Chapter 16

527 3 0
                                    


Pauwi na si Tinay.. Sobrang saya niya dahil finally nasabi na niya kung ano man ang nasa loob ng kanyang puso.. Masaya din siya dahil pumayag si Hedriane sa gusto niya, noong una ay akala niya aawayin siya nito at sasaktan sa public.

Biglang nagtext sa akin si Mama..

"Tinay, bilisan mo! Andito si Hed, nagwawala sa tapat ng bahay natin!!"

Mali pala ang akala na na ayos na ni Tinay, mas lalo yata pang gugulo ang lahat. Akala niya ay nakausap na niyang mabuti si Hedriane pero mukhang hindi pa rin matanggap ng binata ang nangyari. Dali daling naglakad papasok ng bahay si Tinay. Takbo siya na para bang kakainin siya ng napakalaki na aso.

"Ano ba sinabi mo dun at nagkaganoon ang boyfriend mo ha? Inaway mo ba yun?"

"Hindi po Mama."

"Eh bakit? Bakit nagkaganun yun?"

"Kasi po ano.. ano po, nakipaghiwalay na po ako Ma."

"Jusko naman Tinay!!"

"Sige po Ma, lalabasin ko po siya at susubukan ko po siya kausapin."

Dali daling nagpalabas si Tinay kay Yaya Ising.

"Akala ko ba e malinaw na sa'yo na wala na tayong dalawa? Diba nagkausap na tayo sa coffee shop kanina?"

"Oo Tinay pero narealize ko na hindi ko pala kayang mawala ka talaga. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon para mabago ang lahat!"

Lumuhod na ito sa harapan ni Tinay, halata mong galing sa inuman si Hed at medyo madami na ang nainom.

"At talagang uminom ka pa bago ka pumunta rito?!"

"Ginawa ko yun kasi akala ko sa pamamagitan noon makakalimutan kita pero mali pala ako."

{Hedriane's POV}

"Ano ba yan?! Ano ba ang mali kong nagawa para iwanan lang ako ni Tinay ng ganun lang kabilis? Sobrang gwapo ba nung ex niya na yu at di niya nakalimutan? Sinabi ko naman at nangako na ako na magbabago ako at di ko na siya sasaktan ulit pero mas pinili niya pa rin akong iwan. Ano ba gagawin ko mabago lang ang isip niya?" sabi nito sa kanyang isip

Naiisp nito na baka madala niya ito sa mabuting usapan, baka pwedeng bigyan siya ng oras para matanggap lahat bago tuluyan siya nitong iwan. Papunta siyang bahay nila Tinay ng biglang naiisp niya na baka makalimutan niya ito gamit ang alak. Alam niyang panandalian lang pero mas gugustuhin niya ito na kahit sandali lang ay makalimutan niya naman si Tinay..

Umorder siya ng umorder.. Hanggang nagpasya na siyang puntahan sila Tinay sakanila, bahala na kung papasukin siya o hindi basta ang importante makausap niya lang ang dalaga. Hindi na din niya naiisp kung payagan siya ng mga magulang ni Tinay sapagkat nakainom na rin siya nung mga saglit na yun. He got his keys at nagbayad na sa bartender. Humarurot na papunta sa bahay nila Tinay..

Pagkakita niya na may tao sa loob dahil bukas ang ilaw sa loob ng bahay agad itong sumigaw ng..

"Lumabas ka dyan Tinay!! mag usap tayo!! Aysuin natin ang lahat, parang awa mo na hindi ko kaya na mawala ka sa akin. Magbabago na ako promise ko iyan sayo!!"

Nagulat naman ang nanay ni Tinay sakanya kaya naman lumabas ito at dali daling tinanong kung bakit na andun si Hedriane at bakit ito nag sisisigaw..

"Pakilabas na lang po ang anak ninyo, usto ko po talaga siyang makausap."

"Nako eh wala naman ditos i Tinay, hindi pa siya nakakauwi sabi lang sa text dumaan daw muna siya dun sa kaklase niya at may kukunin raw siya doon."

"Alam ko po tita na andyan siya kaya kung maaari po ay palabasin niyo na po siya, maawa na po kayo sa akin."

"Eh sa wala naman talaga siya Hedriane, pero wag ka mag alala, itetexy ko siya na umuwi na para makapag usap kayo agad."

"Salamat po."

Kumalma ako at hinintay si Tinay na maka uwi. Maayos pa kaya namin 'to?

Endless Love For Hezekiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon