Teka teka hindi pa nga pala nakikita ni Tinay ang itsura ni Zeke simula nung nagkatext sila, hindi naman niya gusto na magpapaligaw siya tapos hindi naman niya alam ang itsura ng nanliligaw sakanya. Ang hirap naman non diba? Hindi mo alam kung ano itsura, wala ka idea totally kaya naman agad agad niyang sinearch sa Facebook ang account ni Hezekiah. Pilit niya yung hinanap, hanggang sa napagod na siya, kaya naman tinanong ni Tinay si Zeke kung ano nga ba ang Facebook ng binata..
"Teka nga, ano bang Facebook mo? Ilang araw na kitang kausap pero hindi ko man lang alam itsura mo eh."
"Ah, nako Tinay, wala naman akong Facebook account."
Laking gulat ni Tinay ng nalaman niya ito, napaka imposible naman kasi na walang Facebook account si Zeke kasi wala na namang tao ang walang Facebook account now adays di ba? Saka paano naman nalaman ni Hezekiah ang Omegle kung hindi niya alam ang Facebook di ba?
"Wag mo nga akong lokohin! Ano nga kasi Facebook account mo Zeke?"
"Wala nga talaga Tinay, hindi ako mahilig sa mga social media accounts na yan, dahil napaka private kong tao at ayoko malaman ng tao ang aking personal na buhay, malay mo may maging posers pa ako kung gumamit ako niyan diba?"
"Eh paano mo naman nalaman ang Omegle kung hindi ka nag so-social media ha?"
"Kay Henry, sa bestfriend ko. Nung araw na naka chat mo ako bagot na bagot ako at nasabi sa akin ni Henry ang Omegle kaya naman nag try ako gumamit non. Eh nalibang ako kaya medyo madami na din nakikilala."
"Nakakapagtaka lang, medyo kakaiba kang tao ha? Sobrang iba."
"Ano naman kakaiba sakin? Alam ko gwapo ako pero hindi naman ako kakaiba."
"Makagwapo ka sa sarili mo ah, gwapo ka ba talaga ha?"
"Oo naman, gusto mo idescribe ko sarili ko sa'yo? Alam mo mas gwapo pa nga ako kay Alden Richards eh, parehas kaming may dimple."
"Ano pa bukod sa dimple? Sige nga, describe yourself please."
"5"11 ang height ko, maputi at yun nga may dimple sa right part ng cheeks. Ikaw ano itsura mo? Haha."
"Grabe naman yan o, nanliit naman ako sa height mo. 4"0 lang ata ako eh. Pangit pati ako. Hindi ko maganda katulad ni Maine Mendoza eh."
"Hindi ka pa sure sa height mo. Hahaha. Anymore descriptions?"
"I have a powerful smile, kahit hindi ko kilala, nahahawa sakin napapangiti din sa akin eh. Chinita raw ako, maputi."
"Wow, ang cute naman! Haha. Kamusta school?"
"Eto, honor student naman, hindi ako naabsent lagi dahil alam ko naman paano pahalagahan ang pag aaral ko kahit papaano ano po?"
"Hmm, ano ba course mo?"
"Tourism po ako, ikaw po ano po ang course mo?"
"Civil Engineering sa Mapua."
"Ay, mabigat pala ang course mo masyado ano?"
"Hindi naman, kinakaya ko naman kahit papaano."
"Grabe yan eh. Puro math. Hahahaha."
"Oo, pero kaya ko yan."
Para paring nananaginip ng gising si Tinay dahil nakakabigla lahat ng nangyayari sakanya. Ayaw pa rin niyang maniwala sa mala cloud 9 na nararamdaman niya ngayon, baka mamaya kasi bigla na lang siyang bumagsak.

BINABASA MO ANG
Endless Love For Hezekiah (Completed)
Historia CortaA TRUE STORY WRITTEN BY YOURS TRULY. WRITTEN 2015 AND POSTED 2018. Cover by: PANANABELS