Chapter 19

537 8 0
                                    


Dumaan ang isang linggo na sobrang nagpapahayag na sina Tinay at Hezekiah ng pagmamahalan nila.. hinihintay na lang nila yung araw na naka schedule para makapunta si Hezekiah eh..

"Baby, ilang araw na lang magkikita na tayo! Makikita na kita." -Hezekiah

"Oo nga eh, gusto na kita makita. Wala pa akong idea kung ano mukha mo eh baka panget ka eh."

"Hoy! Hindi ako panget ha? Baka nga pag nakita ako ng parents mo mainlove din sa akin sila katulad mo. Haha."

"Baka inlove sayo? Haha."

"Bakit hindi ka ba inlove sa akin?"

"hmm, inlove po. Hahaha."

"Oh tingnan mo! Gwapo ko kasi, see you po!"

"See you soon. Excited na talaga ako."

------------------------------------------------------

Hanggang sa dumating na ang gabi...

Umalis si Tinay kasi kumain sila sa labas ng family niya. Nagtext agad siya kay Hezekiah about sa dinner na yun pero hindi pala alam ni Tinay na wala na siyang load kaya sabi nya bukas na lang sila magkakatext ni Hezekiah.

Kumakain si Tinay ng biglang nagtext si Hezekiah sakanya...Hindi naman niya agad pinansin ito dahil busy nga siya sa pagkain niya..

"Check your twitter.."

"Akala ko ba wala na kayo nun? Pero bakit may picture kayong dalawa na magkasama with the caption "I love you?"

"Niloloko mo ba ako Tinay ha?"

"Ano ba talaga ang totoo sayo?"

"Sinisira mo ang tiwalang binibigay ko sa'yo.."

"Hayaan mo hindi na ako pupunta next week dyan sa Laguna, hindi na ako magpapakita pa sayo kahit kailan!"

Nagulat si Tinay sa mga nabasaya niya, halos nabuga na nga niya yung kinakain niya. Agad agad niyang tiningnan yung Twitter niya kung saan may nagsabi si Hezekiah na may post nga daw doon kung saan may I love you daw at may kasamang picture nung ex boyfriend niya.

Pagkatingin niya sa account niya. Alam niyang hindi siya ang nagpost nun dahil nga nasa restaurant siya ng mga oras na yun at naalala niya na alam nga pala ng ex boyfriend niya ang password sa mga social media accounts niya at sadly hindi pa niya ito napapalitan.. Nagkataon pa na wala siyang load nung mga oras na yun kaya hindi niya alam kung paano sasabihin kay Hezekiah na ang nagpost nun ay ang ex boyfriend niya at hindi siya.. Mangiyak ngiyak na lang siya sa mga nababasa niyang texts ni Hezekiah sakanya..

Maayos pa kaya ni Hezekiah at Tinay ang mga nangyayari itong sakanya? Anong dahilan ni Hedriane para gawin ito kay Tinay? Eto na ba ang sinasabi niyang pagbawi niya kay Tinay mula kay Hezekiah? Masisira na ba talaga sila? 

Endless Love For Hezekiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon