Chapter 4

242 15 1
                                    


Nikki's POV

Nakakapagtaka at nag iba bigla ang kilos ni Sam. Para siyang nashock at ang tamlay nya. Paano ko napansin? Ganito kasi ang nangyari.

(Flashback)

Natapos na ako magbihis at humarap ako sa salamin kung ok ba ang suot ko. Nang malaman ko na ok na, lumabas na ako at naabutan ko si Sam na nakatulala at namumutla. Tinawag ko siya.

"Sam, ok na ako. Tingnan mo nga ako kung ok ung damit? Infairness bagay saakin ung damit. Magaling siya pumili ng blouse ahh..ano ok ba?" Pagtingin ko sa kanya, aba hindi pala nakikinig ang bruha. Ang haba ng sinabi ko wa epek pa rin? Sandali nga.. tiningnan ko kung saan siya nakatingin, wala namang mali doon, anong problema nito?

"HOY! babae!!" Nagulat naman sya at biglang nashock ulit sya na napansin nyang nandoon na ako. Tas tumingin siya doon sa direction kung saan siya nakatingin kanina at tumingin saakin na parang kinakabahan. Anong problema nito?

"Ok ka lang ba, Sam? Bakit ang tamlay mo? Gusto mo iexcuse na lang kita sa teacher natin para makauwi tayo at maalagaan kita? Ang tamlay mo oh.." sabi ko na nag-aalala.

"H-huh? A-ahh oo o-okay n-naman ako he-he-he. B-bakit naman ako hindi m-magiging ok-kay?" Sabi nya.

"Syempre ang putla mo kaya. Tara punta tayo ng office. Magpapaalam tayo para umuwi kasi di ka talaga okay." Sabi ko na parang nag-uutos.

"Okay lang ako ano--" di nya na natuloy ang sasabihin nya kasi sumingit na ako.

"Wag nang makulit. Tara na shupi na tayo." Sabay hila ko sa kanya pero di naman na sya nagpapilit at pumunta na nga kami sa office para magpaalam.

(End of Flashback)

After nun, wala na.. ang tahimik nga namin sa kotse kanina ehh.. nasa bahay na nga pala ako. Matawagan nga ang bruha.

*kring kring*

"Hello Sam? Ok ka na ba? Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ko na sunud-sunod.

"*sniff sniff* bes, di ko na kaya. Kailangan mo na malaman ang totoo..Pumunta ka dito kung gusto mo malaman kung ano yun." sabi nya na nagpipigil ng luha.

"Huh?! Anong totoo?! Pupunta ako dyan maghintay ka saglit!" Binaba ko na ang telepono at nagmadaling magbihis at umalis na ako ng bahay.

Ano bang totoo ang sinasabi ni Sam?

×××
Uhmm hi po ulit! Gusto ko po sana ivote nyo ang story ko at magcomment. Magcomment po kayo kung maganda po ba, kung may mali. Kahit ano po!! Haha!! Ano kayang totoo ang sinasabi ni Sam? See to the next update!!

X0X0
-Ms. Y

My Sweet Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon