Chapter 3

528 8 0
                                    

"So, put the bar counter there, and I think lets have 10 table for 2, 3 table for 6 and 1 table for 10 here." Sabi ko sa aking hired interior designer to design my coffee shop. It's my 3rd branch here in the City. Im a pastry chef and I love baking ever since.

"And how about here in the second floor mam" Stacy, my interior designer asked habang papunta kami sa itaas.

"Hmm, I think let's put a mini library here. You add nalang Stacy, I don't really have the ideas right now." I said.

"Okay mam, I'll just email to you my designs later." Stacy said while taking a picture at the second floor.

"Thank you Stacy. Like sobrang thank you because your designs are the reason why costumers are keep coming back doon sa iba ko pang branches." I said and hugged her.

"Nako maam, the reason why people are keep coming back in your shop kasi masarap po ang mga foods niyo." Stacy said.

"Anyways, I gotta get going na Stace, susunduin ko pa si Seth. Magtatampo yon kapag late akong dumating. Kayo nalang mag-usap ni engineer Carlo about sa project" I said looking at my wrist watch

"Sige po maam." And Satcy and I waved goodbye

Binuhay ko ang sasakyan na pag aari ko at nagtungo sa lugar na pupuntahan ko.

Pagdating ko sa St. Claires Academy ay natagpuan ko agad ang hinahanap ko. He was sitting sa dulo ng slide at nag draw-drawing. Unlike the other kids around him that are playing, nag da-draw lang siya.

"Hey Seth," pukaw ko sa kaniyang atensiyon. And I bended yung pantay na kami.

"Mom!" Sigaw niya and he hugged me, "I miss you mom"

"Agad? We just ate our lunch together kanina ah." Binuhat ko siya and started walking papunta sa sasakyan. "Miss mo na ako agad." I said while I kissed his cheeks.

"Mom don't kiss me in front of my classmates, im a big boy na" Seth said while I opened the car door and pinapasok siya.

"Hmm, magtatampo si Mommy kapag ganon." I said while I faked a cry.

"Mommy naman eh, Sige na nga po." Seth then kissed the tip of my nose.

"You know you'll always be mommy's baby boy." I said and went to the drivers seat at nagtungo kami sa paborito niyang fastfood na kung saan nandoon ang bubuyog na pula, yep! Sa Jollibee.

Yun na ang routine ko araw-araw sa nakaraang 4 na taon. Gigising ng maaga, ihabilin si Seth sa ate ko kasi hapon pa naman ang klase niya (Seth is not a morning person),pupunta ako sa main branch ng coffee shop ko, Uuwi ulit at sasabay kami mag lunch at ihahatid ko siya sa school na pinapasukan niya as Kindergarten, pupunta na naman ako sa 2nd branch ng shop, after that susunduin ko siya and its either well go eat or go rest. When the time Seth came in my life, parang ang saya- saya ko na. He gave meaning sa buhay at nagkaroon ng purpose. Im striving hard for Seth, for his future. I love him so much and I could risk my life for him.

Naupo kami ni Seth sa paborito naming pwesto and we talked about his school.

"Mom, next week may family day." Saad ni Seth habang kumakain ng fries. He's dipping it into his sundae.

"Seth... I know where this is going." I said to him

"Uhmm, Im just asking if you can invite dad" he said bowing his head. Naaawa ako sa anak ko, hindi pa kasi niya nakikita ang kaniyang ama. "My classmates, they have their dads, why don't I have mine mom?"

"Baby, you know naman the answer of it already diba? Dad is working far for your future." I said and I held his hand. "Okay naman na tayo lang muna right? Someday, ill let you meet him. Promise."

Seth's face lighten up. "Really Mom? Promise?"

"Of course."

Hindi ko alam if tama ba ang ginagawa kong pagsisinungaling sa aking anak pero alam kung hindi ko pa siya kayang makita.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami sa nererentahan kong apartment. Hindi siya gaanong magara pero okay naman sya para sa aming dalawa ni Seth. Wala akong maid, labandera lang, kaya sa akin talaga napupunta ang mga gawaing bahay.

Seth directly went to our room at nagbihis. Ako naman ay nanghugas ng mga pinagkainan namin na kanina pang breakfast, after nun ay nag walis ako sa sala at bumalik ako sa kusina para magtimpla ng gatas ni Seth.

"Seth!" tawag ko sa kaniya "Come here, drink your milk na"

Lumabas si Seth na naka pajama na at baon ang matang inaantok na. Sa tuwing nakikita ko Seth, hindi ko talaga maiiwasan na makaramadam ng guilt pero alam ko na may tamang panahon pa naman para doon.

Bigla naming nag ring ang cellphone ko at nakitang may tumatawag.

"Hi Mica" bati ko sa kabilang linya

"Anong 'Hi Mica'? Hoy Sam baka nakalimutan mong hindi ka nagpakita sa amin ni Amy for 3 days. Kahit tawag wala!" Sigaw ni Mica na nagresulta ng paglayo ko sa cellphone sa tenga, kahit kalian talaga tong si Mica.

"Hindi ba uso ang 'Hi din Sam?' Anyways alam mo namang busy ako sa ongoing construction sa 3rd branch" sabi ko while sending Seth sa kwarto naming and kissed him goodnight. Lumabas naman ako sa kwarto para hindi ko madistorbo ang tulog niya.

"Anyways, birthday ko na this Saturday. Punta ka sa The End, 7 pm. Dadalhin ko si John and I guess he'll bring his friend daw, baka you know, you want to have a lovelife na." Nawala sa isip ko na birthday na pala ni Mica this Saturday, wala pa akong gift nabili and Thursday na ngayon!

"Hahaha Mica you already know na mas gugustohin ko pang alagaan si Seth kaysa magkaroon ng boyfriend. And besides, wala nang tatanggap sa akin na may anak na." Sagot ko at umupo sa stool.

"Alam ko naman yun eh, but why not give yourself another chance? I'm sure may iba pa naman diyan na willing kayong tanggapin dalawa ni Seth." May pag-alala ang boses ni Mica, alam kasi nito na marami na akong naka date for the past 4 years pero kapag sinasabi ko na sa kanila na may anak na ako ay naglalaho nalang sila bigla.

"O siya, sige na. Matulog ka na Sam. Basta this Saturday ha? Huwag kang mawawala." Sabi ni Mica.

"Okay Mica, Goodnight. Bye!"

"Bye Sammy" At pinutol na ni Mica ang linya.

Agad naman akong naligo at nagbihis at tinabihan ang aking anak sa kama at natulog na.

VOTE.COMMENT

How Can I Forget?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon