Chapter 11

602 13 0
                                    


Pero dahil sobrang mahal ni Tinay si Zeke, binigyan niya ito ng pangalawang pagkakataon para magkaayos sila.. Nangako naman si Zeke na kapag ginulo ulit ni Catherine poprotektahan niya si Tinay kahit anong mangyari.

Naging maganda ang mga sumunod na araw para sakanila..Sobrang saya.. Hindi ma explain ni Tinay ang feeling. Kahit hindi sila nagkikitang dalawa ay ramdam na ramdam ni Tinay yung pagmamahal niya sakanya ni Zeke..

Isang araw.. Bgla na lang nawala si Zeke.. Todo alala si Tinay dahil hindi siya tinetext ni Zeke. Kaya kinausap niya si Henry nagtanong siya kung bakit ganun na lang na bigla nawala si Zeke.

"Sorry Tinay kasi may nangyari."

"Ano nangyari? May nangyari bang masama kay Zeke Henry ha?"

"Wala naman."

"Eh ano nangyari sakanya?"

"Si Catherine kasi may ginawa kagabi.."

"Ano naman ginawa ni Catherine kagabi?"

"Alala mo nung nagpaalam siya sayo na wag ka muna magtext sakanya kahapon kasi siya yung escort ni Catherine sa debut niya?"

"Oo, pinayagan ko siya kasi hling daw yun ni Catherine sa akin.."

"Yun na nga problema eh, pinayagan mo siya."

"Ano ba kasi talaga nangyari? Pinapakaba mo naman ako masyado Henry eh."

"After ng party ni Catherine, kumain kami sa labas ng family niya."

"O pagkatapos ano nga?"

May ginawang announcement si Catherine sakanila.."

"Ano?"

"Na malapit na daw engagement nila ni Zeke, nanlaki mata namin non. Hindi maintindihan mukha ni Zeke kagabi eh. Sobrang surprised siya."

Hindi nakapagsalita si Tinay sa nalaman niya.. Sobrang gulat siya.

"Uhm.. Mahal na mahal talaga ni Cath si Zeke. Gumawa talaga siya ng paraan para mabalik sakanya si Zeke."

"Sorry Tinay ha. Nasaktan ka nanaman ni Zeke. Siguro sinusumpa mo na kami ngayon dahil sa nangyari sainyo ni Zeke."

"Okay lang, atleast alam ko na okay pala siya ngayon."

"Pinapasabi din niya na baka hindi ka na niya makausap ulit dahil ma eengage na nga siya."

"Okay lang, sabihin mo na lang salamat sa lahat, sana maging maayos sila ni Catherine."

"Oo, sige sasabihin ko. Sorry ulit ha."

"Salamat talaga at kinausap mo ako."

"Sige, ingat ka. Bye na. Punta na ako ng school ha."

Hindi na nagreply si Tinay kay Henry. Sobra siyang nasaktan sa nalaman niya. Pero wala siyang magagawa kung ganun talaga. Siguro ganun talaga ang nakatadhana sa kanila. Move on na lang ulit siguro ang gagawin niya ngayon.

Talagang naiisip niya na tama siya. Tama siya na iiwan din siya ni Zeke, na gagawa at gagawa ng paraan si Catherine para makuha ulit si Zeke sakanya. Pero bakit? Bakit hinayaan ni Zeke na kunin siya ni Catherine? Diba nangako ito sakanya na ipaglalaban siya ni Zeke kay Catherine kung mangyari man na kunin siya ni Cath kay Tinay? Gusto man isipin ni Tinay yun pero gusto na lang niya kalimutan si Zeke. Gusto na lang niya ibaon sa limot si Zeke. Kunwari ay di nangyari.

Endless Love For Hezekiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon