Chapter 18

587 8 0
                                    


{HEZEKIAH'S POV}

Hindi ko na dapat siya iniwan noon, hindi na dapat siya sinaktan nung ex boyfriend niya. Sana pinaglaban ko na lang siya, o kaya sana nakagawa ako ng paraan para hindi siya nasaktan nun, sana hindi ako natakot na ipaglaban siya dati. Napakadami kong regrets, sana man lang napabantayan ko siya kay Henry noon. Pinasundan araw araw. Siya naman talaga mahal ko, akala ko lang magiging maayos pag si Catherine ang pinili ko. Pero hindi yun ang sinasabi ng puso ko eh, kahit sinasabi ng isip ko na ang dapat ang mahalin ko ay si Catherine, hindi ko naman talaga gusto yun. Napilitan lang ako dahil kung hindi siya ang pipiliin ko sabi niya sa akin ay magpapakamatay siya o kaya naman titigil na siya sa pag aaral kaya ko siya pinili kasi ayoko naman mangyari sakanya yun.

"Goodmorning Tinay! Kamusta naman tulog mo?"

After 15 minutes nagreply na siya..

"Okay naman tulog ko. Ikaw ba? Kumain ka na ba?"

"Okay naman, nakatulog ako at napanaginipan kita siguro kasi ikaw ang huling nakausap ko kagabi. Eto, kakain pa lang ako, ngayon lang kasi ako nagising. Buti nga hapon pa klase ko eh."

"Ano naman napanaginipan mo tungkol sa akin? Pakwento naman o. Haha."

"Hmm, sweet daw tayo. Sinagot mo na daw ako! Hahaha."

"Parang di naman yon eh, parang niloloko mo lang ako!"

"Magkasama daw tayo. Pumunta daw ako sa bahay mo. Pinakilala mo ako sa magulang mo."

"Hayaan mo mukha namang di mangyayari yun eh, mangyayari ba yun?"

"Oo naman, akala mo hindi? Gagawin ko lahat makapunta lang sa bahay mo para doon kita liligawan at hindi sa text, at kung pwede sana hindi mo ko sagutin sa text, gusto ko sana sa personal mo ako sagutin."

"Osige, mas maganda kung mapupuntahan mo talaga ako sa bahay namin"

"Sabihin mo kasi address niyo, to naman eh"

"E kung ayoko?"

"Ayaw mo eh mahal mo nga ako, so pwede mo sabihin sakin yan! Haha"

"Oo na, sasabihin ko naman talaga sayo eh. Siguro hindi lang talaga ngayon okay?"

"Eh kung hindi ngayon kailan naman aber?"

"Basta, sasabihin ko na lang pag natripan ko na sabihin."

"Excited na ako puntahan ka, malay mo nasa tapat na pala ako ng bahay mo bukas pag pasok mo sa school."

"Napaka creepy mo naman Hezekiah, parang ayaw ko na tuloy ituloy yung sasabihin ko kung saan ang bahay ko."

"Hahaha, joke lang naman. Hihintayin ko kung kailan mo gusto sabihin kung kailan pwede na ako pumunta dyan okay?"

"Sige ha."

Ayun, dumaan ang buong araw na siya lang ang kausap ko, napakasaya ko nung araw na yun. Kahit hindi kami magkasama physically ramdam na ramdam ko ang presence niya kahit sa text lang lahat kami nag uusap.

Sabi ni Henry may plano daw ang mga barkada ko na pumunta sa Enchanted Kingdom 2 weeks from now, kaya baka yayain ko si Tinay dahil alam ko naman na taga Laguna siya. Hindi ko lang talaga alam kung saan yung bahay niya sa Laguna.

Kinabukasan...

"Pwede ba kita mainvite?" text ko

"Saan naman po? May party ba?" sagot naman niya

"Pupunta kasi ako sa Laguna, sa Enchanted Kingdom to be exact, baka gusto mo sumama."

Kahit alam ko na ang una niyang itatanong kung kasama si Catherine, tinanong ko pa din siya.

"Si Catherine ba kasama mo dyan?"

"Alam kong itatanong mo yan kaya sasagutin kita. Oo kasama siya pero wala siya magagawa kung mag iinvite ako diba?"

"Nako nakakahiya wag na. Kayo na lang, enjoy niyo yan ha."

Eto nanaman si babaeng ayaw ng gulo, as if papabayaan ko siya sa oras na makita kong may sabihin o gawin si Catherine sakanya. Syempre naman poprotektahan ko siya kahit ano mangyari.

"Eh sige na, sama ka na, wag ka na mahiya kasi kasama mo naman ako saka yung si Henry eh."

"haynako baka hindi rin ako payagan ng parents ko eh kaya hindi ako makakasagot"

"Eh kung sinasabi mo na kasi kung saan ka nakatira edi napagpaalam na kita ng maayos sa mga magulang mo kasi pupuntahan kita tapos ako mismo magpapaalam sakanila."

"Sige na nga, pero sana ikaw na lang sumundo sa akin ha?"

Sa wakas ibibigay na po rin niya ang address niya.

"oo, ako lang di ko isasama si Henry papunta dyan."

Nung binigay niya na yung address kahit wala akong idea saan yun sobra akong na excite ang dami kong naiisip na pwede kong gawing surpresa at yung panliligaw sa kanya magagawa ko na.

Sana magawa ko talaga....

Endless Love For Hezekiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon