Chapter 13

598 8 0
                                    


2 months na din after nangyari nung pag iwan ni Hezekiah kay Tinay..

Natutulog si Tinay noon ng biglang may nagtext sakanya.. Nagising siya sa pag aakalang si Hedriane ang nagtext sakanya pero kinagulat niya ng makita kung sino ang nagtext sakanya..

Si Henry. After 2 months ng pananahimik bumalik nanaman si Henry. Sigurado si Tinay na tungkol kay Hezekiah ang sasabihin ni Henry sakanya.. Ayaw man niyang basahin yung text pero wala siyang magagawa, kailangan niya 'tong mabasa..

"TINAY SI HENRY TO. ALAM KO NAPAKALAKI NG KASALANAN NAMIN NI HEZEKIAH SAYO PERO PLEASE KAHIT NGAYON LANG SABIHIN MO SAKANYA UMUWI NA SIYA SA KANILA, NAG AALALA NA YUNG PARENTS NIYA. UMALIS KASI SIYA DAHIL AYAW NIYANG MAKIPAGTANAN KAY CATHERINE. GUSTO MAN NI CATH PERO AYAW TALAGA NI HEZEKIAH KAYA BIGLANG LUMAYAS SI ZEKE AT INIWAN SI CATH PERO HINDI NAMIN ALAM KUNG NASAAN SIYA. PLEASE NAMAN NAGMAMAKAAWA NA AKO SAYO, KAUSAPIN MO SIYA. ALAM KONG KAYANG KAYA MO SIYANG KAUSAPIN DAHIL SAYO LANG NAKIKINIG YUN."

Kinagulat yun ni Tinay, dahil inisip niya na kailangan talaga siya ni Hezekiah ngayon, hindi na siya nag atubili pa na kausapin si Hezekiah dahil kahit papaano e may nabuo naman silang pag kakaibigan ni Zeke, kahit nasaktan pa siya ni Zeke ay mas pipiliin niya pa rin na tulungan ito.

"Hezekiah, please. Umuwi ka na, hindi mo naman kailangan maglayas para matakasan si Catherine eh, kung ayaw mo naman pwede mo naman siya kausapin ng maayos para matapos na lahat.- Tinay"

"Message sent!"

Hindi alam ni Tinay kung sasagot ba o hindi si Hezekiah, basta sakanya kahit anong mangyari ay tinulungan niya ang binata kahit papaano, na kay Hezekiah na yun kung makikinig siya kay Tinay o hindi. Agad agad niyang tinext si Henry..

"Henry, natext ko na siya. Sana makauwi na siya kung nasaan man siya ngayon. Sabihin mo kung umuwi man, mag ingat na kamo at kausapin niya maigi si Catherine para hindi naman sila mag away at magkagulo pa. Ikakasal na sila eh."

"Ah, natext mo na? salamat ha, tunay ka ngang nagmamahal kay hezekiah, dahil sa dami ng ginawa niya sayo, sa dami ng nangyari sa inyo ay mas pinili mo pa din na tulungan siya kesa magalit sakanya."

"Wala yun, basta mag ingat kayong dalawa. Sana eh ito na ang huli na makakausap kita, ayoko na din makasama pa sa gulo."

Agad agad pinatong ni Tinay ang cellphone niya sa lamesa, at siya ang nagpahinga..

Pagkagising niya matapos ang dalawang oras ay tiningnan niya ang cellphone niya, dahil baka nagtext na si Hedriane sakanya..

Pero nagulat siya.. Yung cellphone niya 2 messages received.. Isa galing kay Hedriane at isa galing kay...

HEZEKIAH.

Binasa niya agad ito. Hindi niya maipaliwanag yung feeling niya noon, hindi niya alam kung matutuwa ba siya o wala lang dahil may Hedriane na siya that time.

"Tinay? Bakit? Bakit sa tuwing kailangan kita bigla kang nagpaparamdam sa akin? Sa tuwing kailangan ko ng makakausap nandyan ka para makinig. Bakit?"

"Siguro talagang ako lang naiisip kontakin ni henry kapag kailangan mo ng kausap dahil busy siya sa mga chicks niya. Hoy ikaw, umuwi ka na ha. Hinahanap ka na raw ng parents mo." sagot ni Tinay

Kahit napaka cheesy ng message ni Hezekiah para kay Tinay ay pinili niyang wag kiligin. Dahil may Hedriane na siya, at isa pa mas gusto niya na mawalan na sila ng communication ni Hezekiah. Pinili niyang sumagot na para bang walang nangyaring kung ano sa kanila 2 months ago. Mas madadalian kasi siyang i let go si Hezekaih kung kakalimutan na niya kung ano ang meron sakanila 2 months ago. Isa pa masaya naman siya kay Hedriane.

"Alam mo, sa dami ng babae na nasa paligid ko. Ikaw lang ang babaeng nagpapakalma sa akin, hinahayaan mo ako makapag isip ng mabuti lag. Lagi mong iniiisp yung kung ano ang makakabuti sa akin at hindi yung makakabuti para sayo, kung papapiliin ako kung sino ang mamahalin ko, panigurado ako na ikaw yon Tinay. Mahal kita. Salamat sa pag iintindi mo sa akin."

Nung mabasa ni Tinay ito, hindi siya makapaniwala. Tama ba ang nababasa niya? Nag I love you na sakanya ang lalaking hinihintay niya noon pa? Pero hindi agad siya nagpadala sa emosyon dahil mas pinili niya pa din si Hedriane.

"Ano ka ba ha? Umayos ka nga. Move on ka na don, naka move on na ako eh. Ayusin mo na lang buhay mo, dun man lang magiging masaya ako para sayo. Ingatan mo sarili mo atsaka oo nga pala, may boyfriend na ako kaya hindi mo na dapat sinasabi yang mga sinasabi mo na yan ngayon."

"Ah? Kelan ka pa nag ka boyfriend? Bilis mo namang makalimot sa akin, e ang gwapo gwapo ko pa naman. Hays, sinayang mo ako. Haha. Sige, kasamako na si Henry ngayon, iinom na lang kami sa isang bar. Para makapag usap din kami sa mga nangyayari sa akin, maraming sakamat sa pagtulong mo sa akin ulit. Sana ay maging masaya kayo ng boyfriend mo."

Hindi alam ni Tinay kung matatawa siya o malulungkot sa nabasa niya. Ang mahalaga e nakinig sakanya si Hezekiah.

"Uy, nakauwi na si Hezekiah Tinay. Maraming salamat sa pagtulong sa akin na makumbinsi siya para makauwi. Hulog ka ng langit kahit kailan. Iinom na lang kami, kailangan ko damayan tong bestfriend ko, madami na masyadong nagpapastress sakanya lately eh. Ingat ka, at good luck sa new boyfriend mo."

Nagtext si Henry sakanya..

Tama ba ang mga nangyayari? Tama ba na hindi na niya pinaglaban si Hezekiah? Bakit ngayon niya lang nasabi na mahal niya si Tinay kung kailan may Hedriane na siya? 

Endless Love For Hezekiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon