Two updates for today, pambawi lang hehehe. God bless sa lahat.
Bitbit-bitbit ko ang aking regalo para kay Mica habang papasok ako sa bar kung saan nagcecelebrate ang aking kaibigan. Nang nakita ko na kung san sila, ay dumiretso na ako. Medyo late ako sa pinagusapang oras kasi binilin ko pa si Seth kay ate.
"Happy birthday Maria Micaela!" Bigla kong yinakap si Mica, halata namang nagulat ito.
"Alam mo, papalabasin talaga kita dito sa bar kapag lalabas na naman sa bibig mo ang buong pangalan ko." Natawa ako sa kaibigan, talagang ayaw niya kapag may tumatawag sa kaniya sa kaniyang buong pangalan.
"Okay lang, hindi ko nalang ibibigay ang gift ko." Akmang mag wo-walk out na ako ng bigla namang niyakap ni Mica ang braso ko.
"Ay friend, ang dali mong mabiro, amin na ang regalo ko?" agad namang kinuha ni Mica ang regalo ko.
Umupo ako katabi si Amy na himala ay tahimik.
"Huy! Anong drama mo?" Pukaw ko sa kaniyang atensiyon. Napatingin si Amy sa akin at biglang ngumiti, pero alam kong hindi ito totoo.
"Wala nuh! Oo nga pala, kumain ka ng cake." Nahahalata ko na iniiba ni Amy ang topic. Kumuha siya ng plato at tinidor at nagkuha ng slice ng cake. "Eto na, masarap yan."
I laughed sarcastically. "Alam kong masarap ito eh galing ito sa café ko eh." Tumawa na rin si Amy.
"Sino pa bang hinihintay natin Mica?" Baling ko kay Mica na panay kalikot sa kaniyang phone.
"Si John." Simpleng sagot niya na hindi umaangat ang ulo niya. "Natraffic daw eh. Psh, ako mauuto niya, hindi!"
"Oh eto na ako!" Napatingin kami sa lalaking may ari ng boses. Baka ito na ang boyfriend na sinasabi ni Mica. "Happy birthday by." Agad naman niyang ginawaran ng yakap at halik ang aking kaibigan.
Sabay naman kaming napangiwi ni Amy sa kanilang endearment. "Alam mo Sam, sabi nila ang mga mag nobyo na ang tawagan ay "BY"," Talagang nilagyang diin ni Amy ang salitang iyon "Ay maghihiwalay daw agad."
Lihim naman akong napatawa sa sinabi ni Amy, alam ko namang inaasar niya lang si Mica. Maya maya ay may lumanding na kutsara sa noo ni Amy, at alam kong galling iyon kay Mica. Napatawa ako ng mas malakas.
"Anyways by, this is Amy. And this one is also Sam. They are my bestest friends" Inintroduce kai ni Mica sa kaniyang By. Nakipag shake hands nalanag din ako.
"Saan ba yung friend mo daw?" Sabi ni Amy.
"Ano, paparating na. May kliyente pa kasing inaasikaso pero on the way na daw siya," Sagot naman ni John.
Napatango lang si Amy. Umorder naman si Mica ng pagkain. Bigla naman nag ring ang cellphone ni John.
"Ah, andito ka na?... Nandito kami sa table 12... Oo sa may kaliwa... Oh sige bro." binaba na niya ang kaniyang cellphone. "paparating na daw siya."
Tumango lang ako pero si Amy ay halata namang excited. Ako naman patuloy lang sa pag inum ng tanduay ice. Ika-lawang baso ko pa ang ito, pero sina Mica at Amy ay hindi ko alam.
"Sorry, ngayon lang natapos meeting eh, You must be Mica. Happy birthday." Humigpit ang hawak ko sa bote, at bigla akong naestatwa. Umangat ang ulo ko at nakompirma ko talaga na siya iyon! Shit! Bakit ang liit ng mundong ito?
Nakita kong nag beso sina Mica.
"Uhm, ikaw yung friend ni John?" Halata naman a muka ni Mica na nagulat din siya, ganon din si Amy. Alam kasi nila na ang lalaking ito ay ang ama ng anak ko.
BINABASA MO ANG
How Can I Forget?
General Fiction"Bakit mo tinago na may anak pala tayo?" "Dahil baka hindi mo kami tanggapin! Baka hindi mo AKO tanggapin!" Samantha Anne Peterson was living in her normal life. She's just an ordinary person living in an ordinary world. She was happy being with her...