Chapter 12

599 9 0
                                    


Kahit araw araw naaalala ni Tinay si Zeke, wala siya magagawa kundi isipin na lang siya. Wala na din siyang connection kay Henry o sa kahit kanino eh. Nakakilala na din siya ng bago..

Si Hedriane. Mabait naman si Hedriane. Lagi silang magkausap ni Tinay. Pinakilala ng tropa ni Tinay na si Jeff si Hedriane sakanya. Lagi silang magkausap, walang araw na hindi nila nakakamusta isa't isa. Naging way na din si Hedrane para makalimutan ng kaonti ni Tinay si Zeke. Pero hindi nagkekwento si Tinay about kay Zeke kay Hedriane. Isa pa kasi, seloso si Hedriane. Baka maging dahilan lang yung pagkwento niya para mag away sila ni Tinay.

"Hmm.. Tinay, siguro oras na para magkita tayo?"

"Ha? Gusto mo na ba talaga ako makita?"

"Oo naman, bakit? Ayaw mo ba akong makita?"

"Gusto naman, kaso nakakahiya kasi.. Panget kaya ako."

"Panget? Yan bang mukha mo gusto ko sayo? Yan ba minahal ko?"

"Alam ko naman na hindi eh. Pero.. nakakahiya pa din kasi."

"Wag ka na mahiya baby, gusto na kita makita eh.."

"Sige.."

Nagkita sila ni Hedriane, naglakas loob siya pinuntahan ni Hedriane si Tinay sa bahay nila, naglo sinama ni Hero si Jeff para kahit papaano hindi na awkward sakanila kapag nag usap silang dalawa..

"Uhmm.. Hello Tinay, kamusta?"

"Okay naman ako baby, ano ka ba.. Para di awkward tawagin mo ako sa tawagan natin."

"Ah, haha ganun ba? Sige sige, I love you baby ha."

"I love you too."

Tumingin naman si Tinay kay Jeff.. Kinamusta niya ito.

"Ano jeff? Kamusta ka na? salamat ha pinakilala mo sa akin si baby."

"Oo naman, ikaw pa ba lakas lakas mo sa akin eh. Pakasaya kayo ni Hero ha."

"Oo sige, salamat talaga ha."

"Teka, nasan pala CR niyo rito? Ihing ihi na kasi ako eh."

"Ah, pagderetso mo sabay kanan. Yung puting pinto, yun na yun."

"Sige, dyan na muna kayo ha. Ihi lang ako. Enjoy kayo. Balik agad ako."

Umalis na si Jeff papuntang CR..

Nagulat si Tinay sa ginawa ni Hedriane sakanya. Hinawakan siya sa braso ng mahigpit..

"Bakit mo tinititigan si Jeff?!"

"Malamang, kausap ko siya eh. Diba lahat naman ng kausap kailangan tinitingnan? Saka ano problema mo sa pagtingin ko sakanya?"

"Nagseselos ako eh! Ako lang dapat tinitingnan mo hindi si Jeff eh!"

"Tropa naman natin yun, bakit mo pagseselosan? Saka hindi naman niya ako aagawin sayo dahil magkakakilala tayo."

"Baka kasi agawin ka niya sakin eh. Ayoko lang na mawala ka sakin."

"Alam ko pero wala ka bang tiwala sa akin na hindi ko naman lalandiin si Jeff?"

"Meron naman akong tiwala sayo eh, kay Jeff wala akong tiwala."

"Bakit naman ha? Okay naman siya saka matagal ko na siyang kilala, mas nauna ko pa siya makilala kesa sayo nga eh."

"Oo pero boyfriend mo na ako baby, pwede sundin mo na lang ako? Seloso kasi ako eh."

"Sige pero wag ka naman Oa minsan, palagpasin mo na si Jeff dahil wala naman talaga yun, wala ka naman dapat ikaselos samin eh. Sayong sayo ako."

"Hmm sige, pero kay Jeff lang ha? Pag may iba pang lalaki ang nakipag close sayo pagbabawalan na kita ha."

"Oo naman sige, basta kalma ka lang ha? Okay lang yan. Kaibigan lang ang tingin ko kay Jeff."

Naging masaya naman ang bonding nila Hedriane at Tinay.

9pm umuwi na sila Hedriane.

"Sige text na lang pag nakauwi ka na ha?"

"Oo naman, itetext agad kita baby ha. I love you."

Kiniss ni Hedriane si Tinay sa noo

"Uwi na ko ha? I love you."

"Sige. I love you so much!"

Totoo nga kayang inlove na ulit si Tinay kay Hedriane? O nagawa lang niya yun dahil gusto na niyang kalimutan si Zeke? At dahil na andyan si Hedriane e si Hedriane ang naging rebound ni Tinay kay Zeke?

Endless Love For Hezekiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon