Bakit ba kasi? Ano bang nakain ni Zeke at nasabi niya yon kay Tinay? Totoo kaya ang lahat ng yon at para ba kay Zeke ay hindi ito isang laro lamang?
"Tinay, tara Omegle tayo."
"Ha? Bakit mo naman natripang mag Omegle ngayon?"
"Wala lang, ganito kasi yon...Kapag nahanap kita sa Omegle, ibigsabihin non a liligawan na kita sa ayaw o sa gusto mo."
"Imposible naman na magkita tayo sa Omegle, dami dami tao don eh."
"Nagkausap nga tayo ng tatlong beses unexpectedly tapos sasabihin mo sa akin na hindi kita makikita doon? Talaga lang? Ngayon pa talaga Tinay?
"Malay mo naman diba? Hindi kasi natin masasabi yun."
"Kaya nga susubukan natin diba? Para malaman natin.."
"Sige na nga open ko lang laptop ko tapos itetext na lang kita kapag okay na."
At ayun na nga, nagsimula na sila maghanapan sa Omegle. Hanggang sa unexpectedly mukhang nahanap na nga nila ang isa't isa.. Agad agad tinext ni Tinay si Zeke..
"Ay, Ikaw yon ano? Ramdam ko ikaw yon!"
"Hahahaha, paano mo naman po nasabi yan ha?"
"Ramdam ko eh, sa edad pa lang at kung taga saan ka, tapos natawa ka pa."
"Oo na po ako na nga po yun. So paano ba yan Ms. Tinay?"
"Oo na po, talo na. Liligawan mo na nga talaga ako.."
"Yes! Pumayag din siya o!"
"Teka oaano nyan si Catherine?"
"Ano naman ang meron sakanya? Pake ba natin sakanya ha?"
"Wala, mas lalo na kasing magiging komplikado ang lahat eh."
"Wag mo na siyang isipin, ako na lang isipin mo ano ba? Nakakapagselos ah."
Pati ba naman si Catherine pagseselosan mo pa? Haha."
"Bakit ba hindi? Eh she's been on your mind lately."
"WTH. Babae yon Zeke ano ka ba?"
"I don't care, basta nagseselos ako. Haha."
"Ano ba yan, sige na may gagawin pa ako."
"Osige din, ako din may gagawin pa ako. Pero teka promise mo muna sa aki na hindi ka na makikipag usap sa Omegle at ako na lang parati mong kakausapin wala na iba?"
"Sige po, hindi na po ako kakausap nang iba pa sa Omegle."
"Good! Sige gawin mo nayang gagawin mo, wag lang Omegle ha."
"Opo."
She knows na magiging iba na ang lahat sakanila ni Zeke..At kahit hindi pa siya handa sa ganun, she will try her very best to handle Zeke..
BINABASA MO ANG
Endless Love For Hezekiah (Completed)
Short StoryA TRUE STORY WRITTEN BY YOURS TRULY. WRITTEN 2015 AND POSTED 2018. Cover by: PANANABELS