EPILOGUE

1.3K 14 6
                                    


After 2 months...

Nagtext ulit si Henry sakanya at sinasabing may kinakaharap daw na issue si Hezekiah sa Spain dahil nagkita daw yung babaeng nakainuman ni Hezekiah ulit sa Spain. Nakainuman daw ni Hezekiah yon nung umuwi siya sa Spain nung summer ng nakaraang taon.. Sinasabi daw ng babae na si Hezekiah daw ang ama ng anak na dinadala ng babae, hindi makapaniwala si Tinay sa mga nababasa niya, gulat na gulat siya dahil hindi naman yun ang pagkakakilala niya sa binata, alam niyang conservative ito kaya hindi niya magagawang gumalaw ng babae basta basta.. Lalo na sa mga babae na kakakilala lang ni Hezekiah, ganun din ang pagkakakilala ni Henry sa bestfriend niya, dahil siya mismo ay gulat na gulat sa balita. Pero kung mapatunayan man daw na si Hezekiah ang ama ng bata ay papanagutan daw ni Hezekiah ang bata at ibibigay ang pangalan nito sa bata pero hindi niya papakasalan ang babae, dahil hindi naman niya ito mahal..

Nasabi din ni Henry na may bagong nililigawan na ang binata, at mukhang mapupurnada pa gawa nga ng issue na kinakaharap ni Hezekiah, sumang ayon na lang si Tinay rito at sinabing masaya siya dahil may nagmahal na ulit kay Hezekiah pero alam niya sa puso niya na hindi naman totoo ang pag tanggap niya dito, dahil hindi pa rin naman siya nakaka move on sa nangyari sakanila...

Makatapos ang ilang araw ay kinausap ulit ni Henry si Tinay at binalitaan ang dalaga tungkol sa issue ni Hezekiah.. Lumabas daw ang tunay na ama ng bata at kinausap daw si Hezekiah, kaya daw pinaako ng babae kay Hezekiah ang bata dahil alam niyang mapera ang binata at mabubuhay niya ang bata ng matiwasay, kumpara sa ama nitong wala namang pangarap sa buhay. Pero nanaig pa din ang tunay na ama na siya ang tatayo bilang ama ng bata, kahit gaano pa kahirap ang bumuhay ng bata..

Laking bunot ng tinik ang nawala kay Hezekiah. Finally natapos na din ang problema niya at maliligawan na nya ang babaeng gusto niya. Nagdulot naman ito ng sakit kay Tinay dahil hindi pa rin siya makapag move on ng mga oras na yun. Pero wala siyang magagawa kundi tanggapin na wala na si Hezekiah sa buhay niya, ang magagawa na lang niya ay ang maging masaya siya para sa binata..

Hindi mo talaga masasabi ang mga pangyayari sa buhay ng tao. Minsan ay susurpresahin ka na lang ng buhay mo. Sabi nga nila, kapag may umalis ay may papalit. Mas maganda at mas tatagal.

Ang huling balita na natanggap niya mula kay Henry tungkol kay Hezekiah ay uuwi daw ng summer si Hezekiah dahil anniversary ng mga magulang nito at gusto nila sanang sa Pilipinas ganapin ang nasabing event.

Simula nun, hindi na nagparamdam si Henry kay Tinay..

... at dito na ang nagtatapos ang kwento nilang dalawa.

Endless Love For Hezekiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon