CHAPTER FOURTY FIVE
After three months, hindi na nag-pakita pa sakin si Luijin. Tatlong buwan na simula nung tapusin ko ang saming dalawa. Hindi naging madali sa umpisa pero pinilit kong kayanin dahil ito ang desisyon ko. Ito ang tama. At alam kong mas makakabuti ito para sakin at para sakaniya."Ilang years na pala tayong Grim Reaper, noh?" Sabi ni Sue habang nakaupo kami dito sa bench sa isang school. Naka-invisible mode kami kaya di kami kita ng mga istudyanteng padaan daan. "Kailan kaya matatapos ang paghihirap natin?"
"Alam kong malapit na." Sagot ni Al at nag-ngitian silang dalawa ni Sue.
Hmm? Mukhang may something sakanilang dalawa ah? Pero paano si Senior Ry? Nag confess kaya siya kay Sue? Ano naman kaya ang sinagot ni Sue sakaniya? Nung nakaraang buwan pa 'yon pero ngayon ko lang naalala dahil sa dami ng problema ko. Di ko tuloy nakausap si Senior Ry kung nakapag confess ba talaga siya.
"Sue," Tawag ko.
Napatingin sakin si Sue at niliitan ako ng mata, "Bastos ka na ah. Hindi mo ako tinatawag na ate!"
Natawa ako. "Hindi kasi ako sanay!"
"Kahit na. Ate Cherry itawag mo sakin. Bastos kang bata ka."
Nagtawanan nalang kami ni Al sa sinabi niya, "Di kasi ako sanay kapag ate ang tawag ko sayo! Tss!"
"Tss ka rin!" Sabi niya sabay irap. "Ano nga pala sasabihin mo?"
Umayos ako ng upo bago nagsalita, "Nagkausap ba kayo ni Senior Ry noon? May inamin ba siya sayo?"
"Anong inamin?" Napataas ang boses ni Al kaya medyo napatingin sa gawi namin ang mga studyante. Buti nalang naka-invisible mode kami.
"Shh. Ano ka ba, Al. Baka matakot satin 'yung mga students!" Sambit ko.
"Ano nga 'yung inamin? Ano 'yon, Sue?" Tanong ni Al at hinarap si Sue. Nakita kong napaawang ang bibig ni Sue at napalunok. Hinawakan ni Sue ang braso ko at hinila palayo kay Al.
"Pa'no mo nalaman 'yun?" Tanong niya.
Tumawa ako, "Ba't naman hindi ko malalaman 'yon, ate?"
Hindi siya nakapagsalita at ilang sandali pa akong tinitigan. Napabuntong hininga siya bago sumagot.
"Oo. Umamin siya sakin. He said he likes me." Sagot niya habang sa ibang direksyon ang paningin.
"Anong sagot mo?"
Umiling siya, "Gusto ko siya pero bilang kaibigan. Sinabi ko na agad sakaniya 'yon para hindi siya umasa."
Napangiti ako. "Hm, so, anong relasyon niyo ni Al?"
Hindi siya nakasagot. Napayuko siya at napakamot sa ulo. Hindi ko mapigilang matawa at napailing nalang.
Bumalik kami sa bench na pinag-upuan namin kanina. Nagulat kami ng makitang wala na dun si Al. Hala, siguradong nag-selos ang lalaking 'yon. Hahaha.
"Nasa'n na 'yun?"
Tumawa ako ng malakas, "Baka nasa bahay na. Nagmumukmok."
Nagtaka naman siya sa sinabi ko. Mas lalo akong natawa at hinila nalang siya.
Nung nakaraang buwan pa kami nagkaayos nila Sue. Syempre nag-sorry ako at pinaliwanag ko sakanila kung bakit mas pinili kong pakawalan si Luijin. Sinabi kong mas mabuti ng pakawalan siya para hindi na kami mapahamak. Para pati siya ma-protektahan ko. Para hindi na maging komplikado ang lahat.
Umuwi kami ni Sue sa bahay at nandun nga si Al. Nakabusangot habang nanonood ng TV. Linapitan siya ni Sue at tinabihan. Lumayo naman siya at kunwaring nagtatampo. Potek. Ang arte naman nito ni Al. Akala mo babae eh.
BINABASA MO ANG
The Girl Grim Reaper (Completed)
Gizem / GerilimA Grim Reaper who fell in love with a human.