Chapter 4

728 7 0
                                    

Hindi agad nakapagreply si Zeke sa kadahilanang nagdadrive ito, at dahil nga nagdadrive ito ay nakita naman ni Catherine na nag ring ang phone ni Zeke.. Pinakialaman niya ito at binasa ang text message..

"WTH. Don't you ever say yang I miss you na yan, yuck!"

"Excuse me? Sorry girl ha. Hezekiah's driving. Catherine here."

"Oh, hi Catherine! Sige mamaya na lang."

"Kinda sweet kayo ni Hezekiah ha? Is he courting you?"

Dahil ayaw ni Tinay na makagulo pa, hindi na lang siya nagreply, natatakot na din kasi si Tinay kay Catherine, parang war freak ang ex ni Zeke, yun ang nasa isip niya. Kaya tahimik na lang siyang naghintay na si Hezekiah ang makatext niya.

After 15 minutes..

"Tinay, nandito na kami sa restaurant kung saan kami kakain ng mga kaibigan ko, bakit hindi ka nagtetext?"

"Hindi mo ba nabasa ang mga palitan namin ni Catherine ng texts? Hawak pala niya phone mo kanina."

"Ha? Wala akong nabasa dito. Anong sinabi niya sayo? Tinarayan ka ba nya?"

"Hindi naman sinabi niya lang na sweet daw tayo sa isa't isa."

"Sorry kung ano man nasabi niya, hindi ko naman nakita na hinawakan niya ang cellphone ko. Dahil na din siguro sa pagkabusy ko magdrive. Binura pa talaga niya ha. Haynako talaga."

"Okay lang. Alam mo, ramdam na ramdam ko pa din na mahal na mahal ka pa rin ni Catherine."

"Alam ko din naman, hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakamove on sakin. Lagi pa rin niyang sinasabi na mahal niya ako kahit one year na kaming break."

"O, yun naman pala bakit ba kasi ayaw mo na sakanya? Buti nga may babaeng nagmamahal sayo eh."

"Alam mo naman na ang dahilan bakit diba?"

"Haynako, oo na, pero para sakin subukan mo pa din. Wala namang mawawala Zeke kung susubukan mo."

"Tama na siguro yung andito ako para sakanya bilang kaibigan, na susuportahan siya sa gusto niya at sa mga gusto niya makuha sa buhay niya."

"Ikaw bahala. Basta ako nararamdaman ko na mahal ka pa din niya."

"Speaking of her, eto siya nakatingin sa akin habang katext ka, siguro inis na inis na yun sayo dahil nakikita niyang masaya akong kausap kita, iniisip siguro noon na may kapalit na siya sa puso ko."

"Haynako, bitawan mo nga muna yang phone mo at makihalubilo ka muna sakanila, hayaan mo muna ako dito. Maghihintay na lang ako ng text mo kapag nakauwi ka na sa bahay. Okay?"

"Okay lang wala pa naman yung order namin, saka wala naman kwenta mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko dito eh, puro kalokohan lang kaya okay lang."

"Basta, makinig ka naman sakin. Ayoko naman na ano pa masabi ni Catherine sayo."

"Ano naman kung ganun ang reaction niya? Kasalanan ko ba kung hindi pa rin siya nakaka move on sa gwapong katulad ko Tinay?"

"Hindi naman pero please lang naman, gusto ko makihalubilo ka sa mga tao sa paligid mo, dahil sila ang na andyan sa harapan mo ngayon at hindi ako, hindi naman kaya bastos na sila kasama mo pero ako gusto mong kausap diba?"

"Haynako, humugot ka naman eh. Sige na nga, basta itetext agad kita pag uwi ko. Agad agad, magrereply ka Tinay ha. Promsie mo sakin. Mamimiss kita eh."

"Oo sige basta enoy mo lang yang lunch mo with friends, andito lang ako maghihintay ako sa pag uwi mo. Bye. Sige na nga mamimiss na din kita ang kulit mo eh!"

"Ayun o, mamimiss daw ako ni Tinay, sige sige maya na lang pag uwi ko.."

Sa hindi sinasadya ni Tinay, nakatulog sya kakahintay sa text ni Zeke..

Endless Love For Hezekiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon