Chapter 8

603 10 0
                                    


"Zeke may gusto lang ako itanong sa'yo.."

Etong tanong na ito ay hindi totoo, titignan lang ni Tinay kung ano magiging reaksyon ni Zeke kung paano kapag ganito ang sitwasyon ng dalaga..

"Ano naman po yun? C'mon, tell me everything please.."

"Ano kasi, paano if nalaman mong I'm not conservative as you are? What if I'm an open minded person?"

"WHAT? Bakit? Diba dapat ang babae, napakaconservative?"

"I'm not Zeke, hindi ako conservative katulad mo.."

"Siguro nga tama ka Tinay.."

"Tama na ano Zeke?"

"Tama ka na si Catherine ang andito at si Catherine dapat ang makita ko, hindi ikaw."

"Ah, okay.."

"Hindi ko kasi alam ang ginagawa mo dyan, mas tama pa rin pala yung nakikita mo ang taong minamahal ka kesa sa malayo.."

"Naiintindihan ko Zeke..Napaka conservative mo nga talaga.."

Simula noon ay hindi na kinausap pa ni Zeke si Tinay, para bang naglaho na na parang bula si Zeke dahil sa nalaman niya.. Tinanggap naman niya yon at para sakanya kasalanan naman niya kung bakit nangyari yon.. Kung hindi naman niya tinanong si Zeke ay hindi naman ito mawawala pa sakanya..

Nag message pa sa huling pagkakataon si Zeke sakanya..

"I'm sorry Tinay, nagulat lang ako sa nalaman ko. Nainis ako, kasi akala ko you're precious, but you said you're not anymore. I was so shocked about it. I'm sorry. Oo nga pala, kami na ulit ni Catherine. Hindi ko kasi kaya makita siya na naiyak dahil parang feeling niya okay na ako. Siguro nga tama ka talaga hindi dapat mahalin ang hindi mo naman pala talaga nakikita."

Hindi na talaga nakaya ni Tinay ang kanyang nabasa.. Umiyak na lang siya sa kwarto niya at hindi na sumagot pa kay Zeke. tatanggapin na lang niya ang lahat ng sinabi ni Zeke..Kakalimutan niya na lang ito.. Siguro nga tapos na ang lahat para sakanila..

Tapos na nga ba?

Endless Love For Hezekiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon