Chapter 12

206 8 0
                                    

Nikki's POV

Wait..ano daw? Ako? GF ng mokong toh?

Meron na siyang boyfriend, right babe?

Meron na siyang boyfriend, right babe?

Meron na siyang boyfriend, right babe?

"Ahhhh!!!" Sigaw ko sabay taklob ng unan sa ulo.

Damn it! Nakakahiya!! Sinabi niya yun? Sa harap ng ex at mga kaklase ko? Patay na!!

Nandito ako sa kwarto ko at pinanggigigilan ko ang unan ko. Paano ba naman kasi! Nakakahiya!! Tamang-tama pang dumating si Sam! Hay.. damn it! Kaya kahapon nung hinatid nya ako dito sa bahay, ay naku! Pina ulanan ako ng asar ng babaeng yun! Paano nangyari ang lahat ng yun?

(Flashback)

"Meron na siya boyfriend, right babe?" Wait sinong nagsabi nun? At bakit may akbay akbay pang nagaganap! Don't tell me..si Cedric to?!

"Totoo ba yun, Nikki? Siya ang boyfriend mo?" - Jacob

Hala! Paano to? Anong sasabihin ko?

"Ahh..a-ano kasi---" hindi natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong tinawag ni Sam. Woohh saved by Sam!

"Nikki!! Sus! Nandito ka pala! Kanina pa kita hinahanap ehh! Oh nandito ka rin pala, Cedric? Tara shupi na tayo Nikki! Sige bye! Alis na kami!" Sabi ni Sam sabay hila saakin paalis.

Nagpahila na lang din ako kasi gusto ko na rin umalis doon. Grabe ha? Ayoko ng tension between them!

Anyway, bakit parang ang daming nakatingin saamin? Omo! Don't tell me, nakita nila yung scene kanina? Hala! Mukhang maghahanda ako sa pagpasok ko bukas ahh!! Lintek na yan!

"Ikaw bes ha? Yiee...hindi daw sila! Pero kanina may pa-babe babe at akbay pang nagaganap! Buti tinawag kita agad! Naku kung hindi! Nahimatay ka na doon sa kilig! Ayiee..." sabi ni Sam sabay palo pa saakin. Grabe ako daw ang kinikilig ehh siya nga tong halos di na makahinga dahil sa tiling ginagawa nya. Kawawa naman ang tenga't braso ko..huhu!

Yan pa rin ang sinasabi nya hanggang sa makarating na ako ng bahay namin. Actually ako yung nagdadrive. Ayoko ipagdrive yan mamaya mabunggo pa kami na wala sa oras!

(End of Flashback)

Ayan..nakakahiya talaga! Parang ayoko tuloy pumasok bukas. Pero kailangan ehh..Sayang grades at attendance. Heh! Bahala na nga!

At natulog na nga ako.

×××

Nandito na kami ni Sam sa school at hanggang ngayon pinagtitinginan pa rin ako. Ano ba naman yan! Isabay mo pa ang pangungulit ni Jacob saakin kung totoo daw ba yun. Hindi ko pa rin naman siya kinakausap!

"Oh ano payag ka na ba?" Sabi ng lalaking nagpanggap na boyfriend kuno ko daw.

"Anong pinagsasasabi mo dyan? Baliw ka na ba?"

"Hindi. Pero hinihintay ko yang sagot mo about sa fake relationship natin."

Halos mabitawan ko yung ballpen ko sa sinabi nya.

"Hibang ka na ba or what? Ano fake fake relationship ang pinagsasabi mo?"

"Alam na ng lahat na tayo na. Gawin na lang natin to for our own sake na rin. Ako, may makulit na babae ang pilit na sumusunod sa akin, sayo yang ex mo. Oh ano na?"

Nandito kasi kami sa room, nagsusulat ng notes na ibinigay ni Sir Math. At eto namang katabi ko sa kaliwa ang kulet. Buti hindi napapansin ni Sam na katabi ko rin sa kanan.

My Sweet Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon