Chapter 31 - I'm inlove?

127 5 0
                                    

Nikki's POV

Nagising ako na mag-alarm ang phone ko.

5:30? Ang aga naman ata? Pero ok lang. Makabangon na nga.

"*yawn* Good morning saakin!" After ko sabihin yan, nag-inat na ako at pumunta sa banyo ko para mag-ayos.

Bakit parang ang aga ko today? 8pm pa naman ang pasok ko ah? Ah! Alam ko na. Magjojogging muna ako, hindi muna ako mag-uuniform.

After ko magmumog,lumabas na ako ng banyo.

Nagulat ako ng may kumatok sa kwarto ko.

*knock knock*

"Wait lang!" Sabi ko at binuksan ang pinto.

"Kuya?"

"Pwede ba tayo mag-usap?"

"Ok." Sabi ko at pinapasok ko na siya.

"Paano mo nalaman na gising na ako?" Bungad na tanong ko kay kuya na makaupo kami sa kama ko.

"Naalimpungatan kasi ako at nauuhaw din ako kaya pupunta dapat ako ng kusina na madaanan ko yung kwarto mo at nakabukas ang ilaw. Kaya alam ko na gising ka na."

"Ahh..kaya. Anong pag-uusapan natin?"

"Sana mapatawad mo na si mama."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Trust me, sinasabi ko na kay mama na sabihin sayo tungkol kayna papa pero sabi niya wag na daw. Bata ka pa daw kasi. You're only 16, Nikki. Sana maintindihan mo."

"I know, Kuya. Alam kong bata pa ako, pero..I just can't get it what's your point na hindi sabihin saakin. Kuya, ako lang sa pamilyang to ang hindi nakakaalam. Di mo ako masisisi na magtampo kay mama, sainyo. Alam mo naman na close kami ni Kuya William, right? Ni hindi ko nga alam na ang mismong tatay natin ang pumatay sa kanya!" Nang mabanggit ko yung huling sentence, tumulo na ang luha ko.

"Galit na galit ako kay papa, kuya. Pinatay niya yung kapatid natin!"

Iyak pa rin ako ng iyak hanggang sa maramdaman ko na niyakap ako ni kuya.

"I know. Masakit din para saakin. Kaya tinago sayo ni mama ang lahat kasi..ayaw niyang madagdagan sa pamilyang to ang hinanakit sa kapatid natin. Sapat na daw na siya lang at ako ang nakakaalam para hindi ka masaktan. Sana maintindihan mo si mama. Gusto ka lang niyang protektahan. Please wag na tayo mag-away away."

Umiiyak pa rin ako. Namisunderstood ko sila, si mama. Huhu..sorry naman! Alam kong mababaw ako pero masakit kasi ehh..now na alam ko na, gusto ko bumawi kay mama.

"Sorry, kuya. Iniisip ko lagi yung sarili ko. Di ko kayo iniisip ni mama. I'm selfish. I'm useless."

"Don't say that. Hindi ka useless..ok? Tahan na. I know magiging ok din ang lahat."

"Kuya, gusto ko bumawi kay mama. Anong dapat kong gawin?" Tanong ko. Gusto ko talaga bumawi.

Ngumiti saakin si kuya ng pagkatamis tamis.

"Mamaya pa naman ang pasok mo di ba?"

"Yup, why? Ano ba kasi yun?"

×××

"Mabuti may bulaklak sa garden natin. Hehe. Kuya masarap ba yung luto ko? Kinuha ko lang yan sa internet."tanong ko kay kuya na nag-aayos na ng necktie niya. Papasok na kasi siya. Remember? Magkaiba ang sched naming dalawa.

"Mamaya may lason yan ahh.." palabirong sabi ni kuya. Tinarayan ko nga.

Alam ko na ang sinasabi ni kuya na plano niya. Ang ipagluto si mama ngayong umaga. Nanguha pa ako ng bulaklak sa kapitbahay de joke lang..syempre sa garden namin hehe. Kahit dito man lang makaganti ako kay mama.

My Sweet Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon