Chapter 8

223 7 0
                                    

Samantha's POV

Nagbibihis ako at susunduin ko pa si Nikki sa kanila. Kinakabahan ako sa kinikilos ni Nikki kahapon. My Ghad! Maka alis na nga!

"Ma! Alis na po ako!" At sumakay na ako sa car ko at umalis.

*knock knock*

"Nikki! Shupi na tayo! Tara na at malelate pa tayo!" sigaw ko kay Nikki na makapasok na ako sa bahay nila.

"Oo! Andyan na! Matuto kang maghintay!" Sigaw din ni Nikki saakin.

"Well, dapat hindi mo pinaghihintay ang dyosa na katulad ko! Haha!!" Tawa ko. After ko sabihin yan bumaba na siya at hinatak niya na ako paalis.

"Tara na! Malelate na tayo!" sigaw niya at nagpaalam na kay Tita.

Anong problema ng taong to?

×××
Nikki's POV

"Wag ka nang maweirdan dyan. Ganito talaga ako. Iiyak pero kinabukasan masaya na ulit. At wag ka ng sagabal diyan. Haha!!" Tawa ko pero naweweirdan pa rin siya. Hay..bahala nga sya!!

Nakarating na kami ng school at naglalakad na kami na may makarinig kami ng tili ng mga babae.

"Kyahhhh!!" Sigaw nila.

"Bes anong nangyayari?" Tanong ko kay Sam.

"Hindi ko rin alam. Bakit hindi natin tingnan? Tara doon galing sa pinagdidikitan ng mga anouncements." Sabi ni Sam sabay hila saakin papunta kung saan mang lupalop nanggagaling ang mga tiling iyon. Napapansin ko lang, madalas na akong hinihila ng mga taong ngayon ahh..aba abuso! 😞

"Oh my ghad! Di ba siya yung babae na kasama ni Cedric kahapon ng madaling araw? Omo!! Siya nga yun!!" Ok...? Ano daw? Di ko siya gets. Baka hindi ako yung tinutukoy niya. Tama! Hindi ako yun! Pero parang sakin naka tingin ang lahat ng estudyante?

"Oh my ghad! Bes!! Tingnan mo to! Dali! Kailangan mong makita to!" Sigaw ni Sam saakin. Di ko napansin nakalayo na pala saakin si Sam. Mapuntahan nga.

What the heck?! Bakit picture namin ni Cedric ang nandidito at ang nakalagay sa pic, ung pic namin na magkatabi sa sidewalk at ung pinahiram niya saakin ang panyo? At alam niyo kung ano ang nakasulat sa ibaba? Ito!

Omo!! Nakikita nyo ba ang picture na ito? Pinicturan namin yan kahapon! Haha!! May girlfriend na ang Cedric natin! Wahhh... pero ok lang! Maganda naman ang pinalit niya haha! At take note, siya si...Ms. Nikki Delos Santos! Yup, siya nga!! O My Ghad!!

What the packing tape?! Ako?! GF nung lalaking yun? Hah! In his dreams! Makaalis na nga lang.

Nagwalkout at naririnig ko ang tawag ni Sam sa akin ng "Nikki!" Pero di ko na lang pinansin.

Pero naabutan pa rin ako ni Sam.
"Oy babae! Bakit mo ako iniwan doon? Ikaw ha? May BF ka na pala ha? Yiee..." asar na sabi ni Sam sabay sundot sa tagiliran ko. Ayy ang kulet!

"Wag kang makulit dyan! FYI ulit, wala akong BF kaya umayos ka dyan!" Sabi ko sabay walkout pero nakakasabay pa rin si Sam saakin. Pero hindi namin inaasahan, may nakabunggo kami. Kung minamalas ka nga naman oh..

"Ano ba?! Tingin tingin din sa dinadaanan try mo minsan!" Galit na wika ni Sam. Mahaba ang pasensya nyan pero kapag nasaktan sya wala magiging dragon na yan!

"Wow ako pa may kasalanan! Ikaw kaya tumingin sa dinadaanan mo!" sigaw din nung lalaki teka parang familliar siya? Yup, si Jordan! Hala! Nakayanan ni Sam to? Di ba crush niya si Jordan? Anyare bakit naging ganito ang pakikitungo niya?

"Ouch!" Reklamo ko rin sa nakabangga ko.

"Hay naku! Ganyan ba talaga ang mga tao nga yun? Tatanga-tanga? HAHAHA!!!" tawa nung tatlong mga ugok. Tsss akala mo kung sino. 😑😒

"HOY! MGA LALAKI NA IPINAGLIHI SA ASO, AKALA NIYO KUNG SINO KAYO! PARANG KAYO DI KAYO NAKAKAGAWA NG KATANGAHAN AHH!! MGA BWISET!!" sigaw ko sa kanila sabay walkout. Narinig kong sumigaw din si Sam kaya huminto ako.

"ALAM NYO KUNG BAKIT BAD MOOD KAMI? WELL, DAHIL SA MAY NAGDIKIT NG PIC NYO NI NIKKI! AT AKO? BAD TRIP AKO KASI..KASI...UHMM..BI-BINANGGA NYO KAMI! THAT'S ALL!!!" Sigaw din ni Sam at sumunod sa akin. Para kaming mga shunga kasi kung makapaglakad kami, para kaming nagmamarcha sa Luneta. Well sorry sila! Galit kami.

My Sweet Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon