CHAPTER SEVEN
Pagkapasok ko sa loob ng bahay, expected ko na nandoon si Sue para salubungin ako. Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at lumapit sakin."Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya. Agad tumungo sa kusina para kumuha ng tubig at nilagok 'yon. Itinuyo ko ang basang labi ko gamit ang mga kamay ko at tinignan si Sue.
"May inasikaso lang ako." Maikling sagot ko. Nag-aalangan na tumango lang siya at bumalik sa kinauupuan niya kanina. "Eh, ikaw? Kamusa ang lakad niyo ni Senior Ry?"
Naramdaman kong natigilan siya. "Ahm, ayos naman. Masaya kasama si Senior Ry kasi friendly siya."
"Ah, talaga? Mabuti naman kung gano'n." Hindi ko pinahalata ang sarkasmo sa mga binabanggit kong salita. "Magpapahinga na muna ako, ah. Masyado akong napagod." Kakasunod sainyo! Gusto ko sanang iduktong 'yan pero hindi ko nalang ginawa. Dahil ayokong malaman niya na sinundan ko siya kanina kaya wala ako sa bahay.
"Teka lang. Kumain ka muna." Alok niya, pero tinanggihan ko lang siya at sinabing busog pa ako. Pumasok agad ako ng kwarto ko at inihiga sa kama ang katawan ko.
Agad pumasok sa isip ko 'yung naiwan kong pulseras. Dapat pala dinala ko 'yun para matakasan ko si Luijin kanina. Super bobo. Kapag ginamit ko 'yun, maglalaho ako at hindi ako makikita ni Luijin. Kapag sinuot namin 'yon ng mga Grim Reaper hindi kami makikita ng mga tao.
Pero agad ding pumasok sa isip ko 'yung mga nangyari kanina. Lalong lalo na 'yung niyakap ako ng walang hiyang lalaking 'yon at sinabing na-miss niya ako at gusto niya akong makasama.
Ginulo ko ang buhok ko tsaka malikot na nag-iba ng posisyon sa paghiga. Ang gulo gulo ng utak ko. May part na gusto kong malaman ang past ng lalaking 'yon pero may part na ayaw. Ano ba talaga? Aish.
Inilabas ko ang cellphone na binigay sakin ng lalaking 'yon tsaka pinakatitigan muna bago tinurn-off. Pagkatapos gawin 'yon ay ipinasok ko 'yon sa loob ng cabinet ko.
Pinilit ko nalang na 'wag mag-isip tsaka pinikit ang mata para matulog. Dahil sa kapaguran, nakatulog ako ng mahimbig.
•••
Maaga akong nagising upang magluto ng breakfast naming dalawa ni Sue. Kahit magulo pa ang buhok ko at mukha pa akong baliw sa kanto, lumabas na agad ako ng kwarto ko. Habang nagluluto ng pancake para saming dalawa ni Sue, biglang may kumatok. Kumunot ang noo ko dahil doon. Hindi ugali ng mga kapit bahay kong Grim Reaper ang kumatok. Bigla nalang silang tatagos sa pintuan namin upang makapasok. Kaya nga hindi na kami magugulat kung may Grim Reaper na bigla bigla nalang papasok sa bahay namin ni Sue.Pero ngayon ay nakakapagtaka, bakit kaya nila naisipang kumatok? Nasiyahan siguro sila kapag ginagawa nila 'yun. Haha. Aish, ewan. Tinapos ko munang lutuin ang huling dalawang pancake na niluluto ko bago ko dali daling binuksan ang pinto ng bahay namin ni Sue. Pero dahil sa gulat ko, sinara ko ulit ang pinto at sumandal ako do'n at iniisip kung hindi ba isang ilusyon ang nakita kong tao mula sa labas.
Humugot ako ng malalim na hininga tsaka binuga 'yon. Dahan dahan ko uling binuksan ang pinto at umikdo nanaman ako sa gulat dahil totoo ngang nandito siya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa tsaka tinitigan ulit ang mata niya.
"A-anong ginagawa mo rito?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Luijin. "Atsaka, paano mo nalaman ang bahay ko?"
"I have my ways." He smirk, "Anyway, nakakahanga 'yung mga kapit bahay mo. Lahat sila naka-black ang suot. Anong meron?"
Inilabas ko ang ulo ko sa pinto ngunit hindi paring tuluyang binubuksan 'yon. Tinignan ko ang lahat ng kapit bahay kong Grim Reaper. Lahat sila nakatingin sa lalaking kausap ko. As in, lahat sila. Patay ako nito. Paano ba ako nahanap ng lalaking 'to? Shinut-down ko naman ang cellphone ko kagabi. How is that?
BINABASA MO ANG
The Girl Grim Reaper (Completed)
Mystery / ThrillerA Grim Reaper who fell in love with a human.