"Opo ate... Malapit na, may kaunting traffic lang... Sige po, Bye."
Binaba ko ang cellphone ko pagkatapos naming mag-usap ni ate Sandra. Nag-alala sa akin si Seth kagabi, mabuti nalang at maaga natulog sa kanila kaya hindi na nag tantrums.
"Bakit nasa ate mo ang anak mo? Saan ba asawa mo?" Tanong ni Samuel. Nandito ako sa loob ng sasakyan niya. Ihahatid daw niya ako papunta kila ate. Sobrang nakakahiya na. Pinatulog, pinakain at pinagdra-drive pa niya ako.
"Nakikita mo bang may singsing ako?" May sarcasm kong sabi.
"So wala." Gumuhit naman ang kaniyang mga labi at ngumisi siya. "How about father ni Seth?"
Komportable ako kanina habang nandito ako sa kaniyang sasakyan, pero hindi na ngayon. Gusto kung tumalon palabas dito eh!
"Uhmm, kaliwa ka." Pag-iiba ko ng usapan. Kumaliwa naman si Samuel. "Kaliwa ulit." Kumaliwa ulit ito.
"Sa may grey na gate" Huminto ito sa tapat ng gate. Inum-buckle ko naman ang seatbelt.
"Sige, salamat ng marami sa lahat." Akmang lalabas na sana ako ay nagsalita siya.
"Maghihintay ako rito sa labas, wala kang dalang sasakyan. Ihatid ko na rin kayo ni Seth papunta apartment niyo."
"Nako, huwag na Samuel. Ang dami mo ng naitulong sa akin." May pag-aalanganin kung sabi.
"Samantha, I don't really take NO as an answer. So, get Seth and we'll go immediately"
Hindi na ako nagprotesta kasi alam ko namang hindi ako mananalo rito.
"Nako, nako Samantha Anne! Apat na taon. Apat na taon mo siyang iniiwasan, tapos yun lang? Sumama ka sakaniya at doon pa natulog sa kama niya! Hindi mo ba ginagamit ang utak mo? Ikakahamak mo ito lalong lalo na ni Seth!" Panay sermon si ate Sandra sa akin matapos kong papasukin si Samuel sa bahay nila. Nagulat ito sigurado kaya ngayon, pinangangaralan niya na ako.
"Ate, alam ko naman iyon eh! Talagang hindi ko sinasadya! Wala akong choice sa gabing iyon. Hindi ko na nakita kung saan si Mica at si Amy naman, lasing rin! Alangan naman siya magdrive sa akin?" Nandito ako sa kwarto nila ate at sa kaniyang asawa, hinihintay ko lang na matapos si Seth na magbihis. Ayaw kasi non na tinutulyngan magbihis, kesyo kaya niya na raw.
"Yun na nga! Sana hindi ko naglasing. Paano kung maulit na naman ang nangyari niyo noon? Another baby Seth na naman ha?" Yumuko ako, hinawakan naman ni Ate ang mga pisngi ko at tumingin ako sa kaniya. "Samantha, nag-aalala lang ako sainyo ni Seth."
Niyakap ko naman si ate. "Sorry ate, hindi ako nag-iisip."
"Basta kung anong mangyari ay nandito lang ako palagi, kaming dalawa ng kuya Chard mo at syempre ng kambal" Simula noong nawala ang aking mga magulang dahil napasama sila sa paglunod ng barko, si ate Sandra na umako sa lahat ng responsibilidad. Siya na ang naging Mama at Papa ko, kaya sobrang thankful ako kasi hindi niya ako pinabayaan.
"Mommy, tapos na po ako." Lumingon naman ako sa may pintuan at nakita si Seth na naka statement tee na may sabi 'Handsome at it's finest' at naka maong short na pinaresan ng hi cut shoes.
"Naks gwapo ng aking baby ah!" Kinarga ko naman ito. Napansin kong hindi pa pala naka tali ang lace ng sapatos nito. "Baby, eta-tie lang natin shoes mo sa baba okay?"
Karga-karga ko naman ang aking anak papunta sa may silong at nadatnan ko si Samuel at Kuya Richard na nanonuod ng basketball habang naguusap tungkol nito.
"Tito Sam! Tito Sam!" Halatang exicted naman masyado ang anak ko ng nakita niya ito.
Napukaw naman ang atensyon ni Samuel at nagtungo papunta sa direksyon namin. "Hey there kiddo."
Ginawaran niya ito ng halik sa nuo. "Your shoes are still not tied. Can I tie it for you?" Tumango lang si Seth.
Karga-karga ko parin si Seth habang nagtatali si Samuel. Nakita ko namang nakatuon sa amin ang cellphone ni ate at halata namang kinukunan niya kami ng litrato.
Kinuha ni Samuel si Seth sa akin at siya ang nagkarga nito. Ako naman ay binitbit ang bag ni Seth.
"Sige na po ate Sandra at kuya Chard, mauna na po kami. Salamat po." Ini-isa isa ko silang yinakap. Nagpasalamat din si Samuel.
"Ingat kayo, Ikaw Samuel, mag-ingat sa pagdra-drive" Habilin ni Ate sa amin, um-o naman si Samuel.
Panay ang chika nina Samuel at Seth na para bang matagal na itong magkilala. Nakikita kong hindi ito ng daan papunta sa aming apartment aya pinukaw ko si Samuel sa kaniyang diwa.
"Samuel, hindi dito ang daan samin."
"I know" Sabi nito. "We're going somehere" Ngumisi naman ito.
"Is it to the mall?" Si Seth ang nagtanong nito na may ngiti rin sa labi. Pareho sila ng ngiti, sana hindi nila mahalata.
"Nope! Guess harder!" May pilyong ngiti naman si Samuel halatang nag-eenjoy siya kay Seth.
"To Jollibee?"
"Still a no!" Tumawa naman si Samuel
"I give up! Where are we going Tito Sam?"
"We are going to enchanted kingdom!!" Excited na sabi ni Samuel.
"REALLY? WHAA! I NEVER BEEN TO EK! YEHEY!" Tumatalon talon naman si Seth sa likod.
"Seth, sit down na." Sabi ko naman. Pero tumatayo parin si Seth at kumapit sa may leeg ni Samuel.
"Thank you po Tito Sam" Yumakap it okay Samuel habang nagdra-drive pa ito.
Ngumisi si Samuel nito, "You're welcome kiddo. Let's enjoy this Sunday."
"Seth, awat na. Don't distract your tito Samuel okay?" Pianupo ko si Seth at nilagyan ito ng sitbelt.
Tumingin ako kay Samuel at nakita ko siyang may ngiti parin sa labi, umaabot ito sa kaniyang mukha.
"Samuel, hindi naba sobra-sobra ito? I mean, wala ka bang trabaho today?" Tumingin ako a kaniya.
"Silly, today's Sunday. Let's just enjoy this day together okay? And I really want to get to know Seth." Sabi naman niya.
"Why?" Tanong ko.
"I need his approval in courting you."
Nabigla ako sa kaniyang sinabi. Liligawan daw niya ako? And he needs Seth's approval daw? Oh no!
//AN// Hi, sobrang bilis ba ng pangyayari? I'm planning on ending this in just 25 chapters kasi.
Stay safe everyone. God bless.
BINABASA MO ANG
How Can I Forget?
Genel Kurgu"Bakit mo tinago na may anak pala tayo?" "Dahil baka hindi mo kami tanggapin! Baka hindi mo AKO tanggapin!" Samantha Anne Peterson was living in her normal life. She's just an ordinary person living in an ordinary world. She was happy being with her...