Chapter 32 - Stay

120 5 0
                                    

Nikki's POV

"Malapit na ba tayo, Jordan?" Siya kasi yung nagdadrive.

"Malapit na tayo, Nikki." -Jordan

"Bakit ba parang alalang- alala ka? Huh? Sabi na ehh..may gusto ka kay Cedric ehh..bwahaha!!" Kantyaw ng magaling kong bestfriend.

Naexplain ko na nga pala sa kanila yung dapat kong iexplain. Syempre nagkaroon ako ng pasa dahil sa pangungurot nina Sam. Langyang yan.

"Hayy...magkakalovelife na rin ang beshy ko." -Alexa

"Anak ng..tatahimik ba kayo or what?" Pagalit na tanong ko. Naiinis ako kasi..kasi..totoo namang may gusto na ako kay..kay..shet! Oo na! Tss...kay Cedric. 😒😒

Tumawa silang LAHAT. Oo LAHAT! Kasama yung mga lalaki..sige..tawanan niyo lang ako.

Mamaya-maya, sa wakas at nakarating na rin kami kina Cedric.

Nagdoorbell na si Jordan.

"Bakit po?" Sagot nung maid nila nang buksan niya ang pinto.

"Nandyan ba si Cedric?" -Jordan

"Nasa kwarto po siya, sir Jordan. Masama po ata ang pakiramdam. Pasok po kayo." -maid

Pumasok na nga kami. Malaki ang bahay nila.

"Sina tita ba nandyan?" -Marco

"Wala pong kasama si Sir Cedric dito. Kami lang po, Sir Marco."-maid

Pinaupo na rin kami ni ateng maid.

"Sino nag-aalaga sa kanya?" Nagsalita na rin si Sam.

"Ahhmm..mga sir, sino po silang tatlo? Mga GFs niyo po ba tas yung isa kay Sir Cedric. Wala man lang nakekwento si Sir, ano ba yan!" -maid

Haha!! Ang kulet ni ateng maid.

"Haha!! Si Sam nga po pala, GF ko po. Si Alexa.." nagsmirk si Jordan at itinuloy ang pagsasalita "GF naman po ni Marco. Bwahahaha!!"

"Oy! Sinong may sabing GF ko yan? Yang panget na yan? Ha! Swerte naman niya!" -Marco

"Wow..ang nagsalita. Akala mo siya..hindi panget. Tss.." -Alexa

"Nice to meet you ate!" -Sam

"Ako naman po si Nikki. Nice to meet you din po!" Ako na ang nagpakilala..tss. nakalimutan na ako.

Nagbabangayan pa rin yung dalawa samantala yung dalawang totoong magjowa, ayun naglalandian na. Psh.

"Ahh ate, sino po ang nag-aalaga kay Ced?"

"Ayaw po niya magpapasok sa kwarto niya po ehh..di ko po alam kung ok po ba siya or what."

"Nasaan yung mga gamot niya? Tsaka pagkain? Ako na magbibigay."

"Sure po kayo? Baka masigawan lang po kayo ni Sir. Mainit po kasi ulo niya kapag may sakit po siya."

"Ok lang, ate. Penge na din po ako ng bimpo at maligamgam na tubig."

Sinunod naman ni ate ang sinabi ko at tinulungan niya ako kargahin ang mga yun.

Nang makarating na kami ng kwarto ni Cedric, tinanong ko si ate.

"Nakalock po ba to?"

"Hindi po."

"Ok. Salamat po ahh.."

Tinulungan ako ni ate na buksan ang pinto ng dahan dahan. Nakita ko naman si Cedric na nakakumot. Wala ding ilaw sa kwarto niya.

"Iwan mo na lang ate dyan sa side table niya. Salamat po."

My Sweet Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon