Gumising ako ng marinig ko na tumunog ang alarm ko hudyat na alas-6 na ng umaga. Bumangon ako na wala si Seth si tabi ko. May narinig akong themesong ng isang cartoon show at agad naman akong nagpunta sa may sala at nadatnan ko si Seth doon na nanood ng Spongebob Squarepants habang kumakain ng Chocolate. Agad ko namang nilapitan ito.
"Hey baby, Good Morning." I sat beside him in the sofa
"Good morning Mommy." Sagot naman ni Seth sa akin at hinalikan ang aking temple.
"Maaga pa ha, bakit nagising ka na? And why are you eating chocolates?"
"Nagising lang ako bigla mom. At ang chocolates lang kasi ang abot ko, I cant reach the sandwhich and the nutella. Nasa may cupboard eh." Nakatuon parin ang mata ni Seth sa TV. "Mom, can you make me my favorite breakfast? Im not yet full sa chocolate eh."
Natawa ako sa sinabi ng anak ko. "Okay baby, dito ka lang"
Nagtungo naman agad ako sa may kusina at nagsimula ng magluto. Habang nag priprito ako ng bacon ay chineck ko ang aking cellphone na may 4 na missed calls kagabi at 2 naman ngayong umaga na puro nangagaling sa iisang number. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy sa pagluluto.
Nang tapos na ako ay tinawag ko na si Seth para kumain na kami. Simpleng fried rice, bacon and egg lang ang niluto ko. Ito kasi ang paboritong agahan ni Seth. Nagtimpla din ako ng gatas para sa kaniya at coffee naman sa akin.
May ganang kumakain si Seth ng biglang tumunog na naman ang aking phone. Isa itong text message.
Hey, Good morning. Answer my calls pls.
Hindi ko to pinansin. Baka wrong number lang ito.
"Mom, can I join you sa coffee shop?" Basag ni Seth sa katahimikan.
"Sure baby, but promise me you'll be a good boy."
"Yes Mommy! I'll be a good boy." May gumuhit na ngiti sa labi ni Seth.
Nang tapos na kaming kumain at naligo at nagbihis ay nagtungo na kami sa shop.
7:30 palang ng umaga pero marami nang tao sa luob. Talagang tinangkilik na ito ng mga tao.
"Good morning po maam!" Bati ni Mang Gusting na isang security guard sa shop. "Ay nandito pala si sir Seth. Hindi ko na makilalala. Ang laki niyo na sir Seth."
"Good morning din po Mang Gusting." Napatawa ako sa sinabi nito sa anak ko.
"Good morning po" sagot ni Seth at nagmano siya nito. Napangisi ako sa inasal ni Seth.
Dumiretso ako sa may office at binigay ni Seth ang iPad. "Dito ka muna baby ha? Tutulong muna si Mommy sa kitchen. If you need anything punta ka diretso sa kitchen. Be a good boy." Sabi ko habang in-on ang wifi.
"Okay mom."
Lumabas ako sa office at nagtungo muna kay Anna, ang cashier ko.
"Good morning po maam" bati ni Anna.
"Good morning." Inobserbahan ko Anna sa kaniyang trabaho at wala talaga akong mapipintas sa batang ito. Nag papartime job kasi ito dito tuwing umaga sa luob ng isa at kalahating taon. Sa bandang hapon naman ay pumapasok na ito ng eskwela. Mabilis si Anna sa kaniyang gawain at palaging may nakaplasta na ngiti kaya naman okay siya sa mga costumers.
Dumiretso na ako sa kitchen at nadatnan ko doon ang aking 2 pastry chef at 2 ring barista na nagagawa ng mga kape at kung ano mang inumin.
"Magandang umaga mam!" Sabay nilang bati sa akin.
BINABASA MO ANG
How Can I Forget?
General Fiction"Bakit mo tinago na may anak pala tayo?" "Dahil baka hindi mo kami tanggapin! Baka hindi mo AKO tanggapin!" Samantha Anne Peterson was living in her normal life. She's just an ordinary person living in an ordinary world. She was happy being with her...