{Tinay's POV}
Bumaba na ako ng kotse, alam ko na ayaw niya akong maalis sa paningin niya, alam ko yun dahil kitang kita ko yun sa mata niya pero hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko, bumalik kay Hedriane o bumalik kay Hezekiah na bumalik sa akin, na umamin na mahal niya ako, na sobrang tagal ko na hinintay.
Alam kong mukhang mali dahil lumalabas na ginamit ko lang si Hedriane para matakpan ang pagmamahal ko kay Zeke, para maka move on ako, kahit hindi naman talaga pa ako nakaka move on. Pero akala ko kasi, okay na ako, pero hindi pala. Hindi pa pala, nung nagtext siya sa akin nung nakaraan, nandun pa din yung excitement sa bawat pag basa ko sa mga texts niya. Hindi ko alam pero ganun talaga nararamdaman ko.
Nakahiga na ako ng biglang pumasok si Mama sa kwarto ko..
"O bakit Ma?" sabi ko
"Saan ka naman galing? Nasaan na si Hedriane?
"Lumabas lang kami, pinagbigyan ko lang sa huling pagkakataon."
"Wala na ba talaga pag asa para mahalin mo siya ulit?"
"Wala na talaga Ma, please wag mo na ipilit."
"Oh okay sige, tulog na ako ha? Tulog ka na din."
"Sige Ma, thank you tulog ka na ha."
Hinalikan ako ni Mama sa cheeks ko, bata pa lang talaga ako bestfriend ko na talaga si Mama, kaya lahat ng mga kalokohan o hinaing ko sa buhay ko alam niya. She is my bestfriend. Wala na papantay sa nanay ko. Promise!
Gabi na at nagsoscroll down lang ako sa facebook ng biglang may nagtext, nung una hindi ko tinignan dahil ang alam ko si Hedriane lang yun at nangungulit lang.. Patulog na nung chineck ko kung sino ba yung nagtext sa akin to my surprise hindi si Hedriane kundi si Hezekiah ang nagtext..
"Good evening, naka uwi ka na ba?"
"Ah, kaya siguro di ka nagtetext kasi nakatulog ka na dahil pagod ka na."
"Text ka agad pag nabasa mo na itong text ko ha, gising pa naman ako dahil nagawa pa ako homework ko."
Hindi ko talaga alam kung ano irereply ko sakanya, nagulat talaga ako dahil hindi ko naman inaasahan na magtetext pa siya ulit sa akin eh.
"Uhm, good evening sorry ngayon ko lang nabasa text mo e. Oo, nakauwi na ako actually galing ako ng Tagaytay with my ex boyfriend."
"Ha? Ex boyfriend pero kasama mo? Medyo magulo yata ah. Paki explain naman."
"Eh kasi naman yun na yung huling pagsasama namin, kumabaga pinagbigyan ko lang siya dahil yun yung huling hiling niya bago kami maghiwalay, para matapos lang ang usapan pumayag na ako."
"O pwede ko ba naman malaman bakit kayo naghiwalay dalawa?"
"Dahil ayoko na, nananakit pati yun at ayoko na ulit pang mangyari yun."
"Ha? Ano? Sinaktan ka nun? Okay ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan nung nandoon kayo sa Tagaytay dalawa?
"Wag kang OA, hinsi naman siya ganun. Okay naman."
"Makipaghiwalay ka na don ha! Ayoko na yun ang papalit sa akin! Kung pwede lang eh ako na lang ang pumalit ulit sa akin eh."
"Hindi naman kita pinalitan eh, ikaw pa rin naman."
"Eh? Kinilig naman ako dun, omayghad."
"Oo, pero wag ka na kiligin! Hahahaha."
"Tayo na ba? Ulit?"
"Bakit naging tayo ba noong una ha?"
"Hindi pero muntikan na pero parang tayo din naman noon, kaya ganun tanong ko."
"Ewan ko, gusto ko lang maging masaya kasama ka. Kahit hindi kita nakikita, masaya na ako na kausap ka araw araw."
"Ay grabe."
"Antok na ko Hezekiah, tulog na tayo?"
Uhm sige, bukas na lang ulit! I love you!"
Hindi ko na nasagot sa sobrang antok ko pero sobrang na appreciate ko na nag I love you siya sa akin, sobrang sarap ng tulog ko dahil sa I love you niya, sana ganun na lang parati, sana masya na lang parati.
BINABASA MO ANG
Endless Love For Hezekiah (Completed)
Short StoryA TRUE STORY WRITTEN BY YOURS TRULY. WRITTEN 2015 AND POSTED 2018. Cover by: PANANABELS