Chapter 21

144 5 1
                                    

Cedric's POV

Papunta na kami ni Nikki sa bahay nila. Tsk. Lalasing-lasing hindi naman pala kaya. Ayan tuloy nakatulog. Napagod ata kakadada kanina.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin kami sa bahay nila.

"Oy..gumising ka na, Nikki! Nandito na tayo sa inyo." Sabi ko na makababa ako at niyuyugyog ko siya.

"Oo..mamaya.." antok na wika ni Nikki.

"Anong mamaya? Tumayo ka na diyan at doon ka matulog sa kama mo."

"Oo na..oo na.." sabi ni Nikki at bumaba na nga ng sasakyan.

Kinuha ko muna ang bag niya para hindi siya mahirapan.

Hindi pa man din siya nakakatatlong hakbang, na maout of balance siya. Mabuti nasalo ko.

"Ayy!!" -Nikki

"Oh! Magdandahan ka nga!" Sabi ko na masalo ko na siya.

"Oo na. Tsk." -Nikki

Pero ngayon ko lang napansin na malapit na pala ang mukha namin sa isa't isa.

Hanggang sa papalapit ng papalapit ng papalapit hanggang sa matauhan ako na bawal pala to. Nirerespeto ko si Nikki.

"I'm sorry." Sabi ko.

"Ok lang..hehe!!"

Bakit ganun? Lumalapit pa rin ang mukha niya...

Papalapit hanggang sa...

"Ackkk!!!"

"F*ck! Ano ba yan! Mukha ba akong sink? Ha? Saakin ka pa sumuka ahh..mabuti nakadoble ako..tsk!" Inis na sabi ko.

Paano ba naman kasi..akala ko kung anong mangyayari yun pala susuka na! Tsk.

At ayun! After niya sumuka..nakatulog na siya..ayos din ang asta mo babae ahh!!

"Tsk! Makapunta na nga sa bahay niyo para wala nang problema sayo!" Sabi ko.

Pero bago ako maka-alis sa puwesto ko..

"EHEM!" ay kalabaw! Sino tong lalaking to?

"Anong ginagawa mo sa kapatid ko ha?!" K-kapatid?

"A-ahhh a-ano inihatid k-ko lang y-yung k-kapatid mo..hehe!!" Taena! Bakit nauutal ako. Nakakatakot naman kasi talaga yung kapatid ni Nikki ehh!

"Ah ganun? Pwes, ako na bahala sa kanya, makaka-alis ka na." Sabi nung kapatid ni Nikki at kinuha na saakin yung kapatid niya. Pero bago pa sila makapasok sa bahay nila ng tuluyan, may pahabol na sinabi yung kapatid ni Nikki. "Pagnalaman ko na may ginawa ka sa kanya, hindi ka na sisikatan ng umaga..tandaan mo yan!" Sabi niya at tuluyan na nga silang pumasok sa bahay.

Grabe! Nakakatakot pala talaga yung kapatid ni Nikki? Hindi na ako magtataka kung bakit hindi na nanggugulo yung nanakit kay Nikki.

Umalis na ako sa kinatatayuan ko at kasabay nun ang paghubad ko ng polo ko. Bale naka white t-shirt na lang ako.

Sumakay na ako sa kotse ko at sinulyap ko ulit ang bahay ni Nikki.

Naaalala ko pa rin yung paglapit ng mukha namin..maganda siya. Para siyang buhay na manika. She is like a goddess..

Bago pa ako mabaliw sa kakaisip ko kay Nikki, pinaandar ko na ang sasakyan ko at nagbitaw ng huling tatlong salita bago umalis.

"Sweetdreams, My Nikki :)" sabi ko at umalis na nakangiti.

×××
Thanks for reading!! Sorry po kung short update! Promise po babawi ako sa next update. Heart heart!!!

-Ms. Y

My Sweet Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon