ba ito o walang signal?

Nagulat ako nang biglang kumulog ng malakas. Tsk. Umuulan pala ng malakas di ko napansin..

Bakit kaya di makontak ang isang yun?

×××
Nikki's POV

Aish..naabutan pa ako ng ulan.

Mabuti may bus stop dito.

Magpasundo kaya ako?

Tinawagan ko si Sam

*ring ring*

Aishh...bakit walang signal?! Ano ba yan?!

Wala akong choice kundi tumambay muna dito. Hihintayin ko na lang siguro tumila ang ulan. Maaga pa naman eh.

Pero imbes na humihina ang ulan, lalo itong lumalakas.

Tss. Please naman ulan oh..tumila ka. Please!!

Aish..wala talaga. Ang lakas! May..bagyo ba?

Madami din akong kasama dito sa bus stop. Di ko lang alam kung naghihintay sila na tumila ang ulan o naghihintay sila ng bus.

Hanggang sa..dumating ang bus. Buti pa sila uuwi na. Ako..wala pa rin. Paano? Malakas pa rin ang ulan.

Lahat sila nagsakayan na, na may natira, 2 lalaki.

Jusko, wag lang nila akong gagalawin. Badtrip ako. Nananapak na ako.

Nakikita ko sila sa gilid ng mata ko na sumusulyap sa akin. Naku! Manyak pa ata to.

Di ko na lang sila pinansin.

Makalipas ang 5 minuto, naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko.

Ahh..ganun?

Babalian ko sana ng kamay ang isang yun na may nauna na saakin.

Pagharap ko dun sa likod ko, mga nakalupasay na yung mga lalaki kanina. Huh?

My Sweet Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon