Chapter 21

718 10 0
                                    


Gumsiing si Tinay na puro luha ang mga mata, basa ang unan niya. Yun pala nakatulog na siya sa kakaiyak sa kwarto niya..

Pag tingin niya sa phone niya, may text mula kay Henry siyang natanggap.

"Ano ba Tinay? Ano ba ang nangyari at nagpost ka ng ganun? Totoo bang ikaw nagpost nun sa Twitter? Ikaw naman kasi bakit mo niloko ang kaibigan ko?"

"Hindi naman kasi talaga ako ang nagpost noon, kundi yung ex boyfriend ko nga. Dahil hindi ko napalitan ang password ko agad agad nung nagbreak kami dahil hindi ko na naisip yun. Hindi ko naman akalain na gagawin niya yon. Nagulat nga din ako. Siguro ito yung sinasabi niyang paraan niya para mabawi ako mula kay Hezekiah.."

"Alam mo bang for good na si Hezekiah doon at sinabi niya lang na babalik siya? Doon na siya mag aaral at mag aasawa kaya nga gustong gusto ka niyang makita bago man lang sana siya makaalis ng bansa, atleast nakita niya yung taong mahal niya.."

"Hindi ko alam yan, ang sabi niya mag aaral lang siya doon at kung sakali na kami pa din nung ex boyfriend ko pagbalik niya ay tuturuan niya ito ng leksyon at sasaktan dahil nga ayaw niya raw na nasasaktan ako."

"Wala na siya Tinay, hinding hindi na babalik si Hezekiah sa Pilipinas. Siguro kapag may okasyon na lang, pero hindi na siya mananatili pa dito ng matagal."

Agad agad niyang naisip na kauspain si Hedriane tungkol dito..

"Ano bang gusto mo sa akin? Bakit ka ba ng post ng picture natin sa Twitter ko?! Alam mo ba dahil sa ginawa mo nawala na ang taong mahal ko sa akin? Ayaw niya maniwala na hindi ako ang nagpost nun kundi ikaw!"

"Simple lang ang gusto ko Tinay, kaya nagawa ko yun. Dahil mahal kita. Hindi ko naman alam na makikita ng taong mahal mo eh."

"Pigilan mo siyang umalis ng Pilipinas, nagmamakaawa ako sa'yo.."

"Hindi ko kayang gawin yan Tinay.. Pabayaan na natin siya, tayo na lang dalawa please?"

"Utang na loob! Kahit ano mangyari hinding hindi na ako babalik pa sayo! Isaksak mo yang mga salita na yan sa utak mo!"

"Ano bang meron siya na wala ako at ganyan mo na lang pinaglalaban yang lalaking yan sa akin?"

"Tigilan mo ako dahil siya ang buhay ko, siya lang ang mahal ko at kahit kailan hinding hindi magiging ikaw yun."

"Bahala ka, hahanapin mo din ako. Ngayong wala na siya ako ang pupuno ng mga pagkukulang niya."

"Akala mo naman mapupunuan mo yun? Sa ginawa mo sa pag sira mo sa kin sa taong mahal ko akala mo ba papayagan ko pa ang sarili ko na mahalin kita ulit?"

Pinatay ni Tinay ang phone niya upang hindi siya macontact ni Hedriane at umiyak ulit.. Nakatulog na siya sa kakaiyak..

Simula nung araw na yun ay hindi na siya makapag focus sa lahat ng gawain niya, bagsak bagsak na siya sa mga quizzes niya sa school. Wala na siya sa katinuan, hindi na siya makatulog ng maayos. Iiyak na lang gabi gabi, hinihingi sa Diyos na bumalik si Hezekiah sakanya.. Pero alam naman niya sa sarili niya na hindi na mangyayari pa yun. Dahil sira na lahat ng pangarap niya para sa kanilang dalawa, sinasabi niya na lang sa sarili niya na may dahilan kung bakit nangyari ito sakanya..

Hindi niya alam kung kailan niya mababalik ang dating sarili niya, hindi nga niya alam kung paano niya mababalik eh.

Endless Love For Hezekiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon