Chapter 7

206 9 0
                                    

Nikki's POV

"Uhhh...bes ok ka lang? Sabi ko na nga ba ehh..ito ang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sayo but kailangan mo pa ring malaman para makapaghanda ka pag nagenroll na si Jacob doon." Malungkot na sabi ni Sam.

Pinunasan ko naman ang luha ko at sinabing "Ok lang ako, Sam. Medyo sariwa pa kasi yung ala-ala ko nung naghiwalay kami. Naalala ko kasi ulit yung kahayupang ginawa niya, nila."

"Sure ka ok ka lang? Baka hindi ahh..nandito lang ako kapag may problema ka."

Tumango naman ako. "Uhh..bes. Uwi na ako. Magpapahinga muna ako at may pasok tayo bukas. Sige bye." May sasabihin pa sana si Sam pero di niya na tinuloy at hinayaan niya na lang akong umalis.

Sumakay na ako sa kotse at medyo nakakalayo na ako kina Sam na biglang nagloko ang kotse ko.

"Sh*t naman oh..ayaw ba saakin ng kaswertehan at kamalasan ang lumalapit? Peste naman oh! Pati kotse ko nagloloko na rin? Ugh!!" Sigaw ko sabay sipa sa gulong ng kotse ko. Paano na yan? Wala akong sasakyan. Konti lang naman ang dumadaan dito tas hating gabi pa. Letse talaga!

Umupo na lang ako sa sidewalk at iniyak ko ang lahat ng pighati ko. Lahat ng pighati ko sa lalaking yun. Akala ko wala na ehh.. Akala ko nakamove-on na ako, pero pangalan niya lang kumukulo na agad dugo ko.

Wala nandoon lang ako,nakaupo sa tabi at mukhang nanlilimos pero hindi. Nakayuko ako at tinitingnan ang sarili kong kamay.

"Wow, di ko inakala na may maganda palang nanlilimos dito." Napatalon at napaangat ung ulo ko sa gulat.

"Ano nanaman ba ang kailangan mo ha? Wala ako sa mood para makipaglokohan sayo, Cedric." Sabi ko at niyuko ko ulit ang ulo ko pero di na tuloy yun nang biglang may panyo na sa harap ng mukha ko.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Panyo malamang. Ano sa tingin mo? Pagkain?" Sagot na nakakainis ni Cedric. Alam ko di ako tanga!

"Pagkain ba tingin mo dyan? O sige try mo kainin. Kaasar, nagtatanong ng maayos, sasagot naman ng kagag*han." Sabi ko at akmang tatayo na ako at narinig ko pa ang pag tsk niya nang biglang hinawakan nung mokong na toh ang mga balikat ko at binalik sa pagkakaupo.

"Wag ka ng ano dyan. May walkout walkout ka pang nalalaman. Oh panyo. Tingnan mo yang mukha mo, basang basa dahil sa mga luha mo. Oh." abot niya saakin. Tatanggi dapat ako pero nilagay niya na ang panyong yun sa palad ko.

Kinuha ko na lang at pinunasan ko ang luha ko.

"Salamat sa panyo. Lalabhan ko na lang to at ibabalik ko na lang sayo." sabi ko at nakita ko siya na tumango.

Katahimikan. Yan yung naririnig ko ngayon. Hindi awkward silence, wala parang simpleng katahimikan lang. Ganun ang nararamdam ko ngayon.

"Wala ka bang balak umuwi?" Tanong ni Cedric na bumasag ng katahimikan.

"Wala. Sira car ko ehh..hays di ko nga alam na nagloloko pala ang car ni mama." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa langit na maraming stars.

"Gusto mo sumabay ka na lang saakin? Hatid na kita. Delikado na rin kasi oh.. gabi na tapos babae ka pa." Sabi niya sabay lingon saakin. Bakit ganun? Tumingin lang siya saakin, kung ano na ang naramdaman mo. Magtigil, Nikki!

"Ahh..ano, ok lang. Wag na." pagtanggi ko kay Cedric.

"Wag na makulit. Tara sumakay ka na sa kotse ko at ihahatid kita." Sabi niya at sabay hila saakin sa kotse.

"Pero paano yung kotse ko? I mean ni Mama?" Tanong ko. Mamaya pag iniwanan ko yan dito nakawin yan ng ibang tao. Paniguradong lagot ako kay Mama.

"Ako na ang bahala sa kotse mo. Ihahatid yan ng mga helpers sa bahay niyo." Di na ako sumagot at hinayaan ko na lang na papasukin niya ako sa kotse niya. Bale, sa passenger seat ako, dun sa tabi ng driver seat? Yun.

At umalis na kami sa lugar na yun.

×××
Ayiee... nagkita ulit si Nikki at Cedric haha!! Magcomment at vote kayo kung sino ang gusto niyo ka-loveteam ni Nikki. Si Cedric ba o si Jacob? X0X0

-Ms. Y

My Sweet Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon