Chapter 8

3.8K 114 1
                                    

CHAPTER EIGHT


Habang kumakain siya ng pancake ay nanonood siya ng TV. At pambata pa ang pinapanood niyang palabas. Spongebob Squarepants yata ang palabas na 'yon at kapag may nakakatawang scene sa palabas na 'yon ay naririnig ko ang malakas na tawa niya. Ganyan ba talaga siya kapag nandoon siya sa bahay nila? Ang childish kasi.

"Hoy! Ilang oras ka ng nandito. Kailan mo ba balak umalis?" Tanong ko. Hindi niya ako pinansin at nakatuon lang ang atensyon niya sa pinapanood. Kainis talaga. Kanina ko pa siya tinatanong pero hindi niya ako sinasagot. Paulit-ulit na nga, e. Kung malakas lang ako, kakaladkarin ko na talaga siya.

Pinakalma ko na lang muna ang sarili tsaka lumabas ng bahay para hindi mabwisit lalo. Ngunit agad namang nagsitinginan sakin ang lahat ng kapit bahay kong Grim Reaper. Okay. Hindi naman siguro ako artista, 'no? Jonks. Pero kasi.. lahat sila nakatingin. Akala mo nakakita ng dyosa, e. Haha.

"'Wag niyo ng pansinin 'yung lalaking pumunta rito. Umalis na siya." Pagsisinungaling ko tsaka ngumiti. "Tsaka, hindi naman siya masamang tao."

"Paano ka nakakasigurong hindi siya masamang tao?" Tanong ni Kee. Ang isa sa mga kapit bahay ko rito sa lugar namin.

"Ahm," nagkalap ako ng mga sasabihin. "Ang sabi niya sakin, naligaw lang siya rito at wala naman daw siyang masamang intensyon."

"Paano kung bumalik ulit siya rito?" Tanong naman ng isang kapit bahay ko rito sa lugar namin. Shit. Nasa Tonight with Boy Abunda ba ako? Bakit kasi ang seryoso nila tapos mukhang kakainin na nila ako ng mga tinginan nila?

"H-hindi na 'yon mangyayari. Makakalimutan na niya ang lugar na ito. Promise."

"Sino ba ang lalaking 'yon?" Tanong nanaman ng isa.

"A-ahm, hindi ko siya kilala."

"Talaga?"

"Oo nga. Hindi ko nga alam kung bakit nandito 'yun, e."

"Eh, bakit sa pinto ng bahay mo siya pumunta imbis samin?"

"Aba, ewan ko. Hindi ko naman alam ang takbo ng utak ng lalaking 'yon."

"Pero gwapo siya at hindi na kami magtataka na may gusto ka sakaniya. Tama ba kami?"

"Ano? Gwapo? Hindi siya gwapo, 'no! Atsaka wala akong gusto sakaniya. Wala akong nagugustuhan na tao kaya tumigil na kayong lahat." Naiiritang sagot ko tsaka pumasok na ulit sa loob ng bahay. Narinig ko naman agad ang tawa ng walang hiyang lalaking nakaupo sa sofa. Tinakpan ko nalang ang dalawang tainga ko tsaka pumasok sa kwarto ko at walang alinlangan na sinara 'yon.

Ilang minuto akong nagkulong sa kwarto tsaka lumabas. Agad namang bumungad sakin si Luijin na may dalang pagkain. Kumunot ang noo ko at mariin na tinitigan siya.

"Ahm, pasensiya na kung kinain ko ang niluto mong pancake. Ang sarap kasi, e." Sabi niya. "Nagluto nalang ulit ako ng adobo para pambayad. Hindi ko nga lang alam kung masarap kasi hindi naman ako magaling pagdating sa pagluluto."

Ang maamong mukha niya ay napalitan ng pagkapula. Okay. Hindi ko na ikakaila na cute siya kapag namumula or kapag nahihiya. Ang sarap kurutin ng pisngi niya. Pero ayoko. Baka kapag ginawa ko 'yun sabihin niya close na kami. At baka bumalik nanaman ang pagiging makulit niya.

"Sinong nagsabi sayo na pwede kang magluto rito sa bahay ko?" Masungit na tanong ko.

"Wala." Maikling sagot niya. "'Wag ka ng magsungit sakin at kainin mo nalang 'tong niluto ko. Trying hard nga akong magluto, e. Kaya sige na kainin mo na 'to." Pamimilit niya tsaka hinila ako papuntang dining table at pinaupo ako sa upuan do'n. Inilapag niya ang pagkain sa harap ko. Kanin at adobong manok 'yon. At may nakalagay rin na tubig at juice sa gilid. Hanep, nagtimpla pa talaga siya ng juice, e may tubig naman.

The Girl Grim Reaper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon