CHAPTER NINE
Nakatulala habang sapo sapo ang noo. Hindi ko talaga inakalang gagawin niya 'yon. Hindi ko parin makalimutan ang paghalik niya sa noo ko.
Binigla niya naman kasi ako. Ayan tuloy hindi ako maka-move on sa ginawa niyang paghalik sa noo ko. Kahit sa noo lang 'yon, malakas parin ang dating nun sakin. Buti na nga lang, pagkaalis na pagkaalis niya ay doon dumating sila Sue at kasama niya si Senior Ry. Maaga palang umalis si Sue sa bahay para kitain si Senior. Tinanong ko siya kung saan sila pumunta at sabi niya niyaya daw siya ni Senior Ry na lumabas at hindi naman daw siya makatanggi ro'n. Tss. Ang sabihin niya hindi siya makatanggi dahil may gusto na siya kay Senior.
At tungkol sa nangyari. Good thing hindi ako sinumbong ng mga kapit bahay kong Grim Reaper. Dahil alam nilang iba magalit si Master kapag may ibang hindi namin kauri ang makatuklas ng sikreto namin. At laking pasasalamat ko dahil naniwala sila sa sinabi kong hindi ko kilala si Luijin. Geez. Hindi ko talaga alam ang gagawin nung nangyari 'yon kaya sana hindi na ulit siya bumalik.
"'Wag kang mag-alala, babalik ako rito para kilalanin kung sino man ang lalaking 'yon."
Arrrgh! Sinabi niya nga pala 'yan ng magkita kami. At sinabi pa niyang babalik siya! Paano na 'to. Kapag bumalik ulit siya hindi na ako paniniwalaan ng mga kapit bahay kong Grim Reaper na nakakita sakaniya. Patay!
"Lyk, ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala diyan. Malapit nang dumating 'yung susunduin mo." Bigla akong napabalik sa realidad ng marinig kong nagsalita si Sue sa tabi ko. Napatingin ako sakaniya at wala sa sariling napatango tango nalang ako tsaka itinutok nalang ang paningin sa mataas na building ng school kung saan mahuhulog do'n ang isang istudyante. Kami ni Sue ang nakatoka rito sa school at 'yung iba naman ay sa ibang insidenteng mangyayari.
"Sigurado ka bang ayos ka lang? Parang wala ka sa sarili, e. Ako nalang muna kaya ang gumawa ng trabaho mo?" Sambit muli ni Sue. Agad naman akong umiling sa tinuran niya.
"Hindi na. Ayos lang talaga ako. Huwag mo na akong alalahanin." Sabi ko tsaka pinilit na ngumiti sakaniya kahit laging nasa isip ko ang lalaking pumunta at nakahanap kung saan ang lugar naming mga Grim Reaper. Natatakot ako sa kung anong mangyayari kapag bumalik ulit ang lalaking 'yon sa bahay. Kinakabahan rin ako dahil baka malaman ni Sue ang tungkol do'n. Ayokong magalit siya sakin.
"Okay. Mag-focus ka na lang sa trabaho mo. At kung ano man ang nasa isip mo, kalimutan mo muna 'yan kahit saglit lang." Sagot nito, tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Sandali ko munang tinanggal ang lalaking gumugulo sa isip ko tsaka nag-focus sa trabaho.
Biglang dumami ang students na nakapalibot habang nakatingin sa fourt floor ng building dahil may isang babae ro'n ang nakaupo sa hand railings ng corridor at mukhang magpapakahulog. Marami ng nagsisigawan sa takot at 'yung ibang teachers naman ay kinukumbinsing pababain siya. Pero hindi siya nakinig bagkus ay nginitian niya lang ang mga ito at unti unti ay nagpakahulog siya sa kinauupuan niya. Lahat ay nagulat dahil sa ginawa ng dalaga.
Nilapitan ko ang babaeng nahulog at napatakip nalang ako ng bibig ko ng makitang nakahandusay ang kaniyang katawan at nagagawa na niyang unan ang puro dugong bumubuhos mula sa ulo niya. Nakadilat rin ang mata nito at medyo nakaawang ang bunganga. Napaatras ako ng konti ng makita ang kaliwang braso niyang bali na. Grabe ang nangyari sakaniya. Tingin ko, nagdudusa ang babaeng ito sa sakit na depression. At dahil malala na ang sakit niya, hindi na niya kinaya at nagpakamatay nalang siya.
"Hayon ang kaluluwa niya," turo ni Sue. Napatingin naman ako mula sa tinuro niyang direksyon. "Gawin mo na ang trabaho mo. Aalis na muna ako dahil hindi ko kaya ang mga nakikita ko ngayon."
Namalayan ko na lang na wala na si Sue sa tabi ko at ako naman ay dumiretso sa kaluluwa ng babaeng namatay. Inilabas ko ang death card na nasa bulsa ko tsaka binasa ang nakasulat mula roon.
"Loiza Delacroix. Died at 15 years old. Cause of death, suicide." Basa ko sa nakasulat sa death card. Medyo familiar 'yung apelyido niya. Saan ko ba narinig 'yon? Makakalimutin na talaga ako.
Napatingin naman siya sakin na mugto mugto ang mata sa kakahagulgol. Hindi niya matanggap ang nangyari sakaniya. Galit na galit siya dahil sa maling nagawa niya ngunit wala na siyang magagawa dahil nangyari na. At ang lahat sakaniya ay tapos na.
"T-talaga bang patay na ako? Pinatay ko ang sarili ko?" Naiiyak na tanong niya. Wala naman akong ibang maisagot kundi tango lang. Hindi siya lumaban. At alam ko ring mahirap sakaniya ang magkaganyan. Mahirap sa isang taong makaroon ng isang sakit na depression.
"Patay kana." Sagot ko. Mas lalo siyang naiyak dahil sa binanggit ko. Hindi ko alam pero parang ramdam ko rin ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Iba 'to kumpara sa mga sinundo ko noon. Kapag may ganitong sitwasyon, naaawa ako at parang gusto ko silang yakapin pero hindi ko magawa. Wala akong ibang magagawa kundi ihatid sila sa kanilang hantungan.
"Sumama ka sakin at alam kong kapag nakarating ka sa hantungan mo ay hinding hindi mo na mararanasan ang lahat ng paghihirap mo rito sa mundo." Napatingin muli siya sakin at dahan dahan akong nilapitan.
"T-talaga?" Tanong niya. Malungkot ko siyang nginitian tsaka tumango. Pinunasan niya ang luhang bumubuhos sa mata niya tsaka sumama sakin. Dinala ko siya sa Master's Office at hindi ko na alam ang sunod na nangyari sakaniya pagkatapos nun.
•••
Naglalakad ako ng mabagal pauwi ng lugar namin. Malayo pa ang lalakarin ko para makauwi na. Maraming tao ring ngayon at salamat naman dahil hindi nila ako nakikita dahil suot suot ko parin ang pulseras ko. Parang pagkatapos ng nangyari kanina ay nanghina ako. Tumagos kasi talaga sakin 'yung pangyayari kanina.Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Luijin. Mukhang nagmamadali ito at may importanteng pupuntahan. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang gumalaw ang paa ko at sinundan ang lalaking 'yon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, gusto kong mapalayo sa lalaking 'yon pero parang gusto ng loob kong lumapit sakaniya at mapalapit rin siya sakin.
At dahil hindi niya naman ako nakikita o nararamdaman, sinundan ko siya ng walang kahirap hirap. Tinignan ko ang mukha niya habang naglalakad, halatang puyat siya at pagod. Ano kayang nangyari? Atsaka, bakit mukhang nagmamadali siya ngayon? Sino kaya ang pupuntahan niya?
At sa wakas ay tumigil na rin siya sa paglalakad. Napatingin ako sa buong paligid at nakita kong nasa Morgue kami. Nagtataka naman akong napatingin ulit kay Luijin. Base sa emosyon niya, bakas ang takot at sakit ang bumabalot sa mukha niya.
Naglakad siya papunta sa isang bangkay na binabalutan ng puting tela tsaka dahan dahang binuksan 'yon. At laking gulat ko ng makita ko kung sino 'yon. Ayon ang sinundo ko kanina. Ayon ang babaeng studyante na nahulog mula sa 4th Floor ng building. Kaano ano kaya niya ito?
Napatitig nalang ako sa mukha ni Luijin ng makita ko ang sunod sunod na luha ang tumulo sa mata niya pabagsak sa pisngi niya. Hinawakan niya ang isang kamay ng dalaga tsaka napaluhod at doon inilabas ang lahat ng luhang gustong kumawala sa dalawang mata niya.
Hindi ko maintindihan. Kaano ano niya ba ang studyanteng nandito sa Morgue ngayon?
PLEASE, VOTE AND COMMENT. THANK YOU FOR READING :)
BINABASA MO ANG
The Girl Grim Reaper (Completed)
Misteri / ThrillerA Grim Reaper who fell in love with a human.