"Goodmorning Mr. Hezekiah..Sorry talaga kagabi. Hindi ko po sinasadya talaga, napasarap lang sa kakababad sa Omegle kagabi eh."
Naaamoy na ni Tinay na hindi na magrereply pa si Hezekiah dahil nga sa nagtatampo ito sakanya.
"Hmmm. Okay po. Medyo tama ka nga. Hindi nga po ako nakatulog at iniisip ko yung pagtatampo ko sayo."
Nagulat si Tinay ng mabasa ang reply ni Zeke dahil talagang hindi na ito inaasahan ni Tinay.
"Sabi ko sa'yo eh, hindi talaga magiging maayos tulog mo kasi may iniisip ka."
"Oo nga, ang galing mo don! Hahaha. So kamusta naman ang tulog mo? Ate Tinay?"
"Yan ka nanaman sa kaka ate Tinay mo tigilan mo nga yan!"
"Sorry na po please, patawarin nyo na po ako. Kasi naman natuwa lang ako at mas matanda ka sakin."
"Ano naman kung mas matanda ako sayo? Problema ba yun? Magiging hindrance ba yon sa pagkakaibigan natin, Zeke?"
"Hindi ah, never magiging hindrance yon para maging kaibigan mo ako."
"Yun naman pala, so okay na? Hindi na ba issue sayo yon?"
"Hindi na po, sorry po talaga."
"Maiba tayo, so kamusta na ang school?"
"Eto po, tapos na po ang first subject ko at para yatang walang klase sa second subject dahil nagsisialisan na po sila sa mga classroom nila."
"Bakit ano meron?"
"Ewan ko nga din eh, pero eto lalabas na po ako ng campus. May lunch ako with friends. Hinihintay ko lang si Catherine, isasabay ko na kasi sa akin papunta doon."
"Sino naman po si Catherine?"
"Ah, hindi ko pala nakwento sa'yo. She's my ex. Pero we're still friends kahit ganun, kasi matagal na yun. Nakamove on na ako at para naman sakin, I have to be with her pa rin because iisa kami ng school at iisa ang circle of friends namin kaya naman hindi talaga maiiwasang magkikita at magkikita pa rin kami."
Nalungkot si Tinay sa nabasa niya, feeling niya may pag-asa pa ring magkabalikan sina Catherine at Zeke at anytime, pero dahil bago pa lang sila magkakilala, hindi dapat magpahalata si Tinay sa mga nararamdaman niya.
"Bakit hindi pa kayo magbalikan e diba nagkecare ka pa din naman para sakanya?"
"Hindi naman po kasi ganun kadali yun Ms. Tinay kasi grabe yung break up namin. Alam ko mahal pa din naman ako ni Catherine pero dapat niya na tanggapin na kaibigan na lang ang turin ko sakanya. At first I thought, she's the one. Siya na ang papakasalan ko, sa isip isip ko lang pero something came up na hindi ko nagustuhan sa ugali niya. She's my first ever girlfriend and we lasted for three years but things changed for us."
"Why is that? Sayang naman o. Tatlong taon na yun at sobrang tagal niyo na bakit hindi mo naman subukang inayos?"
"Miss Tinay, kasi conservative akong tao at ayokong mapunta naman ako sa isang taong walang respeto sa sarili niya."
"Bakit? Bakit nga ba kayo nagbreak?"
"She wants me to stole her something from her. At para sa akin, ayoko gawin yon dahil mataas ang respeto ko sakanya, tapos ganun ganun lang sakanya yon? Ni kiss nga hindi ko magawa yon sakanya. Yun pa kaya? Hanggang hug nga lang kaya kong ibigay sakanya eh."
"What a conservative guy we have here. Woah. Grabe ka. Dapat ka nga yatang palakpakan."
"Bakit naman? Hindi ba ganun ex mo sayo or current boyfriend mo?"
"Actually wala akong boyfriend as of now. Chill muna ako sa mga ganyang bagay."
"Bakit nakakailang boyfriend ka na ba? Matanong ko lang."
"Will you believe me? 5. Lima na ang naging boyfriend ko."
"Woah, hindi ko inakala na itong babaeng kausap ko ngayon ay nakakalimang boyfriend na pala. Kakaiba ka po ate, kakaiba po ang ganda mo."
"Pero ang swerte ni Catherine sayo, bibihira na lang kasi talaga ako makakita ng ganyang mga lalaki, yung conservative, one woman man saka napakagentleman."
"Crush mo na ba ako dahil don? Hahahahaha."
"Well, Mr. Hezekiah Jose, hindi naman po porket ganito ang mga sinabi ko sayo ay crush na kita, wag po tayo mag assume please lang."
"Sige, tingnan na lang po natin sa mga susunod na araw kung ganyan pa din ang sasabihin mo, Ms. Tinay."
"Sige, tingnan na lang po natin Mr. Zeke."
"I have to go, I'll text you later kapag nasa restaurant na po kami. Nakikita ko na si Catherine from here, papunta na siya sa akin. Okay? I'll miss you Ms. Tinay."
"WTH. Don't you ever say yang I miss you na yan, yuck!"

BINABASA MO ANG
Endless Love For Hezekiah (Completed)
Historia CortaA TRUE STORY WRITTEN BY YOURS TRULY. WRITTEN 2015 AND POSTED 2018. Cover by: PANANABELS