//So hindi ako nakapag-update kasi nasira keyboard ng lappy ko huhuh. Pasensya na sa typos.
Nagtatalon talon si Seth ng makapasok kami sa EK. Wala pang gaanong tao kasi hapon pa naman. Nag-try naman kami ng iba't-ibang rides, yung akma lang sa edad ni Seth.
Nang medyo gumabi na ay nagpahinga naman kami sa isa sa mga bench at kumain ng ice cream.
"I don't want this day to end" Commento ni Seth habang kinakain niya ang ice cream na bigay ni Samuel. Todo trapo naman ako sa mga tumutulo niyang ice cream.
"Me too kiddo." Sabi ni Samuel sa kaniya. Nasa paanan pala ni Samuel si Seth ngayon.
"Sabi ko naman saiyo Samuel na cup ang kay Seth, ayan tuloy sobrang dumi na niya." May kauting pagmamaldita ako. Hindi kasi nakikinig itong si Samuel eh. Danish cone ang binili. "Bibihisan ko na naman itong si Seth."
"Sorry na. Pero nag-eenjoy naman siya sa kaniyang cone eh." Humilig si Samuel sa aking balikat. Hinayaan ko ito dahil baka pagod. Simula kasi nuong nakapasok kami dito eh todo buhat siya kay Seth na parang ayaw niyang mawalay ito sa kaniya. Nakikita kong, napapalapit na sila. Napapalapit ang mag-ama sa isa't-isa.
"I'm gonna get that panda for you Kiddo!" Nandito kami sa may claw machine at halos mag-iisang oras na kaming nagphihintay kay Samuel na matapos. Hindi kasi niya makuha-kuha ang panda na stuff toy na request ni Seth.
"Huwag mo ng ipilit Samuel, halika na." pilit kong kinukuha ang kaiyang braso.
"NO!" May diing sabi ni Samuel. Alam kong naiirita na ito.
"Bilhan mo nalang siya sa may gift shop, marami roon. Hindi ka pa mapapagod."
"Walang panda do'n" Naiirita na talaga si Samuel.
"Can I try tito Sam?" Si Seth na ang pumigil kay Samuel. Walang nagawa si Samuel at kinarga si Seth para maabot nito ang controller.
"Yehey! Mommy look! Nakuha ko si Mr. Panda!" Todo talon naman si Seth.
Bukas ang bibig ni Samuel na para bang hindi niya inakala. "Very good baby" Nag comment ako sa acknowledgment ni Seth.
"Bakit... Anong?"Hindi makapiniwala si Samuel. Todo halakhak naman ako sa kaniyang reaksiyon.
"Halika na, manuod na tayo ng shows." Hawak-hawak ko ang kamay ni Seth na hina-hug ang panda. "Next time ka nalang bumawi Samuel. Hahaha" Hindi parin ako nahimasmasan eh! Todo tawa parin ako.
"I swear, im going to get it, and I just gave Seth the chance and then he stole---" Reklamo ni Samuel.
"Oo na Samuel, you'll get it next time. Huwag mo lang isama si Seth kasi baka makuha na naman niya." Humalakhak na naman ako. Nakita kong naka poker face si Samuel, nakonsensiya naman ako.
"Uy, sorry." Sinusundot ko balikat niya.
"Okay lang, magprapractis nalang ako." Ngumisi naman ako sa sagot niya.
Nagtungo na kami sa may stage at nanuod ng show. Wala na kaming naabutan na upuan kaya naman, gaya kanina, ay kinarga na naman ni Samuel si Seth. Tuwang-tuwa ang dalawa nanunuod. Paminsan-minsan ko silang tinitignan at doon ko napagtanto na pareho sila ng ilong, mata at labi. Pareho sila ng tawa at mga facial epressions. Wala nang natira sa akin eh, yung pagkahilig lang yata ni Seth ng chocolates.
Nagdeklara naman ang host na magsisimula na ang fireworks. Nagsimula ng mag count down at nung nasa 1 na ay nagsimula ng nagliwanag ang itim na kalangitan.
Manghang-mangha si Seth. First time niyang makakita ng fireworks kasi natatakot ito nuon, pero ngayon na nandito na si Samuel na kasama niya, ay hindi na yata ito takot. Nakakuha yata ito ng lakas galing sa kaniyang ama.
Naramdaman ko namang hinawakan ni Samuel ang aking kamay. Tumingin ako sa kaniya, pero nakatingin na siya sa akin kaya nag abot ang aming mga tingin. Ngumisi ito at ginawaran ko rin ito ng ngisi.
Nandito na kami sa isa sa mga restaurant sa loob ng theme park at masaya kaming kumakain, naka boodle fight kasi. Iyon ang inorder ni Samuel. Hindi ko nga siya napigilinan pero hindi naman nagpaawat. Kaya ngayon, hindi namin alam kung paano ito uubusin.
"Thank you for bringing me here Tito Samuel. I had fun!" Si Seth at Samuel lang ang nag-uusap kasi enjoy na enjoy ako sa aking halo-halo.
"You're welcome Seth." Sinubuan niya ito ng pagkain.
"Uhm, I hope you don't mind po pero... can I call you Daddy?"
Nabilaukan ako sa biglang tanong ni Seth. Tumigil naman sa pagkain si Samuel at tumitig kay Seth na may seryosong mukha.
Agad ko namang kinuha ang tubig at nagsalita. "Baby-"
"Okay, you can call me Daddy" May tuwa sa boses ni Samuel.
Hindi magkamayaw si Seth! Tuwang-tuwa ito. Sinenyasan ko naman si Samuel ng 'are you sure' at nag thumbs up lang ito.
"Yes! I have a Daddy!" sigaw ni Seth "I have a Mommy Sam and a Daddy Sam! I'm the happiest kid on earth."
Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matutuwa. Hindi ko pa kasi nakikitang ganito kasaya si Seth. Pero kasi, Im a mother, and all I want is that my kid will always be happy.
I can't believe that Seth is calling 'Daddy' to his daddy.
It sounds kinda sweet.
And dangerous.
BINABASA MO ANG
How Can I Forget?
Ficção Geral"Bakit mo tinago na may anak pala tayo?" "Dahil baka hindi mo kami tanggapin! Baka hindi mo AKO tanggapin!" Samantha Anne Peterson was living in her normal life. She's just an ordinary person living in an ordinary world. She was happy being with her...