Chapter 28

2.1K 39 0
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT


Pumunta kami ni Sue sa cottage at kinuha ang aming twalya. Nandito na kami sa Cebu. Mahaba ang byahe dahil nag barko lang kami. Mas gusto daw kasi ni Sue ang barko upang makita niya ang lawak ng karagatan.

Umupo ako sa loob ng cottage at pinulupot sa aking leeg ang twalya. Kinuha ko ang cellphone na dala ko at tinignan kung may mensahe ni Luijin. Hindi ako mapakali. Kanina pa ako panay tingin sa cellphone na 'to kung nag text na ba si Luijin. Nasa Cebu rin daw siya ngunit hindi ko lang alam kung saan sa Cebu. Imposible naman sigurong magkita kami 'no? Nakapaimposible kasi medyo malaki rin naman ang Cebu.

"Oh, kaninong cellphone 'yan?" Bigla kong pinatay ang cellphone na hawak ko at napatingin kay Sue na pinagmamasdan ang hawak ko.

"Uh, sakin." Mabilis kong sagot. Napakunot bigla ang kaniyang noo at nilapitan ako. Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hinablot sakin ang hawak kong cellphone. Sinubukan kong kunin sakaniya pero itinaas niya 'yon.

"Akin na 'yan, Sue!"

"Wait lang. Titignan ko lang naman." Sabi niya at biglang lumayo sakin. Lumapit ako sakaniya para agawin ulit ang kaniyang inagaw na bagay sakin.

"Woah! Ang ganda naman nito! Ikaw bumili nito?" Tanong niya. Hindi ako sumagot at inunat ang aking kamay para agawin sakaniya ang aking cellphone. Nang maagaw ko 'yon, mabilis ko 'yong tinago sa likod ko.

"Ano ba, Sue. Hindi mo dapat inaagaw ang hindi sayo. Tsk." Naiinis na sabi ko.

"Sus! Bigay sayo 'yan nung lalaking niligtas mo kahapon 'no?" Nagulat ako dahil sa kaniyang sinabi.

"A-Ano?"

"Tss! Hindi mo na ako maloloko ngayon!" Sabi niya at biglang umirap. Nagkasalubong ang kilay ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Talaga bang hindi siya galit sakin kahit nagkakagusto ako sa isang tao? Sa isang hindi namin kauri? Talaga bang hindi siya galit?

"Sue, bakit ganyan ka?" Biglang tanong ko. Natigilan siya sa aking tinanong at unti unting kumunot ang kaniyang noo. "Hindi ba, dapat galit ka? Diba ganun ka naman noon? Nagagalit ka kapag may kasalanan akong nagawa sayo. Pero ba't ngayon? Sobrang laking kasalanan ang nagawa ko pero hindi ka nagalit? Hindi kita maintindihan, Sue."

Narinig ko ang buntong hininga niya at nilapitan ako. Inakbayan niya ako kaya napatingin ako sa mukha niya. Bigla kong nakita ang maganda niyang ngiti.

"Hindi ako galit, Lyk. Tulad nga ng sabi ko sayo, kahit gusto kong magalit, hindi ko magawa. Hindi ko kayang magalit lalo na sayo." Paliwanag niya. "Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko pero ganun talaga eh. Hindi ko magawang magalit kasi naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Mahirap mag mahal ng isang tao lalo na kung alam mong hindi kayo para sa isa't isa. Alam kong sobrang sakit nun."

Pagkatapos niyang sabihin 'yun, unti unti akong napangiti. Hindi ko narin mapigilang yakapin siya sa sobrang tuwa. Kahit papano'y may kakampi ako sa sitwasyon ko ito. Sobrang saya ko ngayon. Nagpapasalamat talaga ako dahil nakilala ko si Sue sa parusa kong ito. Alam kong punong puno ako ng kasalanan at hindi ko deserve maging masaya. Pero salamat parin dahil hindi 'yon pinagkait sakin ng diyos.

"Anong drama niyo dyan?" Napakalas ako sa yakap ni Sue ng marinig ang boses ni Al. Nagulat ako ng tabihan niya ako. Simula nung nasa byahe kami hanggang sa mapunta kami rito sa beach, hindi ako pinapansin o nilalapitan ni Al. Kaya laking gulat ko kung bakit ngayon nandito siya at katabi na ako.

Mas lalo akong nagulat ng bigla niyang guluhin ang tuktok ng buhok ko. Napakunot ang noo ko at napatingin kay Sue. Biglang sumilay ang ngiti sakaniyang labi na para bang sinasabi na may magandang mangyayari kapag kinausap ko si Al.

The Girl Grim Reaper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon