Chapter 14

578 9 0
                                    


Hindi makatulog si Tinay kakaisip ng sinabi ni Hezekiah sakanya, alam niyang may mahal na siya pero nung nalaman niya na mahal siya ni Hezekiah, hindi niya maiwasan maging masaya dahil matagal na niya yung gustong marinig galing sa binata.

Agad agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinext si Hedriane dahil gusto niyang makipagkita rito..

To: Hedriane

'Baby, kita tayo doon sa coffee shop na malapit sa school ko o. Labas tayo. Kailangan natin mag usap'

Message sent!

Hindi alam ni Tinay kung tama ang gagawin niya, alam niyang masasaktan si Hedriane at alam din niya na baka maulit yung nangyari na sinaktan siya ng pisikal nito. Pero hindi na niya kayang isipin pa, gusto na niya kumawala sa mga thoughts sa isip niya.

From : Hedriane

'O baby bakit naman hindi pa sa bahay niyo tayo mag usap? Pwede naman ako pumunta sayo kung miss mo lang ako eh.'

To : Hedriane

'Basta baby, pumunta ka na lang dun. I'll be there within 15 minutes. See you.'

After 15 minutes nakita na ni Hedriane si tinay na papasok sa coffee shop kasama ang yaya nito, nag offer ang binata na siya ang mag uupo kay Tinay pero hindi yon pinayagan ni Tinay na mangyari. Si yaya ising pa rin ang nagpaupo sakanya.

"Wag na, madali lang naman 'tong pag uusapan natin eh. Saka kaya ko naman umupo mag isa, hindi na ako bata."

Kitang kita ang gulat sa mga mata ni Hedriane, parang binuhusan siya ng malamig na tubig dahil biglang nagbago ang ihip ng hangin sakanila ni Tinay.

"Ano ba pag uusapan natin dito? E as I've said earlier pwede naman tayo sa bahay niyo. para hindi na hassle sayo diba baby?"

"As I've said earlier, madali lang naman 'tong pag uusapan natin eh."

"So ano nga?"

"Let's end this relationship. May mahal na akong iba. Mahal ko pa ex ko. Please."

"So sa tingin mo papayag na lang ako ng ganun ganun lang?"

"So pipilitin mo pa din ako na mahalin ka kahit ayoko na? Yun ba yun?"

"Kung tungkol 'to sa pananakit ko sa'yo nung mga nakaraang araw, please hayaan mo akong ipakita sayo na mag babago na ko. Bigyan mo na ako ng chance. Mahal na mahal kita Tinay. Wag mo naman tapusin 'to ng ganito lang."

"Kung mamahalin pa kita ng tuluyan Hed, masasaktan lang kita. Kaya kung maaari hanggang maaga pa lang masabi ko na 'to sayo. Kesa sayangin mo lang ang oras mo sa wala."

"Minahal mo ba talaga ako Tinay?"

"Oo naman, sinubukan ko. Naging masya naman tayo diba? Kahit nanakit ka pinagpatuloy pa din natin kasi alam ko naman na magbabago ka."

"Pero bakit mo ko iiwanan?"

"Kasi ayoko na masaktan at maloko ka pa. Dahil hindi mo naman deserve yon."

"So Tinay sino naman siya? Diba sabi mo matagal ka na walang boyfriend? Mahal mo pa din yun?"

"Hindi yun ang tinutukoy ko."

"Eh sino? Hindi mo naman nakwento sakin yan nung hindi pa tayo."

"Bago kita makilala, may minahal ako. Parang kabute, lulubog at lilitaw siya kaya nung pinakahuli na lumubog siya at hindi na nagparamdam pa sinabi ko na sa sarili ko na magmamahal na ako ulit ng iba, at nung mga oras na yun ikaw yung kasama ko, at yun napamahal na ako sayo."

"Masakit isipin na iiwan mo na ako. Masakit isipin na mawawala ka na sa akin pero Tinay mahal kita kaya irerespeto ko ang desisyon mo at papalayain na kita. Salamat sa mga memories na ginawa natin. Mag iinagt ka lagi. Sige, alis na ako. Salamat uli."

"Sige aalis na din ako. Salamat dahil naiintindihan mo naman pala ako."

Palakad na si Tinay palabas ng bigla siyang tinawag ni Hedriane..

"Tinay, itext mo lang ako kapag inaway ka niya o iniwan ulit. Andito ako para saluhin ka. I loev you."

Hindi na sumagot si Tinay bagkus tumingin na lang ito kay Hedriane at umalis an ng coffee shop.

Dahil sa pag uusap na iyon ay para bang nabunutan ng tinik si Tinay.. Eto na nga ba talaga ang katapusan ng pagmamahalan nila ni Hedriane?

Endless Love For Hezekiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon