PROLOGUE

5K 57 9
                                    


"Makapag omegle nga ngayon, nakakamiss na eh.." sabi ni Tinay

Matagal tagal na nang huling gumamit si Tinay ng Omegle, simula nung iniwan siya ni Zeke.. Para kay Tinay, ang Omegle ang nagbigay sakanya ng pagkakataon para mahanap ang taong mahal niya. Isang taong kahit hindi na parte ng buhay niya ngayon pero para sakanya, isang lesson si Zeke, isang lesson na hindi kailanman mawawala sa isip niya, araw araw niyang naiisip si Zeke, araw araw niyang iniisip kung kamusta na ba ito, alam niyang malabong mag-usap pa ulit sila. Alam niya sa sarili niyang wala na siyang pag-asang bumalik pa ang lahat sa dati, hindi na kayang ibalik ni Tinay yon.

"Ano ba yan, naaalala ko lang si Hezekiah Jose sa lahat ng ginagawa ko sa Omegle eh."

Alam niyang walang nagbago sa nararamdaman niya para kay Zeke, alam niyang kahit okay lang siya na wala si Zeke ay kulang pa din ang buhay niya kung wala ito. Sabi nga niya, ang love niya para kay Zeke ay everlasting. Kahit maghiwalay sila ng landas, siya at siya pa din ang mamahalin ni Tinay.

Nawala man si Zeke na parang ganun ganun lang, hindi pa din niya nakakalimutan ito. Kahit wala na si Zeke, parang kahit anong mangyari ay meron pa ring puwang sa puso niya ang binata, alam niyang kahit abutin man ng ilang taon ay hindi yon mawawala sakanya. Pinangako pa nito sa sarili na kapag nagkaanak ng lalaki ay papangalanan niya itong Hezekiah at gusto niya na maging katulad din ito ni Zeke, isang mabait, magalang at gentleman na Zeke. Kahit minsan, talagang napakasuplado nito kay Tinay, na para bang gusto niya nang isuka si Tinay.

"Bakit ba ganun? 3 buwan na ang nakakalipas pero ikaw pa din Hezekiah Jose!" sigaw nito sakanyang isip

Bakit kahit anong gawin niya sa sarili ay hindi mawala si Zeke sa isip at puso niya? Na pag naiisip niya ang binata ay para siyang bulkan na sasabog dahil sa lungkot, dahil sa pagkahinayang. Dahil sa pagkamiss niya kay Hezekiah. Siguro nga, kahit ano pang mangyari, hindi niya na kayang iwala sa isip at puso niya ang binata.

"Ikaw at ikaw pa din Zeke." bulong nito sakanyang sarili

Endless Love For Hezekiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon