Chapter 9: I'm here again

345 7 0
                                    

Pinukaw ako ng mainit na sinag ng araw at matinding sakit ng ulo. Unti-unti kung binuksan ang aking mata at napansing hindi ko kwarto ito. Itim at gray na mga kisame at pati na rin ang mga gamit dito.

Agad kong tumingin sa aking katawan at nakitang nandito pa naman ang aking damit kagabi.

Nasapo ko ang aking ulo, sumakit itong lalo ng ipilit kong alalahanin kung ano ang nangyari kagabi, kung paano ako nakarating sa lugar na ito, kung may ginawa na naman akong nakakahiya, pero hindi ko talaga naaalala. Hanggang sa pagsayaw ko lang sa bar kagabi na hawak-hawak ni Amy ang aking kamay at doon lang ang hangganan ng aking memorya.

Agad akong tumayo at sinuot ang aking flats at kinuha ang aking sling bag at cellphone sa may bed side table.

Habang sinusuot ko ang aking flats ay ine-open ko ang cellphone ko. May 23 missed calls at puro galling sa aking ate.

Oo nga pala! Si Seth!

Halos liparin ko na ang hagdanan ng bahay, wala akong pakialam kung maaaksidente ako o hindi, basta ang importante ay makuha ko na si Seth. Marahil ay nagtatampo na iyon.

Pagdating ko sa unang palapag ng bahay, napahinto ako dahil parang kilala ko ang estruktura nito. Parang nakapasok na ako dito pero hindi ko lang matandaan.

Bakit kasi naparami ang alak ko kagabi? Ano ba Samantha, hindi ka nag-iisip.

"Oh, you're awake."

Bumilis ang tibok ng puso ko pagkarinig ko sa boses na iyon.

Oo Sam! Nandito ka sa bahay nila.

Im here again! Fudge!

Dahan-dahan akong lumingon kung saan nangagaling ang boses na iyon at nakita ko siyang naka sando at boxers lang na pinatungan ng apron.

Bigla akong nagutom.

"Uhmm.. Im really sorry about last night. Sorry naabala pa kita." Sabi ko. Hindi parin ako kumikilos sa pwesto ko habang nakatingin sa kaniya. "And... Uhmmm.. Thank you for taking care of me. So yeah I gotta go."

Sisimulan ko na sana ang lakad o palabas ng kaniyang mansion ng bigla siyang nagsalita. "Sorry, I don't accept your Thank You."

Lumingon ako sa kaniya at nakita kong papalapit siya sa akin.

"Why?" tanong ko sa kaniya habang ako ay naguguluhan.

"Eat breakfast first, then Ill accept your Thank You."

"Im sorry Mr. Monteverde pero I don't care if you'll accept my thank you or not, I just need to go home." May malditang tono akong nilagay habang sinasabi ko ang aking mga salita. "Besides im not hungry---"

Talaga namang sa pagsisinungaling ko ay bigla namang tumunog ang aking tiyan, hudyat na talagang gutom na ako, gutom na gutom!

Samuel smirked and then he grabbed my wrist and led me to the kitchen. Nakita kong may sunny side up, fried chicken at kanin doon.

"Sorry if heto lang nakayanan ko, hanggang prito lang ako eh." Halatang nahihiya siya pero napangiti naman ako nun, ang cute niya lang eh!

"Samuel, I really appreciate you gratitude, but i also need to go, my son is waiting for me." Bahagyang tatayo na sana ako sa stool ng nagsalita na naman siya.

"I answered one of your calls, I said you're here with me. So, okay lang daw."

"Sino ang caller?" May kaba akong nararamdaman! Shit wag lang si ate Sandra.

"Ate Sandra ang nakalagay." Plain niyang sagot habang nilalagyan niya ng kanin ang platong nasa harapan ko.

Bumagsak naman ako sa stool, alam kong galit na si Ate sa akin kaya dali-dali kong kinuha ang kutsara at tinidor at kumuha ng itlog at manok. Kumakain ako na para ba akong bibitayin mamaya. Tutal papatayin naman ako ni Ate Sandra eh.

"O, dahan-dahan lang." Inabot ni Samuel ang baso ng may laman na orange juice. Hindi ko naman pinansin iyon at nagsandok na naman ako ng kanin, pangtatlo ko ng sandok ito.

Napansin ko namang hindi nagagalaw ang pagkain ng kasalo ko at nakatingin lang siya sa akin.

"Ahrnooor?!" Sabi ko habang puno ang aking bibig ng pagkain.

Para namang gets ni Samuel ang aking sinabi pero ngumisi lang ito at kumagat sa fried chicken.

"Huy, ano nga?" sabi ko habang tinuturo ko siya gamit ang tinidor.

"You're so beautiful Samantha." Plain niya ring sabi. Bigla naman akong nabulunan at inabot niya sa akin ang juice.

"Ikaw kasi eh, sabi ng dahan-dahan eh." Medyo okay na ako at hinahagod naman ni Samuel ang aking likod.

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy kumain. Hindi na rin nagsasalita itong lalaki na nasa harapan ko.

Natapos na akong kumain a niligpit ko na ang pinagkainan ko. Akmang manghuhugas na sana ako ng pinigilan niya ako.

"Huwag na, darating lang din yung help ko maya-maya" naglaka siya papuntang salas at ine-on ang flat screen tv niya na malapit ng maging sine sa sobrang lapad. "Come here Samantha" Nag-signal siyang paupuin ako.

"Nako, huwag na. Hindi naman ako magtatagal eh." Sabi ko ng pinulot ko ulit ang bag ko.

"C'mon, it's the least you could repay me."

Nahiya naman ako sa sinabi niya kaya lumakad ako papunta sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi.

Ngumiti naman si Samuel sa pagtabi ko sa kaniya, mas bumilis naman ang tibok ng aking puso.

"Uhmm.. May ginawa ba akong nakakahiya kagabi?" Pagsisimula ko sa usapan.

"Hmmmm... wala naman." Ngumisi ito na para bang papunta na sa pagtawa. May tinatago ito eh, nasesense ko.

"Huy! Kinakabahan naman ako sa'iyo eh! Sabihin mo na kasi." Yinuyogyog ko ang kaniyang matipuong braso.

"You should'nt feel nervous towards me Sam. You should feel comfortable." Tumingin naman siya sa akin. "And besides, sa akin nalang ang nangyari kagabe." He let out a devilsh smile.

Napaawang ang aking bibig. Lumaki ang aking mata. Shit! History repeats itself ba?

"Don't tell me... we did..."

Tumawa ng tumawa ang katabi ko, siya lang naman ang nasiyahan hmp!

"Sige! Tawa lang! sana hindi ka na makahinga." Inirapan ko naman siya.

"Don't worry we didn't do that." Humilig siya sa sandalan ng sofa "And besides, I wont do that again with the influence of alcohol with you. Not anymore."

Anong ibig sabihin ng lalaking ito? Naaalala ba niya ako?



Been so busy lately, sorry.


VOTE.FOLLOW.COMMENT

How Can I Forget?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon