Current Day
Naglilibot kami ni Seth sa mall. Naghahanap ng regalo para kay Mica. Hawak-hawak ko ang kamay ng aking kamay habang kumakain siya ng Belgian waffle. Pumasok kami sa National Book Store at naghanap ng Calligraphy Set since inspired artist naman yun si Mica.
Binitawan ko muna ang kamay ni Seth. "Huwag kang aalis sa tabi ni Mommy Seth ha?"
"Okay po"
Naghanap naman ako ng set na pinakamaganda. Nung nahanap ko na ang perfect calligraphy set ay nilingon ko na si Seth pero hindi ko siya nakita.
Agad na may bumalot na takot sa akin at agad kong hinanap si Seth. Nilibot ko ang NBS pero hindi ko siya nakita. Hindi ko na binili ang regalo at agad lumabas sa store.
Hindi ko alam saan uunahin ko. Nagpalinga-linga ako pero wala parin si Seth. May nakita akong nagkukumpulan na tao sa harap ng Jollibee at nagbasakaling baka nandoon si Seth. Sumasayaw pala ang mascot na si Jollibee at maraming tao na nag vivideo sa kanya. Sumiksik ako sa mga tao at hinahanap parin si Seth.
"Mommy!" Napalingon ko at nakita si Seth na may kumakarga sa kaniyang lalaki.
Agad akong pumunta sa kanilang kinaroroonan at kinuha si Seth. "Baby, bakit bigla kang nawala?" Yinakap ko si Seth.
"Sorry Mommy. Nakita ko po si Jollibee na sumasayaw kaya pinuntahan ko po." Hinalikan ni Seth ang aking noo. "Pero po, kinarga po ako ng lalaki para makita ko po sumayaw si Jollibee kasi I am so short para hindi ko makita." Tinuro ni Seth ang lalaking kumarga sa kaniya. Pagtingin ko sa kaniya ay halos mawala ang dugo ko sa mukha ko.
"Miss." Bati ng lalaki. Sa lahat-lahat bakit ang tao pa na iniiwasan kong makita sa loob ng 4 na taon ay yun pa ang kumarga sa anak ko?
"Uhmm. Thank you ha? Sige mauna na kami." Lakad-takbo ang ginawa ko, nagmamadaling lumabas sa mall.
"Wait! MISS!" Narinig ko ang sigaw ng lalaki pero hindi ko pinansin yon. Dapat ay makalabas na kami agad dito.
Nakarating na kami sa parking lot at sumakay sa sasakyan. Hindi ko muna pinaandar ito dahil hinahabol ko ang hininga ko.
"Mommy, why are we running po kanina? Is the person kanina a bad guy?" Curious ang mukha ni Seth noon hinarap ko siya.
"Uhmm. No baby. Its that, na wiwiwi na si Mommy kaya I needed to run." Pagsisinungaling ko na naman sa kaniya.
"He was so kind to me mom. He lifted me para makita ko si Jollibee and he get my bag para daw hindi ako mahirapan. Hala! Ang bag ko nakalimutan kung kunin sa guy kanina mommy!" may pag- alala ang mukha ni Seth. "Can we get it from him?"
"No! Hindi natin kukunin!" Napasigaw ako na nagresulta ng pagkabigla ni Seth.
"Bibilhan ka nalang ni mommy ng bagong bag and school supplies." I said at binuhay ang sasakyan at nagtungo na sa kalsada.
"But mom, nandoon po ang drawing book ko." Sabi ni Seth.
"Seth Timothy! If I say no, IT'S A NO!" napataas ang boses ko. May pagkagulat ang mukha ni Seth. At bigla nalang itong umiyak. Hindi kasi ito sanay na sinisigawan. I pulled over the car sa may corner.
I cupped Seth's face and kissed his forehead.
"Baby, im sorry. Hindi sinasadya ni Mommy na sigawan ka. Mommy's just tired okay?" I hugged Seth. "And I promise you to buy another drawing book diba?"
"Im sorry Mommy." Seth replied and that melts my heart. Hindi ko kinakaya na makita si Seth na malungkot.
Binuhay ko na ulit ang sasakyan. Nakita ko na natutulog si Seth.
Sorry anak, hindi mo na dapat makita ang iyong ama. Hindi muna ngayon.
Pagkarating naming sa apartment ay binuhat ko na si Seth. Mabuti nalang ay nasa ika-lawang palapag lang ang unit namin.
Nilapag ko na si Seth sa kama at binihisan ko na siya. Hindi ko na siya ginising baka napagod sa aming unplanned running marathon.
Nagbihis na ako at nahiga na sa kama at tinabihan si Seth na mahimbing na natutulog. Talagang pinagtagpo ang mag-ama ng tadhana. Pero nabigla ako ng tinawag niya ako sa aking pangalan, ewan baka kilala niya ako. Bestfriend niya nga pala sila ni John na boyfriend ni Mica. Pero ang alam ko na hindi na dapat mangyari ang pagtatagpong iyon.
Hindi ko inakala na sa mahabang panahon na pagtatago ay wala paring nagbago sa kaniya, gwapo parin! Hindi na ako magmamaang-maangan pa, gwapo talaga si Samuel Montaverde. Napagalaman ko ang kaniyang pangalan dahil palagi siyang nafi-feature sa sikat na magazine as a famous engineer at bachelor sa bansa. He has his own engineering firm both dito Luzon at sa Cebu. He was one of the billionaires na palaging laman ng balita dahil sa mga artista na mali-link nito.
Napatigil ako sa aking pag-iisip ng napag-alaman ko na nakalimutan kung bilhin ang regalo ko okay Mica! Bukas nalang, maghahanap nalang akong ng boutique na malapit sa coffee shop. I kissed Seth goodnight at nagpahila na ako sa antok.
BINABASA MO ANG
How Can I Forget?
Ficțiune generală"Bakit mo tinago na may anak pala tayo?" "Dahil baka hindi mo kami tanggapin! Baka hindi mo AKO tanggapin!" Samantha Anne Peterson was living in her normal life. She's just an ordinary person living in an ordinary world. She was happy being with her...
