After 2 weeks...
*buzz! buzz! buzz!*
May unknown number na nagtext kay Tinay.. She's wondering kung sino ito.. Ito ang sinabi ng unknown number..
"Hi, I miss you so much."
Sa isip isip niya, si Zeke kaya ito? Pero imposible, diba nga galit si Zeke sakanya? Naisip niya baka yung ex niya, pero napaka imposible naman na mamiss bigla siya ng ex niya kaya ito ang nireply niya sa unknown sender..
"What? What are you saying and who's this?"
Agad agad namang nagreply ang unknown sender..
"The first person that will pop in your mind."
Agad agad namang sumagot si Tinay ng..
"Hezekiah Jose, ikaw ba 'to?"
"Sino si Hezekiah? Hindi ako si Hezekiah, sino ba yan? Hayyy."
"Ah, I'm sorry. So sino ka po?"
"Hahahaha, hindi to si Hezekiah, kaibigan niya to. Andito siya sa tabi ko nag lalaro ng PS4. Ako si Henry."
Nagulat si Tinay sa nabasa niya.Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa nagtetext sakanya o hindi. Kaya eto na lang ang nasagot ni Tinay..
"Oh? Talaga? Okay. Pakisabi na lang na kamusta, salamat. Goodnight."
"Hindi mo ba siya itetext?"
"Para saan pa? Diba sila na ni Catherine ulit? Baka magalit pa si Catherine sakanya kapag tinext ko pa siya."
"Ganun ba talaga tingin mo sa kaibigan ko? Wala na talaga pag asa na maging maayos kayo bilang magkaibigan man lang?"
"Okay naman talaga kami eh, okay na ako. Pero syempre, distansya lang kasi nga may girlfriend na yun."
"Naniwala ka naman na sila na ulit ni Catherine? Alam mo ba na sinabi niya lang yun para tigilan mo siya? Pero hindi naging sila ulit ni Catherine."
Nagulat siya sa nalaman niya..Pero hindi niya ito pinahalata kay Henry.
"Henry, sige na. Saka ko na lang siya kakausapin ulit. Not now, please."
"Kindly text him now, I know he will reply, hindi ka naman niya nakalimutan eh."
Kamusta na nga kaya si Zeke? Nagtatanong din sa isip ni Tinay ang mga yun..
"Sige na nga, pero pag hindi siya nagreply ibigsabihin I'll stop na ha?"
"Kamusta ka na Hezekiah? Take care. God bless you ha? - Tinay"
Ilang minuto naghintay si Tinay pero walang reply si Hezekiah ni si Henry..
Tutulog na dapat si Tinay ng biglang..
"Wala daw siyang load ngayon but difinitely he will text you tomorrow daw."
Biglang nagtext si Henry..
Eto na nga ba ang pagkakaayos na matagal na hinihintay ni Tinay na makamit?
BINABASA MO ANG
Endless Love For Hezekiah (Completed)
Short StoryA TRUE STORY WRITTEN BY YOURS TRULY. WRITTEN 2015 AND POSTED 2018. Cover by: PANANABELS