1 week after the "pa check up" scene
Nagluluto ako ngayon ng sinigang. Dito kasi kakain si Ate Sandra, Mica and Amy. Ito na yung dinner na plinaplano ko. Ngayon ko na kasi sasabihin kina ate at kay Mitch na buntis ako.
Pagkatapos kung magluto ay nagtungo na ako sa kwarto para maligo at mag-ayos.
Pagpatak ng orasan sa alas 7 ay hinanda ko na ang lamesa. Maya-maya ay may nag doorbell na.
Unang dumating si Mica at si Amy. Hindi naman nagtagal ay dumating na si Ate Sandra at may dala itong ice cream.
Nagtungo na kami sa may lamesa at kumain na. Kanya kanya sila ng usap. Nanatili lang akong tahimik.
"Samantha, diba may sasabihin ka sa amin?" Pukaw ni ate sa akin. Napatingin naman ako kay Amy na tinanguan ako, hudyat na sinasabi na nandito lang siya sa tabi ko.
"Uhm, Hindi ko alam saan sisimulan ito." Panimula ko "Pero... pero..." May lumabas na luha galling sa aking mga mata "Pero buntis po ako." Napayuko ako sa confession ko. "Sorry po ate, sorry po."
Agad naman na tumayo si ate at yinakap ako. "Shhh.. Huwag ka nang umiyak, every child is a blessing." Yinakap din ako nina Amy at Mica at doon ako napahagulgul.
Habang kinakain naming ang ice cream na dala ni ate Sandra kanina ay nagkwento ako kung bakit ako nabuntis. Simula sa birthday ko hanggang sa mga morning sickness ko at kung sino ang ama. Sinabi ko sa kanila na hindi ko kaagad nasabi kay Mica at kay ate Sandra dahil naghahanap lang ako ng pagkakataon.
Good thing ay tinanggap naman nila ang aking desisyon na hindi ipapaalam sa ama nito na may anak na pala siya.
Pagkatapos ng aming dinner ay kaniya kaniya na silang umuwi at natulog narin ako.
-
4 na buwan na ang lumipas at patungo na ako sa Romero's hospital para sa monthly check-up ko. Ngayon na malalaman ang gender ng baby. Sana babae para maayusan ko siya ng pangkikay, excited na ako.
Nandito na ako sa may main entranc ng hospital ng makita ko na si Amy na may putting robang suot. Sinalubong niya ako dahil hirap akong maglakad ng mabilis dahil Malaki-laki na ang tiyan ko. Mabuti nalang at tinawagan ko siya.
Nagtungo na kami sa clinic ni Dr. Assuncion, siya na ang naging Ob-gyne ko, hindi na ako nagpalit kahit nakakailang kasi lalaki siya.
Pinahiga na ak sa may kama at sinimulan na niya ang dapat gawin.
"Heto ang ulo, ang dalawang paa at kamay." Tumitingin ako sa screen kung saan nagtuturo and doctor sa mga body parts. "And congrats Samantha, magkakaroon ka ng healthy baby boy!"
Napangiti ako. Hindi ko inexpect na ganito ako magiging masaya. Inabutan naman ako ni Amy ng tissue, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa tuwa.
Binilinan naman ko ng doctor ng bagong set na mga bitamina at pagkatpos nun ay nagtungo na kami pareho ni Amy sa mall. Magsho-shopping na daw kami para sa baby. Tinawagan naman naming si Mica para sumunod, mabuti nalang at wala na siyang klase ngayon, alas-5 na kasi ng hapon. Isa kasi itong kindergarten teacher na nagtuturo sa paaralang pagmamay-ari ng kaniyang mga magulang.
Hinintay naming si Mica sa garden ng mall. Nagkwekwento si Amy sa aking baby. Para lang baliw ang babaeng ito.
"Paglaki mo baby, dapat maging doctor ka ha? Katulad ni tita Amy. Huwag lang maging Ob-gyne, at baka mahawa ka sa kamanyakan ni dr. Assumero." Pagtutuloy ni Amy.
"Dr. Assuncion yun, hindi Assumero." Napatawa naman kami pareho ni Amy.
"Anong tinatawa-tawa niyo diyan? Sali naman ako." Hindi naming namalayan na nandito na pala si Mica kaya tumyao na kami at pumasok sa department store ng mall at dumiretso sa baby section.
"What? Lalake ang baby? Bakit?! Kanina pa tudo reklamo si Mica sa gender ng aking baby.
"Paano ba yan? Panalo ako. Nasaan na ang 500 ko?" inilahad naman ni Amy ang kamay niya na para bang naghihintay ng limos. Kinuha naman ni Mica ang kaniyang wallet at binigyan niya si Amy ng 500. Ngiting aso naman si Amy
"Pinagpupstahan niyo anak ko? Hindi na kayo ninang nito." Patuloy parin ako sa pagpili. Marami-rami na rin naman akong nailagay sa basket.
"Ay friend, si Amy pakana nito." Saad naman ni Mica.
"Pumayag ka naman." Saad din ni Amy.
Napatawa ako sa kanilang bangayan.
Nang natapos na kaming bumili ng kagamitan ni baby boy ay nagtungo na kami sa isang restaurant. Ako na ang nanglibre kasi ang dalawang kasama ko ay puro kuripot, parang walang trabaho.
Sila na ang nag order sa akin since sila naman ang nagdedesisyon sa buhay ko.
Nag-usap lang kami ng kung ano-ano at nang dumating ang order naming ay napasimangot nalang ako sa pagkaing nasa harapan ko.
"Ano ako kambing? Bakit puro gulay ito?" Sabi ko sa kanila na tudo kain sa kanilang steak.
"Healthy foods bring healthy baby" Commento ni Mica na happily eating ng fries.
"And too much alcohol brings one night stand and bring baby" Sabi naman ni Amy. Talaga itong babaeng ito walang preno magsalita
"Hmp! Ewan ko sainyo, hindi na ako manglilibre forevs."
Tumaya lang sila. Napangiti ako. Napaka swerte ko talaga. Kahit pa nagkasala ako ay hindi ko naman ito pinagsisisihan, dumating naman itong baby sa akin at nandiyan palagi ang mga kaibigan ko para pasayahin ako. Para sa akin, ito ang depinisyon ng masaya.
sorry sa late update, busy sa midterms.
Follow and Vote Thank You!
God bless po sa lahat
BINABASA MO ANG
How Can I Forget?
General Fiction"Bakit mo tinago na may anak pala tayo?" "Dahil baka hindi mo kami tanggapin! Baka hindi mo AKO tanggapin!" Samantha Anne Peterson was living in her normal life. She's just an ordinary person living in an ordinary world. She was happy being with her...